Scene 07 War and Peace

196 25 22
                                    

ILANG araw na rin ang nakalipas mula nang mangyari ang panic attack ni Clyde

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ILANG araw na rin ang nakalipas mula nang mangyari ang panic attack ni Clyde. Hindi na rin sa kanya nagpakita o nagparamdam man lang si Beau pero paminsan-minsan nakikita niya ang sasakyan nito na nakapark sa labas ng school nila o sa labas ng Lexi's Palace na kaharap ng Poppy Hill ngunit ni anino nito ay hindi man lang niya naaninag.

Maybe he felt sorry after all, Or maybe he's ashamed to face me knowing na kakilala ko si Scarlett, she erased that thought.

"Clyde, ready ka na ba?" narinig niya na sigaw ni Laura na nasa kabilang kwarto.

"Saglit lang." sigaw niya pabalik na hindi niya alam kung narinig ng kaibigan niya o hindi. Nakatayo siya sa harap ng full-length mirror at nagsusuklay ng buhok.

Lumapit siya sa kanyang wardrobe at hinanap niya sa mga damit na nakahanger ang maroon hand-me-down knitted sweater niya na nakuha pa niya sa mga gamit ng mama niya noon.

"Hindi mo na kailangang manood ng game Clyde." Scarlett said in a worried voice. Nang lingunin niya ito ay nakasandal ang dalaga sa frame ng pintuan.

"It's okay. Kailangan kong suportahan ang school namin."

She heard her sigh, "Basta kung may problema--"

"Yes, Clyde! Ako ang bahala sa gagong 'yon!" malakas na sabi ni Laura na naramdaman niyang naglalakad sa corridor. Hindi nagtagal ay nakapasok na ito sa kwarto niya at sumandal sa pader malapit sa pinto.

"Laura Dominguez, it's not necessary for you to say that." suway ni Scarlett rito.

"Well, I'm sorry Princess Scarlett kung nilabag ko na naman ang language rules dito sa--" namaywang ito bigla, "Wait a minute, ba't napunta sa akin ang disciplinary act? Si Beau ang pinag-uusapan rito at ang kagaguhan niya!"

"Teka, diba ikaw ang nagpumulit kay Clyde na patulan niya si Beau?"

"Duh! As if I'd let him now!" she covered her face with her palms, "Gosh! Hindi ako makapaniwalang nagkacrush ako sa ugok na 'yon. I'm so gross!"

"Well, atleast you realize it now."

Natawa nalang si Clyde sa kanila at napailing-iling. Tulad nila ni Laura, magkaiba rin talaga ang dalawa kaya nga lang kung nakukunsinti niya si Laura, si Scarlett hindi. Scarlett is really prim, while Laura is...a carefree type?

Finally nakita na rin niya ang sweater niya na nakatupi pala. "I'm all set." sabi niya pagkatapos ay lumapit na sa pinto. She's wearing a white long-sleeved blouse, jeans and her favorite comfy flats. Mamaya lang niya isusuot ang sweater kung nasa city gymnasium na sila.

Ngayon ang araw ng championship game ng Ignasius University at Greco State University para sa Governor's Cup. Hindi siya nakapunta last year para manood dahil dinapuan siya ng lagnat kaya ipinangako niya na this year ay makakapanood na siya. Gusto niyang suportahan ang school nila kahit lahat ng tao roon ay ayaw sa kanya. At siguro isang rason na ngayon si Beau. Gusto niyang makita kung maayos na siya pagkatapos ng naging kasalanan niya sa binata. Hindi niya alam na malaking gulo ang ginawa niya para rito.

when everything feels like the moviesWhere stories live. Discover now