Ella and Alyssa went back to the Dorm after having their heads cooled down. When they arrived, Den is sitting at the sofa while looking at her watch. Nakuha pa akong hintayin? Ha! Alyssa thought, she went upstairs while Den is calling her name.
Hindi na ako dapat magpadala sa kanya, sumobra na siya. Alyssa said to herself while entering the room.
DENNISE'S POV
Nasa sala ako ngayon at hinihintay sina Besh, kinain ako ng aking konsensya pagkatapos masigawan ni Ella kaya hihingi ako ng tawad sa kanilang dalawa. Hindi ko naisip na sumusobra na pala ako, masyado kasi akong nasanay na ako lang ang pinapansin ni Alyssa. Hindi ko din alam kung bakit ganito na ang inasta ko simula nung malaman ko na kaibigan niya din si Bang, parang natakot ako na darating ang araw si Bang na ang mas importante sa kanya tapos kakalimutan na niya ako.
Tuwing mahuhuli ko silang magkasama ramdam ko ang kirot, ang laking hadlang sakin ang makita siyang may kasamang iba. Kahit sabihin niya na si Bang lang yun pero iba ang dating sakin, parang may gusto sa kanya si Bang tapos ayaw lang ipaalam. Lalo na pag may text siya galing kay Bang, kumukulo bigla ang dugo ko. Basta! Ang hirap i-explain, sikreto ko ring binubuksan ang phone niya para tignan kung sino ang nagtetext kaya alam ko.
Umuwi na din sila! Ito naman si Alyssa dumiretso lang sa taas habang tinatawagan ko, hindi manlang lumingon sakin. Ganon ba kasakit ang ginawa ko sa kanya? Nako, umupo ulit ako sa sofa tapos tumingin kay Ella pero hindi niya ako tinitignan. "Sorry Besh." Sabi ko tapos tumingin siya sakin.
Wala akong makitang ngiti kundi isang seryosong mukha. Minsan lang magalit si Ella pero matindi magsalita yan pag galit, inintindi ko nalang at niyuko ang ulo ko sa hiya.
"Hindi sana ako magagalit sayo Den kaso lumagpas ka sa limitasyon mo, hindi naman pwede na sayo lang iikot ang mundo ni Alyssa. Wag mo naman lagyan ng malisya ang pakikitungo ni Bang sa kanya, magkaibigan lang sila. Tsaka nandyan ang Boyfriend mo, bigyan mo naman siya ng atensyon... Hindi yung pagkikitain mo siya puro problema mo kay Alyssa ang maririnig mula sayo, malay mo nasasaktan na pala si Jeric." Rinig kong sabi ni Ella sakin. Ang lakas ng tama ng kanyang mga sinabi, hindi naman mahilig magsalita ng ganyan si Ella pero magaling yan magpayo. Nung narinig ko siyang nagsalita, tumayo ako sa sofa tapos nilapitan siya at niyakap tapos umiyak, hindi naman siya pumalag kaya hinigpitan ko pa lalo.
Patuloy lang akong lumuha habang nakayakap sa kanya, "Sorry." Mahinang bulong ko.
Ramdam ko naman ang paghagod niya sa likod ko, "Shh... Sinasabihan lang kita kasi mali ang ginawa mo, tama na yan. Ayusin mo ang gusot niyong dalawa." Sabi niya sakin tapos hinarap sa kanya ang mukha ko tapos pinahid ang luha. "Hindi na ako galit, sorry din. Bawasan ang pagiging selfish, mahirap na." Paalala niya at tumango ako, bumitaw ako sa yakap tapos umakyat papunta sa kwarto.
Si Ly nandun lang sa kama habang nakikinig ng music, "Ly." Tawag ko pero hindi niya ata napakinggan. "Magusap tayo." Medyo nilakasan ko pero hindi niya ako pinansin, lumapit ako sa kanya at tumingin sakin tapos tinanggal ang earphones. "Usap tayo." Kabado kong sabi tapos umupo siya sa kanyang kama.
Hindi ko alam kung papaupuin niya ako pero tumabi ako sa kanya, mga 6 inches ang layo namin at tumitingin siya sa malayo.
"I'm sorry, hindi na ako uulit."
Wala siyang sinabi, hinawakan ko ang kanyang kamay at malamig pa. Tumingin ako sa kanya na parang nailang sa akin, binitawan niya ang kamay ko tapos lumabas ng kwarto.
Umiyak ulit ako kahit nakakapagod na, ngayon lang ako ginanito ni Ly at nakakapanibago dahil hindi naman matagal ang galit niya dati. Ang tanga ko naman na awayin siya dahil sa simpleng bagay, lumipat ako sa kama ko tapos binuhos ang luha habang patulog.
BINABASA MO ANG
In Your Eyes
FanfictionDennise is a Freshman from Ateneo, she is a good natured lady who is a Volleyball Player from CSA. She hates brats. Specifically, she hates Alyssa Valdez. Alyssa is a Freshman from the same University, the complete opposite of Dennise. Why? Stubborn...