SO WE meet again, huh?
Nakikipagtitigan si Tazmania kay Jerry, ang isa sa kambal nina Garfield at Snoopy. Makulit ang batang ito dahil katulad noon, nakakapit ang paslit sa binti niya at kinakagat-kagat ang kanyang tuhod. Puno na tuloy ng laway ang pantalon niya.
Naroon sila ngayon sa pinakababa ng hagdan sa Tee House, dahil may importanteng pinag-uusapan sina Garfield at Odie sa ikalawang palapag.
"Chocoyeyt," nanggigigil na sabi ni Jerry, saka muling kinagat ang binti ni Tazmania.
"Mukha ba kong chocoyeyt?" nayayamot na tanong ni Tazmania sa bata, habang dumudukot ng tsokolate sa bulsa niya. "Handa na 'ko ngayon kaya tantanan mo ang pantalon ko."
Inabot ni Tazmania ang Snickers kay Jerry, na mabilis umupo sa baitang ng hagdan at tahimik na kinain ang chocolate. Ah, iyon lang pala ang makakapagpatahimik sa pasaway na bata. Ang totoo niyan, bumili siya ng chocolate bar dahil alam niyang makakatagpo uli niya ang kambal.
Nilingon ni Tazmania ang magkapatid na Garfield at Odie—na kandong ang tahimik lang na si Tom—na nag-uusap sa sala sa second floor. Seryoso ang dalawa, at dahil hindi naman kalakihan ang Tee House, naririnig niya ang bahagyang pagtatalo ng kambal.
Kanina, ikinagulat ni Odie nang dumating si Garfield dala ang kambal na Tom at Jerry. Napansin ni Tazmania ang panlulumo ni Odie, na napansin din at minasama agad ni Garfield kaya noon pa lang ay nagkainitan na ang kambal.
Hindi rin naman masisi ni Tazmania si Odie. Pagod ito nang makabalik sa Tee House mula sa sementeryo. Hindi nga rin siya kinausap ng dalaga na nag-request ng katahimikan. Napansin din niyang namumula at namamaga ang mga mata nito. Dala siguro ng pag-iyak. Iyon siguro ang dahilan kung bakit mainit ang ulo nito.
Who could blame Odie, anyway? It was Pluto's first death anniversary.
"Hindi puwede, Garfield," tila naiinis nang sabi ni Odie. "Bakit hindi na lang si Mommy? 'Yon naman ang plano, 'di ba?"
"Hindi kaya ni Mommy sina Tom at Jerry. At alam mong ayaw na ayaw niya pati ni Snoopy na kumuha ng ibang tao para mag-alaga sa kambal," naiinis na rin na katwiran ni Garfield. "Kaya nag-decide kami na si Mommy na lang ang umalalay kay Snoopy. At ikaw naman sa kambal."
Bumuga ng hangin si Odie. "Garfield, I'm busy. Hindi ko kayang pagsabayin ang pagma-manage sa Tee House, at ang pag-aalaga sa kambal."
Matagal bago muling sumagot si Garfield. "Akala ko madali kitang mapapakiusapan dahil mga pamangkin mo naman ang mga batang 'to."
Umungol ng protesta si Odie. "Oh, please, Garfield. Alam mong mahal ko ang mga pamangkin ko."
Tumayo na si Garfield. "Pasensiya na sa abala. Sige, kukuha na lang kami ng yaya."
"Wait. Akala ko ba ayaw ni Snoopy ng yaya dahil na-trauma siya noon sa yaya niya na pinabayaan siya?"
Nagkibit-balikat si Garfield. "Wala kaming choice. Hindi kaya ng mommy natin ang kambal. Si Mommy Sandra naman, may iniinda na ring sakit."
Akmang kukunin ni Garfield si Tom mula kay Odie, pero yumakap si Tom kay Odie.
"Tadie," sabi ni Tom, saka sinubsob ang mukha sa dibdib ni Odie.
Ah, lucky child, sabi ni Tazmania sa isipan. He suddenly felt like he wanted to bury his face in the deep valley of Odie's breasts. Pero mabilis din niyang sinaway ang sarili. You're really starting to sound like a fucking pervert, man.
"Mukhang ayaw niyang umalis," nakangiting sabi ni Odie, habang hinihimas-himas ang buhok ni Tom.
"Alam mo namang attached 'yang si Tom sa 'yo," sabi naman ni Garfield. "And has missed you so much. Parati ka niyang hinahanap sa 'min."
BINABASA MO ANG
Dumb Ways To Love COMPLETED (Published by PHR)
RomanceDumb Ways To Love By Luna King "And that smile was enough to make him forget why he hated the world, even for a while." For Tazmania, loving Odie was like playing Dumb Ways To Die. One wrong move, and the character will die. Movie producer si Tazman...