Chapter 4:(part 1) Unexpected Farewell

1.3K 29 3
                                    

Excited siya dahil inimbitahan siya ni Nico sa party na idinaos sa departamento nito para sa mga team captain ng bawat event. Aside from the invitation ay may gusto siyang kumpirmahin kay Nico tonight. After almost staying awake the other night ay nasigurado niyang hindi lang naglalaro ang puso at isipan niya. Sigurado na siya na may puwang na si Nico sa puso niya and what she had for Brandon was a simple teenage crush.

 Humarap na siya sa salamin habang hawak ang maliit na bag. She wore a black tube dress na pinaresan niya ng pearl accessories. She was able to maintain a sweet yet sophisticated image. Gaya ng napagkasunduan nila ay sa café na sila magkikita kaya nagpahatid siya sa driver nila sa pagdadausan ng party. Binati siya ng guard ng Buritos Café, lugar kung saan idadaos ang party. Nang makapasok na siya ay gusto na sana niyang tumakbo pauwi dahil pawang mga seniors ng engineering department ang nandoon. Pipihit na sana siya papunta sa pinto na pinasukan niya nang may tumawag sa pangalan niya.

“Hi!” bati niya sa nalingunan na si Brandon.

“You look wonderful,” hindi nito naitago ang paghanga sa mga mata nito at nagbigay iyon ng kaunting lakas ng loob sa kanya but she needed tons of confidence tonight dahil mayroon siyang importanteng misyon na dapat maaccomplish sa gabing iyon. Sana nga lang ay makaya niya.

Nagpalinga-linga siya sa buong lugar.

“Heart I’m sorry for ignoring you. Nagsisisi ako dahil hindi ko binigyan ang sarili ko ng pagkakataon na kilalanin ka pa,” sinserong paghingi ng paumanhin ni Brandon. She just gave him an understanding smile. Sa totoo lang wala naman siyang naramdaman na galit para dito dahil wala naman itong kasalanan sa kanya.

“Ako ang dapat humingi ng tawad say o sa pang-aabala ko,”

“Sino ang hinahanap mo?” tanong nito na hindi niya gaanong binigyan ng pansin dahil abala ang mata niya sa paghahanap kay Nico.

“Dumating na ba si Nico?” nagpatuloy sa paghahanap ang kanyang mga mata.

“Oo,”

“Sige hahanapin ko muna siya.” Hindi na niya hinintay na makapagsalita pa ito. Naglakad na siya palayo dito para hanapin si Nico at nakita naman agad niya ito. Ang excitement na nadama niya ay naglaho nang makitang may kausap ito. Nagkubli siya at nakinig sa pinag-uusapan nito at ng babaeng sopistikada.

“I can see that you’re playing with the campus princess,” sabi ng babae.

“Stacey she’s just a kid.” Siya ba ang tinutukoy ni Nico? Sana ay hindi.

“You have been controlling the princess and it really amazed me. I think you already made the campus princess fall hard for you,”

Inakbayan ni Nico si Stacey at hindi naman pumalag ang babae.

“I liked you Stace. Ikaw lang ang umayaw sa ‘kin,”

“Okay Mr. Pozon, yes I’ll be your girl.”

That is the finishing blow. Tumalikod na siya. Tama na ang nakita at narinig niya. Ngayon ay talo na talaga siya. Para siyang sundalo na hindi pa man nakakapaghanda ay inambush na.

Huh! Don’t cry Heart! Don’t cry! Her mind keeps on convincing her not to let the tears in her tearducts fall but she can’t stop crying now.

“Saan ka pupunta?” nag-aalalang tanong ng nabangga niyang si Brandon. Hindi na niya ito napansin sa pagmamadali niyang marating ang pintuan palabas ng Café.

“Sorry,” hindi tumitingin na paghingi niya ng paumanhin dito. Hindi siya tumawag sa bahay nila para masundo siya ni Manong Domeng. She took a walk instead and the long walk was not able to ease the pain she’s feeling.

It was like a scene in a movie at siya ang main character na nabigo sa pag-ibig. Para siyang zombie na naglakad sa kalsada. Wala siyang patutunguhan. Ang gusto niya lang ay makalayo kay Nico. Siguro ang mga nakakasalubong niya ay naiisip na nababaliw na siya dahil hagulgol ang pag-iyak niya. Ang iba pa nga na nakakasalubong niya ay lumilihis ng daraanan para lang makaiwas sa kanya. Sa haba ng nilakad niya pauwi ay nasugatan ang paa niya. Her poor feet na isinali pa niya sa kalbaryo niya. Nalusaw ang make up niya pero nakauwi naman siya ng ligtas kahit tuliro ang isipan niya.

Pumasok kaagad siya sa kanyang silid and put on her headphones. Pasalamat siya at wala siyang nakasalubong na kawaksi sa bahay o di kaya ay hindi siya nakita ng kanyang Papa at Mama sa kanyang ayos. Tulala nalang siya habang nakikinig sa tugtog ng discman niya. Naubos na yata lahat ng luha niya habang nilalakad niya ang daan pauwi kaya wala nang tumutulong luha mula sa mga mata niya. Sana nga lang tinangay na ng luha ang sakit pero hindi eh. Nandoon at lalong lumalala ang sakit. Kung may anesthesia lang para sa puso ay malamang bumili na siya subalit wala pang naiimbento na ganun. Katulad ng ibang taong sawi ay kailangan na pagdaanan niya ang sakit.

Nawalan siya ng gana sa lahat ng bagay. Ang kumain, maligo at mag-ayos ay hindi na nga niya nabibigyan pansin. Palagi nalang siyang nakakulong sa kuwarto niya. Wala na siguro siyang kasing putla dahil halos isang linggo rin siyang hindi nasisinagan ng araw.

“Anak kanina pa tawag ng tawag si Nico. Hindi mo daw sinasagot ang phone mo,” Tiningnan niya ang cellphone at nakita niyang may twenty missed calls na nagregister sa screen ng cellphone niya. In-off niya iyon at inihagis sa kama. Isinuot niya ulit ang headset pero pinatay ng Papa niya ang discman niya. Tinanggal niya ang headset at inihanda na ang sarili sa panenermon ng ama. This was the moment that she had been preparing to come at mukhang handa na siguro siya.

“What’s wrong with you? You’ve been absent for almost a week now. You are graduating this school year April Heart at nakakahiya kung babagsak ka. Kinokonsenti ka lang naming noon but this time ay hindi ko na palalampasin ang pag-iinarte mo.” Tinalo pa siguro ng Papa niya ang Mama niya pagdating sa pangangaral sa kanya.

“I’m just tired and I feel sick Pa,” with matching drowsy look. Sana lang umepekto pa iyon sa ama. That acting had been effective before and right now she needs her Papa to believe her act.

“Stop using such tricks on me, kilala kita April Heart. Alam kong may problema ka. I expected you to come out and solve your problem once you are ready pero isang linggo ka nang hindi pumapasok sa klase. Hindi naman makakatulong sa ‘yo kung aabsent ka sa klase lalo pa at malapit na ang exams mo.”

“I’m going to New York this weekend,” determinadong sabi niya. “I had a conversation over the phone with Auntie Selena this morning and she’d help me with my studies kung nasa poder na niya ako. Regarding my TOR, siguro naman ay magagawan ng paraan ni Lolo para makakuha ako ng exams at mapabilang pa rin ako sa graduating class.”

“Plinano mo talaga ito. Hindi mo ba naisip na maaaring maging usap-usapan ang Lolo mo sa buong Unibersidad? Ilang beses mo na bang dinumihan ang pangalan ng Lolo mo? Pinagbibigyan ka lang namin Heart dahil akala namin ay titino ka rin.”

“Hindi ko naman po sinadya na dungisan ang pangalan na inaalagaan ng pamilya. I never engaged in premarital sex pero nang lumabas ang balita na nagpalaglag ako ay kayo pa po ang unang nagcondemn sa akin. Kayo po ang nakakakilala sa akin pero mas pinili niyong paniwalaan ang mga usap-usapan na kumakalat,” puno ng hinanakit na paliwanag niya.

“All I wanted is for you to go back to school and finish this school year,”

“Pa kahit anong pilit niyo na bumalik ako sa pag-aaral, I just can’t,” she met her father’s gaze. Sana maintindihan ng ama ang pinagdadaanan niya.

“Bakit naman? Give me a good reason April Heart nang maintidihan ko kung ano naman ang pumasok sa isipan mo na umabot ka sa desisyon na iyan. Pilit ka namin na inintindi sa loob halos ng isang linggo. Ngayon ay bigyan mo naman ng dahilan ang ginawa naming pag-unawa sa ‘yo.”

“I’m broken Pa, I really am,” hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya. Sa loob ng ilang araw ay hindi siya umiyak but in front of her father she cried a river. For the first time her father offered her his shoulder. May mga bagay na hindi sila nagkakaintindihan but at that very moment she realized that her father although fond of scolding her is one of the persons that would pick her up when she can no longer stand.

“My baby is a grown up now.” Her father hugged her. Ang Papa pa niya ang kumausap sa Lolo niya para maisakatuparan ang balak niyang pag-alis. Walang alam ang mga kaklase maging ang malalapit niyang kaibigan sa pag-alis niya.

Maybe time would heal her.  Maybe time would make her forget everything and help her start anew.

Nico's Heart(TO BE PUBLISHED UNDER My Special Valentine)Where stories live. Discover now