Chapter 2: The Deal

1.9K 32 0
                                    

    “Ano na naman?” pinigilan niya ang sarili na mapangiti nang lumaki na ang butas ng ilong ni Heart dahil sa pinipigilang inis.

     “I need your help,” nag-alangan siya pero nasabi rin niya ang pakay talaga ng pagpunta niya doon.

     “You make Brandon fall in love with you,” pagpapatuloy niya kahit na hayagang ipinapakita ni Heart na hindi na ito interesado na makipag-usap pa sa kanya.

     “Iyon naman talaga ang ginagawa ko until a few days ago may lalaking sumira ng diskarte ko,” pagpaparinig sa kanya ni Heart. Sa halip na ideny ang pagdidiin nito ay nginitian lang niya ito.    

     “Hindi ko iyon sinadya, okay?”

“Pero sinira mo pa rin ang diskarte ko,”and he is really talking to a child.

“Whoa! Tapos na iyon and you already accepted my apology.”

     Inirapan lang siya ni Heart and he finds it amusing.

“Yah! Yah! Yah!” Hindi interesadong sagot nito.

     “Your Brandon is courting Stacey, our classmate in Physics 202 and I was the first one to spot Stacey as a target. I know you are head over heels in love with Brand so you get him for yourself and Stacey will be mine.”

     “Huh? So your supporting me dahil gusto mong makuha ang babae na nagugustuhan ni Brandon. Gagamitin mo lang pala ako.What a cheater.”

     The princess doesn’t have a very good vocabulary pero sa halip na ma-turn off ay lalo lamang siyang naaliw kay Heart. Ipinilig niya ang kanyang ulo.

     “So papabayaan mo lang na mapunta si Brandon sa iba?” panunulsol niya dito. Kahit na maldita si Heart ay alam niya ang kahinaan nito and he’s prepared on how to manipulate brats like her.   

Kumibot kibot ang labi niya para magdahilan pero wala na talaga siyang maisip na pangcounter attack kay Nico. Nico is offering her help but everytime she looks at his face parang may nakalagay na malaking danger sign sa gwapong mukha nito.

     “Hindi mo kayang panindigan ang paghahabol mo sa bagong crush mo?” parang hindi iyon tanong ah. He is mocking her.

     “Ano ang balak mo?” napipilitang tanong niya dito at isinantabi lang muna ang kung anumang pag-aalangan dito. Magtatanong lang naman siya sa plano nito, pakikinggan niya ang balak nito at kung hindi siya sang-ayon sa plano nito ay madali lang naman na tanggihan ito. Sinabi nito na simpleng babae ang mga gusto ni Brandon. Iyon daw ang nakita nito kay Stacey. Simple lang daw si Stacey pero namumukod tangi ang ganda. Marunong daw makisama ang Stacey na kinahuhumalingan nito at higit sa lahat ay marunong daw sa buhay at sa bahay.

     Ouch! Parang ang maganda lang ang meron siya ah. Ang iba ay puro kabaliktaran niya. Kahit hindi niya pa kilala ang Stacey na iyon ay mayroon nang namuo na panibugho sa kanyang puso para sa babae.

     “Siya, alam ko na kung gaano kaperpekto iyang Stacey niyo. Ano ang plano mo?” hindi na niya tinago ang pagkainip. Sa totoo lang gusto niya talagang ilihis ang usapan dahil hindi siya sanay na nakakaramdam ng inferiority complex at sa mga sinabi ni Nico ay nasa ilalim na ng lupa ang self esteem niya.

     “You have to change to get Brandon’s attention and respect.”

     “Ako? Magbabago? Excuse me!” napataas na ang boses niya. Sumosobra na ang lalaking ito ha. Una ay sumugod ito sa bahay nila para lang marinig ang sagot niya sa apology nito. Ikalawa ay tinapaktapakan nito ang self esteem niya nang ibida nito ang babae na gusto umano ni Brandon. At ikatlo gusto nitong magbago siya para lang siya magustuhan ng lalaking gusto niya. Hindi naman yata tamang magbago siya at gawing clone ni Stacey ang sarili niya para lang magustuhan siya ni Brandon.

Nico's Heart(TO BE PUBLISHED UNDER My Special Valentine)Where stories live. Discover now