Scene 15 Funny Face

139 18 19
                                    

"CLYDE! Bakit hindi mo sinabi sa 'king bata ka?" pagdadrama ng Tita Becky niya sa telepono

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"CLYDE! Bakit hindi mo sinabi sa 'king bata ka?" pagdadrama ng Tita Becky niya sa telepono.

"A-ano po 'yon?"

Nasa bahay siya ngayon ng lolo at lola niya sa Cebu at kasalukuyan siyang naghahanda dahil limang oras na lang ay aalis na siya para sa flight niya.

"Naikwento sa akin nina Laura at Scarlett na ngayong araw ang halloween party ninyo."

"Ah, 'yon po ba? Hindi na po siguro ako aabot pagkarating ko diyan. Baka ma-late ako ng two to three hours kung hahabol pa ako."

"Magtatampo ako kapag hindi ka pumunta."

"I haven't even prepared a costume so--"

"Kami nang bahala 'don. Basta humabol ka 'ha. Susunduin ka raw nina Scarlett sa airport."

She knows how persistent her friends are, so she can't do anything about it, "Okay. I will." nangingiting sagot niya.

♡ ♡ ♡ ♡ ♡

TWO DRIFTERS off to see the world
There's such a lot of world to see
We're after the same rainbow's end
Waitin' 'round the bend
My huckleberry friend, moon river, and me--

Tinanggal ni Clyde ang earphones niya nang marinig niya ang announcement na nakalapag na ang eroplanong sinasakyan nila. Nang tingnan niya ang oras ay mag-aalas siyete na ng gabi.

"Tumawag ka po kapag nakarating ka na sa New York." hiling ni Clyde sa ama niya. Hinatid niya muna kasi ito sa departure lounge para sa mga international flight.

"No, problem. Hindi ko na kailangang ibilin na magpakabait ka pero mag-iingat ka."

"Kayo rin po." tapos ay niyakap niya ang ama. Matagal-tagal bago na naman sila magkita.

Nang makapagpaalam si Clyde sa papa niya sa departure lounge, connecting flight ang trip nito, ay dali-dali siyang lumabas ng airport at nagbabakasakaling makita niya sina Scarlett sa labas.

Habang tumitingin siya sa mga tao ay biglang nagring ang smartphone niya at nagulat siya nang makita ang pangalan ni Beau ang nakaregister, "Good evening..."

"Saang Gate ka?"

"Gate 3..."

"Okay. I can see you."

"Huh?" pagkatapos naputol ang linya.

Ibinabalik niya ang cellphone niya sa backpack niya nang marinig niya ang boses ni Beau sa may likuran niya.

"Hey, Antoinette."

Hearing him call her second name in person makes her heart flutters, "Nasaan sina Scarlett?" tanong agad niya nang lingunin niya ito.

when everything feels like the moviesWhere stories live. Discover now