Chapter 12

15.5K 239 3
                                    

Hindi kinausap ni Alyssa si Dennise simula kagabi, nagtaka naman ang isa dahil wala naman siyang ginawang masama. Sinubukan magtanong pero taliwas lagi ang sagot nito. Nasa sala silang dalawa ngayon at kakauwi lang ni Den, siya lang at si Ella ang may klase ngayong araw. Si Ella nga lang ay wala pa sa Dorm dahil nagkaayaan sila ni Jovee na kumain sa labas kaya si Den ay magisa.

Nilapag ni Den ang kanyang bag at gamit tapos kumuha ng tubig para uminom, hindi siya kinibuan ni Alyssa na tutok ang mata sa TV. Nilapitan niya ito at kinalabit pero hindi ito sumagot. Kinuha ni Den ang remote tapos pinatay ang TV. Agad naman tumingin sa kanya si Alyssa.

"Wag kang bastos!" Kinuha ni Alyssa ang remote tapos pinaandar ang TV.

Umupo nalang si Den sa couch habang tumitingin kay Alyssa, "Dahil ba sa joke ko kagabi?" Humalukipkip siya habang tinatanong si Alyssa. Hindi naman siya nainis habang nagtatanong pero ayaw niya lang sa ugaling pinapakita ni Alyssa. "I must have taken it too far."

DENNISE'S POV

Kagabi pa ako hindi pinapasin ni Alyssa, simula nung mainis siya sa asar ko wala akong marinig sa kanya. Mukha akong hangin sa kaanyuan ng pagiging tao, yung dumadaan lang sa kanya. Dapat nga matuwa ako dahil ang tahimik niya kaso mas gusto naman ng utak ko na lagi siyang inaaway. Parang hindi siya yung nakikita ko ngayon, walang imik na Alyssa ang nasa harap ko na nanuod ng TV.

Hindi lang siguro ako sanay na tahimik siya.

"I must have taken it too far." Tingin ko galit siya, galit siya dahil dun sa joke ko. Kahit naman hindi siya magsalita nakikita ko naman sa kilos niya, umiiwas siya sakin. I think she is sensitive, "Sorry." Hindi naman siya sumagot or lumingon manlang.

Parang wala akong kausap dito.

"Sorry." Sinabi ko ulit at medyo tinaas ang boses, lumingon din siya pero saglit lang. Her eyes are practically glued on the TV.

I find it weird, I am not used to her acting like this. Siya pa nga ang nangungulit sakin everytime. Ngayon, ako pa ang kusang umaapproach sa kanya pero walang response. I should be at peace right now but my mind does not like the idea.

Lumapit ako at tinatapik siya sa likod, "Ano ba kailangan mo?" Ang seryoso niyang tanong. Pinatay pa ang TV tapos inayos ang upo, hindi siya tumitingin sakin.

"Galit ka ba?"

"I'm sensitive when it comes to those kind of jokes, lalo na pag babae sa babae. I'm sorry but I don't..."

"Sorry." Inunahan ko na siya, sensitive nga siya. Now I understand, titigil na ako para hindi siya mabadtrip pa sakin.

Her face was full of questions, "Why? Ikaw ang dapat matuwa kasi ang tahimik ko ngayon." She said while looking strangely at me.

"Kasi... Hindi ako sanay." Sabi ko ng hindi nauutal. Hindi nga ako sanay o hindi na ako sanay sa pagiging matahimik niya, mas sanay na ako sa maingay niyang ugali kahit sobra pa siyang nakakainis. Dahil siguro palagi siyang ganun kaya ayoko na matahimik siya.

"Okay."

Tumayo siya at umakyat sa taas, ang cold niya naman.

ALYSSA'S POV

Hindi ko talaga gusto ang mga ganung biro, iniinsulto kasi pagkababae ko. Yes, sensitive ako pagdating dyan. Nung una, tolerated pa kaso kagabi ramdam kong sumobra na siya kaya umiiwas ako. Nagsorry naman siya sakin which is hindi naman dapat dahil matatahimik ang atmosphere niya kapag hindi ako magulo. Sabi naman niya na hindi siya sanay, siya pa nga ang galit na galit tuwing aawayin o guguluhin ko siya tapos sasabihin hindi siya sanay. May mga tao na sobrang labo kung tutuusin, umakyat nalang ako para hindi na siya magtanong pa.

In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon