KIEFER'S POV
Hinayaan ko si Alyssa na umakyat sa taas, umupo ako ngayon sa isang couch tapos pinagisip isip ang mga pangyayari. Ngayon alam ko na ang lahat kaya kailangan ko magingat, akala ni Alyssa na may babae ako kahit wala. How can she be so irresponsible? Alam niya na may Asawa ako pero nagawa pa akong halikan, hindi ako nagpadala sa kalandian niya kundi, mawawasak ang pamilya namin. I only did what is right, bahala si Trinca kung maghabol siya sakin.
"D-Daddy?"
Tumingin ako sa may hagdanan at nakita ko si Kervin na umiiyak habang bumababa, lumapit siya sakin at niyakap ako. Ang bata pa niya para makita ang ganitong problema sa mag-asawa, "It's okay, problema lang namin ni Mommy yun." Sabi ko pero umiyak pa siya lalo, dun na ako nagtaka. Hinarap ko sa akin ang mukha niya, "Why?"
"M-Mommy... Wants... Me... To... Stay... Away... From... You."
Pakiramdam ko nabingi ako sa sinabi niya sakin. Lalayo sila sakin? Hindi pwede! "Alam ko... Po... Na hindi... Mo niloloko... Si Mommy." Patuloy pa siyang umiyak pagkatapos. Yumakap lang ako ulit sa kanya ang hinayaan siyang umiyak. "Daddy... Do something." Bulong pa niya.
"I will, walang aalis." Sabi ko at unti siyang tumigil sa pagiyak, bumitiw siya sa yakap tapos pinunasan ko ang luha niya hinalikan sa noo. "Let's go upstairs, matulog na tayo. Pray, okay?" Sabi ko at tumango siya.
Umakyat kami sa taas at tulog na si Alyssa, hiniga ko si Kervin sa kama niya at nagbihis ako ng pangtulog tapos humiga din sa kama namin. Niyakap ko si Alyssa at natulog na ako.
Maayos ko rin ang lahat.
ALYSSA'S POV
Gumising ako nang may kamay na humahawak sa braso ko, pagtingin ko naman si Kiefer lang pala. Dahan dahan kong inalis ang sarili sa pagkayakap. Hindi ako makapaniwalang niloko niya lang ako, pati itong si Trinca... Bwisit siya, nagtiwala ako dahil mabait yun pala may katangian ng pagiging ahas. Bago pa tumulo ang luha ko ay tumayo na para maghanda sa trabaho.
Gusto ko muna lumayo kami ni Kervin, sinabihan ko na si Kerv kagabi, umiyak lang. Ayaw niya lumayo sa Daddy niya, sinabihan pa ako na kaya namin ayusin at hindi naman manloloko si Kiefer, ininsist ko na kailangan ko siyang ilayo para sa ikabubuti pero bumaba lang siya na umiiyak. Umiyak nalang din ako habang patulog na.
Tahimik kaming kumakain nila Ella dito sa Canteen, hinawakan naman ako ni Den sa kamay at ngumiti lang ako. Nagsalita naman si Amy, "Hindi niya gagawin sayo yun, let him explain." Giit niya pa sakin.
"I don't need explanations, the picture is an enough evidence." Binitawan ko ang aking tinidor at huminga ng malalim.
"Wala siyang kasalanan."
Ano ba pinagsasabi ni Jovee? Walang kasalanan, nakita ko na nga yung picture tapos wala siyang kasalanan?
"Alam ko na plano ni Trinca, may HD kay Kiefer yun. Kaya nga lumalapit sa Asawa mo."
"How can I assume?"
"I confronted Trinca before, gusto ko nga sabihin sayo ang lahat kaso magugulat ka."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi, magsasalita sana si Jovee kaso kinalabit ako ni Ella habang nakatingin sa makayo, lumingon naman ako at nakakita ng isang babae na galing pa ata sa trabaho, corporate attire kasi siya. Kumulo ang dugo ko nang makita ang mukha niya, parang gusto ko siyang sambunutan kaso matatanggal naman ako sa trabaho niyan. Tumayo ako at tumingin ng masama sa kanya, ang lakas ng loob na pumunta pa dito.
"Bawal ang peste dito."
"Hindi ako insekto Ly, babae ako."
Isang salita nalang niya mapapatay ko na talaga siya. Kinompose ko ang sarili bago magsalita, "Masarap ba halikan ang Asawa ko?" Galit kong tanong sa kanya.

YOU ARE READING
Heartstrings [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 2
FanfictionAng storyang ito ay nakapaloob sa Family Life ng bagong kasal. Tiyak na mas maraming pagsusubok ang kanilang tatahakin lalo na sa pagdating ng isang Anghel, ngayon ay magulang na sila, ano kayang hakbang ang kanilang gagawin para maging masaya ang b...