Scene 37 The Goodbye Girl

77 5 0
                                    

"SA 'YO na 'to

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"SA 'YO na 'to." naluluhang iniaabot ng tanging kaibigan ni Steve na si Holly ang paborito nitong aklat na Harry Potter and the Philosopher's Stone.

Nakaupo sila ngayon sa treehouse sa likod ng bahay nina Steve. Kapag wala silang klase, tulad ngayon, ay doon sila nagpapalipas ng araw at nagbabasa ng children's books. 'Yon lang kasi ang klase ng aklat na dinadala ni Holly, gusto kasi ni Steve 'yong aklat na may maraming larawan kasi nababagot raw ito kapag puro letra lang ang nakikita niya.

Nag-angat ng ulo ang batang si Steve mula sa pag-do-drawing sa bago niyang drawing book, "Hindi ko naman gusto ang aklat na 'yan. Kung 'yong comics 'yan baka tanggapin ko pa."

"Eh, gusto kong ito ang remembrance ko sa 'yo." nakanguso na ang labi ni Holly. Pansin rin ni Steve na kanina pa malungkot ang kaibigan niya nang magpunta ito sa bahay nila.

"Bakit ka naman magbibigay ng remembrance?" umupo siya mula sa pagkakadapa sa wood floor, "Para namang aalis ka."

Tumango lang si Holly na ikinalito ni Steve kaya kinuha na lang niya ang aklat sa kamay ng batang babae. Ayaw naman niyang umiyak ito dahil sa pagiging reklamador niya.

"Dito ka lang muna, kukunin ko 'yong nakita kong chocolate sa refrigerator kanina," inakbayan niya ang kaibigan niya, "Tapos share tayo."

Umiling si Holly, "Di bale na, aalis rin naman ako agad ngayon."

"Ah! Hindi ka nakapagpaalam sa mama mo 'no?" tukso niya rito at nakapameywang na tumayo.

Gustong-gusto niyang tinutukso si Holly, kasi kapag napipikon ito sa kanya ay ngingitian lang siya nito. Siguro kahit papaano ay alam rin nito na biro lang iyon ni Steve para kumuha ng atensyon.

"Ang totoo niyan, sa 'yo ako magpapaalam."

"Huh?"

"Aalis na ako mamaya. Tinawagan ako ni papa at sabi niya kukunin na raw niya ako kay mama."

Biglang may umahon na galit sa inosenteng puso ni Steve, hindi kay Holly kundi sa mga magulang nito, "B-Bakit naman? Hindi ba pwedeng sa inyo na lang tumira ang papa mo?"

"Hindi ko alam. Basta ang sabi ni mama hindi na raw sila pwedeng magsama kahit anong pilit ko."

"Kailan ka naman babalik?" ano pa bang magagawa ng siyam na taong gulang na gaya niya?

"Hindi ko alam, Steve. Pero, promise, hinding-hindi kita makakalimutan, sana ikaw rin."

Tango lang ang isinagot ni Steve.

"Ah! At sana, 'pag nagkita tayo ulit, tapos mo nang basahin ang Harry Potter series!" inilahad ni Holly ang munting hinliliit nito, "Promise?"

when everything feels like the moviesWhere stories live. Discover now