Chapter 17

3.6K 71 1
                                    


"OW, OW, ow..." reklamo ni Tazmania habang walang pakundangang binubuhusan ni Oreo ng alcohol ang mga gasgas niya sa braso. Thankfully, he didn't break his arm from the fall earlier. Pero inani naman niya ang galit ni Odie.

Hindi naman nasaktan si Odie sa pagsemplang nila kanina dahil niyakap niya ito bago sila bumagsak sa damuhan, at inunan niya ang sariling braso sa ulo ng dalaga. Pero mukhang hindi iyon sapat para patawarin siya ni Odie dahil pagtayong-pagtayo nila, galit na itinulak at nilagpasan siya nito.

Hinabol ni Tazmania si Odie na nagmartsa pabalik sa Tee House, habang tinatanong kung nasaktan ito. Pero hindi siya sinagot ng dalaga at sa halip ay pinagsarhan siya ng pinto. She locked the door and ignored his pleas.

Hindi naman mapilit na tao si Tazmania kaya binigyan niya muna ng espasyo si Odie habang nagpapalamig ito ng ulo. So he just called a taxi and went to Oreo's place to treat his wounds.

"Alam mo, mas mauuna ka pang mamatay kaysa kay Odie," iiling-iling na sabi ni Oreo, saka binitawan ang braso niya bago muling sinubo ang lollipop nito. "Ikaw ang parating nai-injure kapag nililigtas mo siya, eh."

Tazmania looked at the little scars on his forearm and frowned. Mahapdi iyon, pero hindi naman ganoon kasakit. "This is for the greater good."

"Kailangan mo nang magpalit ng strategy, pare," iiling-iling na sabi ni Oreo. "Kapag namatay ka, wala nang makakapigil sa balak ni Odie."

Tumango-tango si Tazmania, saka ipinakita kay Oreo ang ginagawa niya sa kanyang cell phone habang ginagamot siya kanina. "Naisip ko na rin 'yan, Oreo. Tingnan mo 'to."

"Ini-stalk mo ang Facebook account ni Odie?"

"Sort of. Gusto kong malaman kung sino-sino ang malalapit na kaibigan niya. Balak kong gumawa ng mini-reunion nila. Baka sakaling matauhan 'yang si Odie kapag nakita at nakausap ang mga kaibigan niya."

"That's actually a good idea. Nilayo ni Odie ang sarili niya sa lahat mula nang mamatay si Pluto, and everyone gave her the space she needed. Maybe it's high time she reconnected with her friends. Pati ang stepsister ko, nag-aalala na sa kanya."

Sinulyapan niya si Oreo. "Kaibigan ng stepsister mo si Odie?" Kilala niya ang kapatid ni Oreo—si Kisa Concepcion. Artist kasi ng Devlin Films si Kisa na isang artista.

"Yes," sagot ni Oreo. "Pero kahit si Kisa, walang alam sa nangyayari kay Odie ngayon."

"Oh. May iba ka pa bang kadikit sa mga kaibigan ni Odie para madali nating ma-contact?"

Napapiksi si Oreo, saka nag-iwas ng tingin. "Wala masyado. Si Garfield ang kadikit ko sa Serrano twins, hindi si Odie."

Hindi na nagtanong si Tazmania dahil mukhang may iniiwasan si Oreo. Naalala niyang galing din sa Sunray University ang babaeng nang-iwan sa kaibigan noon, kaya siguro umiiwas itong mapag-usapan ang tungkol sa mga kaibigan ni Odie. Maybe the girl Oreo had been looking for yet avoiding at the same time was one of Odie's friends. Maipapaliwanag niyon kung bakit ilang taong lumayo si Oreo sa mga Serrano. Binuhay lang nito ang koneksiyon sa kambal ng hingin niya ang tulong nito para ma-contact si Odie noon.

Siya na lang ang nagkusang tumingin sa listahan ng "friends list" sa Facebook account ni Odie. Tumaas ang isang kilay niya. "She's friends with high-profile people, huh? And these are all legit accounts."

"Of course. Their family owns a huge architectural firm," tila paalala sa kanya ni Oreo.

"Snap Tolentino, the PBA star. Stone Alex Marasigan, also a PBA star. Cloudie Almeria, the scriptwriter," pag-iisa-isa ni Tazmania sa mga kilalang tao na nasa friend's list ng account ni Odie. Legit ang mga account dahil mutual friends nila ang ilan sa listahan. "Shit, is this Monique Baltazar, the country's number one female model?"

"Yeah. Odie's best friend, well, kung tama pagkakaalala ko," tila inaantok na sagot ni Oreo.

Nagulat si Tazmania. Kilala sa fashion industry si Monique, bago ito nagbakasyon at nawala sa fashion scene ilang buwan na ang nakararaan. Madalas niyang makita ang magandang dalaga sa mga social event, pero hindi niya ito malapitan dahil parati nitong kasama ang nobyo noon. Too bad she was already taken, because he had the hots for Monique. Sino ba namang lalaki ang hindi magkakagusto sa napakagandang si Monique? She looked like a goddess!

Nang mapunta si Tazmania sa timeline ng Facebook account ni Odie. Pulos post ni Monique ang nabasa niya, at iisa lang ang mensahe ng dalaga sa kaibigan: "I miss you, Odie."

"Mukhang kahit sa best friend niya, nilayo ni Odie ang sarili niya," naiiling na komento ni Tazmania.

"That actually makes sense. Kung may plano siyang magpakamatay, natural lang na lumayo siya sa mga kaibigan niya, lalo na sa best friend niya. Una, para walang makahalata sa balak niya. Pangalawa, para siguro walang masyadong masaktan sa pagkamatay niya," hinuha ni Oreo.

"The more she needs to see and talk to her friends," desisyon ni Tazmania, saka tinapik sa balikat si Oreo. "Tulungan mo 'kong contact-in ang mga kaibigan ni Odie, lalo na si Monique."

Oreo scoffed. "Gusto mo bang magkita sina Odie at Monique? O gusto mo lang personal na makilala si Monique?"

"What?" natatawang tanong ni Tazmania.

Umiling-iling si Oreo. "Taz, it's obvious. Gusto mo si Monique."

Ngumisi lang si Tazmania. Hindi niya maitatanggi na hanggang ngayon, interesado pa rin siya kay Monique. "So what? It's like hitting two birds with one stone. Natutulungan ko na si Odie na makabalik sa mga kaibigan niya, makikilala ko pa nang personal si Monique Baltazar. Siguro reward sa 'kin 'to ni Lord dahil napakabuti kong tao para iligtas ang estrangherang gaya ni Odie."

"Dinamay mo pa si Lord sa kalandian mo."

"Shut up, lollipop boy."

al-align:mi

Dumb Ways To Love COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon