CHAPTER 39

301 13 4
                                    


Keen's POV:


"I love you so much hon...."


Iminulat ko ang mga mata ko hoping that Shin is here with me. Pero panaginip lang pala ang lahat. Ganun pala talaga. Yung taong gustong gusto mong makita ang laging laman ng panaginip mo. He's always in my dreams... I wanted to be with him again... pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko.


Nagtimpla ko ng coffee. Yung black lang. gusto kasi ni Shin yung black coffee lang kasi ayaw niya ng matamis or may creamer. Gusto niya din minsan ang coffee na may full cream milk basta ako ang nag-timpla. I smiled. I really love you so much Shin after all these years ikaw padin. You'll always be my love now and forever.


Binuksan ko ang tv at napasimangot nalang ng makita ang muka ni Miles. Tsk. Anong nakita nila at naging model ang pangit nay an? Tsk. Nakakatakot yung muka niya. Halatang retoke lang tapos yung kutis niya parang nilaklak niya yung gluta kasama ang bote nito. Kala mo literal na white lady. Tsss.


"Finally! An interview with the famous Shin Daniel Edinburgh Sy!"


Halos mabuga ko yung kape hindi dahil napaso ako kundi dahil narinig ko ang pangalan ng asawa ko. Halos magkandarapa naman ako sa pagpunta sa harap ng t.v.


"We heard the upcoming expansion of your resort here in New York, Mr. Sy. Care to tell us the update?"-host. Nasa news ang asawa ko! Ang gwapo gwapo mo talaga Shin. I love you to the moon and back! Katabi niya si Ate Shane. Ang ganda niya padin walang kupas.


"Yeah, I think we're ready by summer."-Shin. Tumingin si Shin sa camera and smiled a bit. I miss that voice, that gorgeous face and that smile. Nanghina naman yung tuhod ko kaya napaupo ako sa carpet. My husband is on the t.v. Yung taong sa panaginip ko lang nakikita, heto at nasa harapan ko na... hindi man kita mahawakan pero at least I know you're doing great, hon. I'm very proud of you.


"Are you really planning to stay single? We heard you and Ms. Miles are....you know...dating?What?! Dating?! Sila?! NO! NO! I trust Shin so much at alam kong hindi kagaya nya ang tipo nito. Besides, we're married and....I died. Gusto kong pumasok sa T.V at saka sabunutan at bugbugin yung Miles pag nakita ko siya.


Tumulo na naman ang luha ko. Ang babaw ko talaga. God, how I miss my husband.


"That's just a gossip. I can't date anyone anymore because I'm already married and I love her."-nakangiting wika niya. Ako naman nanlaki ang mata. M-Married? But...but I'm dead! You're free to date again, Daniel!


"WOW! That's....that's big news!!"


Ilang segundong katamihikan. Yung dibdib ko ang lakas ng kabog.


"Yeah. I planned to keep this a secret because I wanted to keep my personal life to be private... however... I want the whole world to know my story.....so yeah.. I'm married and I love her...I love her so much... and she's the only one I want for the rest of my life...." Nag-crack yung boses ni Shin. Nakangiti siya pero nakikita ko yung lungkot sa mga mata niya. I miss you so much, hon.

The Dominant Bachelor's fake wife (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora