Chapter 32

422 16 0
                                    



KEEN's POV:


It's been a month. Hindi ko namalayan ang oras. Kaya kong isakripisyo lahat para sa pamilya ko.


Weekly ang uwi ni Shawn dito. Hindi daw kasi pwedeng hindi siya umuwi kay Zia. Hindi ko alam kung anong problema niya. Gabi-gabi akong umiiyak dahil namimiss ko na ang anak ko at ang asawa ko. Pero ito siguro talaga ang tadhana ko. Na hindi ako sasaya habambuhay. Pero sana.. kahit hindi na ako.. kahit ang pamilya ko nalang. Totoo ngang mapagbiro ang tadhana. Sana biro lang lahat ng ito. Ayoko ng ganito.


Inayos ko ang sarili ko at ang higaan. I did my morning sessions at saka bumaba para mag-kape.


As usual, nakahanda na ang breakfast. Hindi padin kami magkaintindihan ng mga maids dito. Mukang sinadya ito ni Shawn para hindi ako makatakas. Tumigil nadin ako dahil ilang beses ko ng pinagplanuhan at tuwing nahuhuli ako ng mga tauhan ni Shawn, bugbog lang ang nakukuha ko. Isa pa, sinabihan ako ni Shawn na kapag pinilit kong tumakas, hinding hindi niya pakakawalan si Shin at Kean.


Mayroong pier at airport dito pero hindi ko naman marating dahil sa mga bantay ko. Lahat yun armado at ayoko namang ang pagpunta dun ang maging dahilan ng pagkamatay ko.


Lumabas ako ng bahay at saka nanungkit ng mangoes saka apple. Tumutulong din ako sa hacienda dahil wala akong magawa sa bahay. Natuto akong mag-tanim ng gulay at prutas, sumakay sa kabayo, mag-laba sa ilog, magpakain ng alagang manok, baboy at iba pa. Probinsyang probinsya ang dating nito. Walang kahit anong form ng communication dito. Gustong gusto kong makita muli ang anak ko pero nakikita ko lang sila kapag nandito si Shawn. Meron kasi siyang CCTV sa bahay namin at sa pinagtataguan niya kay Shin.


Sumakay ako kay Charm, ang kabayong binigay sakin ni Shawn. Kulay puti ito na feeling ko ako si Taylor Swift na kumakanta ng White Horse.


"Charm, namimiss ko na sila."-kinakausap ko ang kabayo ko na para bang naiintindihan ako. Wala akong makausap ditto. Lahat sila German ang gamit na language. Wala akong maintindihan. Hindi kami magkaintindihan. 


Tumigil kami ni Charm sa tabing dagat. Dito ako madalas kapag wala akong magawa. Pinapanood ko lang ang sunset. Minsan naman, naliligo ako mag-isa.


Nakadinig ako ng yabag ng kabayo kaya sumakay ako muli kay Charm at saka pinatakbo ito.


"Tinaguan na naman natin ang mga bantay ko,Charm. Hahahaha! Hindi niya tayo kayang habulin. Petmalu kaya tayo magtago."-bulong ko sa kabayo ko. Nag-tatago kami ngayon sa gilid ng cave.


Bumaba na ko kay Charm at pinanood ang sunset. Ayoko kasing may ibang tao kapag nag-mo-moment ako.


Huminga ako ng malalim at saka hinayaang lumandas ang mga luha ko.


"Hindi ko padin tanggap na nandito ako. Hindi ko padin tanggap na nag-taksil si Shawn. Ang mas hindi ko tanggap ay ang pagpapanggap niya sa mga kaibigan at pamilya ko."


After ng sunset, sumakay na ko muli kay Charm at bumalik sa bahay ni Shawn.


The Dominant Bachelor's fake wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now