Chapter 41 - Yesterday's escape

399 16 6
                                    

KEEN's POV:


Tinakasan ko si Shawn. Bwisit siya. Ayaw akong payagan pumunta ng bayan. Eh bibili nga ako ng napkin eh! kainis. May bantay ako. Sampu silang lahat. Susunod daw si Shawn mamaya. Hindi siya makaalis ng bahay dahil may LBM siya. Hindi ko alam kung maaawa ako o matutuwa dahil dumating na ang karma niya.


"Please wait for me here."-sabi ko dun sa isang guard. As usual, hindi nila ko naintindihan.


Sumimangot ako at pumasok sa loob ng botika. At dahil mahaba ang pila. Feeling ko pila sa MRT, pinili ko nalang na sa sa supermarket bumili.

Nakasunod padin yung sampung guards. Kung san san ako lumiliko dahil gusto ko silang takasan. Lagi ko naman silang natatakasan eh. hahaha.

Hawak ko na yung napkin pero feeling ko nakakahiya kung ito lang ang bibilhin ko. Pumunta ako sa snacks corner at kumuha ng Lays at Pringles. Kumuha din ako ng kisses saka toblerone.

Papunta na ko ng cashier ng bigla akong bumangga sa lalaki sa likod ko. Puro muscles ba katawan niya?! Ang sakit. Parang bato.

Humarap naman ako at napanganga nalang ako ng makita kung sino ang tao sa likod ko ngayon. Naka-disguise siya at nag-iba yung muka niya pero that stare and that eyes... I know isang tao lang ang meron nun.


"I've been spying you all the time. This time, I'll do what I promised. I'll help you, noona."-bulong niya.


Hindi agad ako nakaimik dahil hinatak niya ko patago.


"I also have a surprise for you. But for now, you need to wear this and we need to runaway from here."-siya. Hawak niya yung sunglass na black saka yung bonnet na matatakpan yung ulo ko. Kinuha ko naman yun kaagad. He removed his jacket at pinatong sakin.


Para kaming ninja sa galing magtago. Nakikita kong natataranta na yung mga guards dahil hindi nila ako makita. Nakahawak kasi ako sa braso ni Seunghyun. Malaking tao si Seunghyun. Parang si Shin at Kuya Sydd yung built ng katawan niya. Yung tipong laking gym. Nag-mature din siya. Yes, it's Seunghyun. It's the devil's brother! Yung brother na opposite niya.


Nakalabas kami ng grocery store. Takbo lakad naman yung ginagawa naming.


"S-San na tayo pupunta?"-tanong ko habang hinihingal.


"I saw familiar faces earlier. Just trust me."-siya.


Halos ilang minuto din kaming nag-ikot ikot. Hanggang sa makarating kami sa isang fountain malapit sa park. That moment, huminto na yung oras ng Makita kung sino yung nasa harapan ko. They're still sweet as ever.


"OhMyGod! KEEN!" you're...you're...ohmyGod..."niyakap niya ko ng sobrang higpit at gumanti din ako. Grabe, sobrang sarap sa feeling. I'm with Ate Shane. My tears fell.


"Keen... buhay... bakit.... bakit nandito ka?? Sinong nagtago sayo?? Bakit.... patay ka na..."-halos sunod sunod na tanong ni Kyu. Bumuhos ang luha ko. Diyos ko, ito na ba yun? Safe na ba ako? Sasama ba ako? pag sumama ba ako, hindi na mapapahamak pa si Shin at ang anak ko?

The Dominant Bachelor's fake wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now