KIEFER'S POV
Pagkamulat ng aking mata ay wala na si Alyssa sa tabi ko, tinignan ko naman ang oras... Maaga pa naman. Bumangon ako tapos bumaba para tignan kung nandun lang siya, nakita kong naghahanda lang siya ng pagkain. Ang ganda parin niya kahit bagong gising, mas okay narin siya kesa kagabi.
Lumakad ako at niyakap siya sa likod, "Good morning." Bati ko sakanya. Humarap siya sakin at niyakap ako, pagkatapos ay tinignan ko kung ano ang ulam.... Sinigang, matagal na huling Sinigang namin dito... Namiss ko din! Haha! Umupo kaming dalawa at nagsimulang kumain.
"Tumawag sakin si Dad mo, may urgent meeting kayo mamaya." Sabi niya sakin tapos sumubo ng pagkain.
Oo, may meeting kaya sa hapon na ako makakadalaw. Buti niremind ako ngayon, muntik ko na makalimutan. "Oo, thank you sa pagremind." Sabi ko habang ngumunguya.
Habang kumakain ay nahaharutan din kaming dalawa. Just like the old times, walang nagbago sa pagiging makulit ni Alyssa. Mahal ko talaga 'to, hindi ako nagkamali sa pagpili sakanya. Isang Anghel na dumating sa lupa.
Pagkatapos namin kumain ay naghugas ng pinagkainan tapos umakyat ako sa kwarto para maligo, si Alyssa ay nagbihis para sa trabaho niya. Pagkalabas ko ng CR, nakaupo si Alyssa sa kama at nakatingin sa phone. Lumapit ako para halikan siya sa pisngi, napalingon naman ito sakin. "Ano yan?" Tanong ko sakanya.
Ngumiti siya sakin, "Nagtingin lang ng mga random news." Sabi niya tapos hinalikan ako sa lips. "Magbihis ka na." Sabi niya sakin. Half naked pa pala ako, agad akong tumayo para magbihis.
Sabay kaming aalis ngayon, hahatid ko muna siya sa Hospital. Pagkadating namin dun ay nagpaalam sa isa't isa tapos bumaba siya ng kotse, hinintay kong makapasok siya sa loob saka na ako umalis. Ang ganda ng ngiti niya ngayon, sana magtuloy ang positive vibes niya.
ALYSSA'S POV
Hinatid ako ni Kiefer papunta dito. Maganda ang mood ko ngayon, feeling ko may mangyayaring maganda. Ang saya ko na ewan, naglalakad ako papuntang opisina na nakangiti. Nilapag ang aking gamit at nagsimula na sa trabaho. Habang nagtitingin ako ng mga files ay napatingin ako sa Family picture, nakakamiss. Gigising ka din, naghihintay lang kami.
Pansamantala akong lumabas para puntahan ang room ni Kervin, pagpasok ko naman sina Jovee agad bumungad sakin. "Hello!" Bati ko sa kanila pagpasok.
"Hello (Ate) Alyssa!" Bati nila sakin, mukhang may good news. Wala akong nakikitang pagalinlangan sa mga mukha nila.
Agad lumapit si Jovee sakin at kinausap ako, "Good news, improving ang health niya. Nagrerespond ng mabuti ang katawan ni Kervin, slowly but gradually." Ngumiti ako sakanya at napa-thank you. "No worries, I told you." Sabi niya sakin tapos tumingin sa relo niya tapos sakin ulit. "I better go, magrorounds pa sa ibang room. Beep mo lang ako kung may problem, sige." Tinapik niya ako at tumingin sa iba, "Alis na po ako, tawag lang kayo kung may problema." Nagpaalam din sila at umalis na si Jovee.
Ako, teammates at magulang namin ang naiwan sa loob. Good news nga, praying na sana magising na ang Anak ko. Lumapit ako kay Kervin at hinalikan sa noo.
"Okay din yung Bestfriend mo Ate." Panimula ni Mich. Nagkekwento sina Ella sakanya tungkol kay Jovee, ayoko nga sana dahil alam mo naman ang utak pero sabi ni Mich na wala naman siyang iisipin na masama.
Ngumiti ako sa kanila at sumangayon. Nabalutan naman ng curiousity ang iba, sila nalang ang walang alam maliban sa Family namin ni Kiefer. Para hindi sila magisip ay kwinento ko na lahat, maliban sa personal niyang buhay. Ayun, nagsitawanan sila habang kinikwento ko ang kalokohan namin ni Jovee noon.

DU LIEST GERADE
Heartstrings [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 2
FanfictionAng storyang ito ay nakapaloob sa Family Life ng bagong kasal. Tiyak na mas maraming pagsusubok ang kanilang tatahakin lalo na sa pagdating ng isang Anghel, ngayon ay magulang na sila, ano kayang hakbang ang kanilang gagawin para maging masaya ang b...