ALYSSA'S POV
BEGBalik sa gym nanaman, meeting kasama ang teammates namin. Yes, teammates kasi member na kami ng Varsity team. Sobrang saya ko lang kasi nagpayoff lahat ng paghihirap sa tryouts kahapon. Downside, makakasama ko ng limang taon sa team ang Bubwit na si Dennise Lazaro. Sadyang masaklap ang tadhana minsan.
Si Coach Roger agad sumalubong samin pagdating sa gym, umupo kaming lahat sa bench at nakinig sa sasabihin nila.
"Good afternoon, Rookies! Nakita niyo naman siguro ang listahan kanina? Kayong anim ay official members ng Team namin. Dahil dalawang beses sa isang araw ang training ay titira kayo sa Dorm kasama ang ibang members ng Team para mamanage niyo ang time sa training at school. Alam niyo naman ang buhay Atleta habang nagaaral diba? Sa loob ng limang taon kayo ay magsasama sa iisang Team at Dorm. Si Dzi na ang magsasabi kung sino ang magkakaroom pagdating niyo sa Eliazo."
Malas talaga ang buhay ko, magkakasama kami ni Bubwit sa Dorm sa loob ng limang taon. Nakakainis, sana hindi siya ang kasama ko sa room dahil magaaway lang kaming dalawa.
"Lahat ay magkakaibigan, kung meron kayong tension sa inyong kasama ay dapat ayusin niyo yan dahil makakaapekto pa sa laro niyo." Dugtong ni Coach. Kami yata pinapatamaan, tumitingin kasi samin.
**
Pagkatapos ng meeting, pinuntahan ko si Denden na palabas ng gym. Wala lang, babantaan ko lang naman. Haha!
"Hoy Bubwit!" Agad naman tumingin sakin ang loko, nakakatawang tignan ang reaksyon ng mukha niya.
"Maka-bubwit, maganda ka ba?" Nagkasalubong na kilay nito.
"Gusto ko lang naman ipaalam sayo na magiging miserable ang buhay mo dahil magkasama tayo sa loob ng limang taon. Sisiguraduhin kong mapipilitan kang umalis sa team dahil sakin." Pagbabanta ko sakanya.
Nagkibit-balikat lang sakin tapos ngumiti, "Relax, baka ikaw nga yung mapaalis eh." Lumapit siya at tinignan ako sa mata. Tumingin din ang iba samin, "Wag kang assumera, kaya kong maging Demonyo kung kailangan. Mabait naman akong kausap Alyssa Valdez, kung kailangan guluhin ko din ang buhay mo edi Deal. Patas, diba?" Inirapan pa ako tapos lumingon at lumabas.
"Nagmumukha kang tanga dyan sa ginagawa mo." Panenermon ni Bea.
"Akala ko ba kaibigan kita? Bakit kinokontra mo ginagawa ko sakanya?" Takang tanong ko.
Naghalukipkip siya tapos tinaas ang kilay, "Kaibigan kita pero kailangan kitang masermon, hindi naman ako papayag na magmukha kang masama sa iba. Oo, naiintindihan ko kung bakit ka ganyan. Pero kasi, naging kaaway mo lang si Dennise dahil sa lecheng tubig na aksidenteng nabuhos sayo. Act mature naman, Ly!"
"I don't care! She makes me so mad! Kung hindi lang naman siya umepal ay hindi aabot sa ganito!" Pangangatwiran ko.
"Yan! Yan ang problema sayo! Maliit na bagay lang yun! Pinagtatanggol lang naman niya si Ella, kasi hindi naman niya sinasadya yun. Ly, kailan ka ba matututo? Kapag nalayuan ka na ng mga taong walang sawa sa kakatiis dyan sa ugali mo?" Seryosong tanong niya ito. First time kong makarinig ng ganung salita galing sakanya, ewan ko kung magbabago pa ako. Ayoko rin naman magbago, ganito ako.
"I can't change." Tanging sagot ko.
Lumapit naman sakin si Bea at tinapik ako sa balikat "Ly, ilang taon na ang nakalipas. Kalimutan mo na yun."
"Paano ko makakalimutan? Ang sakit kaya nun." Sagot ko sakanya.
"Ang bata pa natin nun, High School. Hanggang ngayon magpapakatanga ka parin?! Wala na siya!" Pagdidiin nito sakin. "Gumising ka naman! Wag mong ibuhos kay Dennise lahat ng galit mo sa nakaraan!"
BINABASA MO ANG
In Your Eyes
FanfictionDennise is a Freshman from Ateneo, she is a good natured lady who is a Volleyball Player from CSA. She hates brats. Specifically, she hates Alyssa Valdez. Alyssa is a Freshman from the same University, the complete opposite of Dennise. Why? Stubborn...