Chapter 3:(part 1) Falling for the Wrong Guy

1.4K 27 0
                                    

“Pare lets drink out. Mayroong bagong tambayan na nagbukas sa bayan. Ang pagkakaalam ko ay maganda ang lugar,” pagyayaya sa kanya ng isa sa mga malalapit na kaibigan niya sa klase.

     Tinapos muna niya ang pagliligpit ng kanyang mga gamit.

     “Saan ka na pupunta Nics?”tanong nang kaibigan ng  tumayo na siya bitbit ang notebook at libro niya.

     “Pass lang muna ako Louie. May importanteng bagay pa ako na aayusin eh,”

     Kinantiyawan siya ng iba pa nilang mga kaklase. Nginitian lang niya ang mga ito. Nasanay na siya sa mga ito.

     Akala niya ay makakalusot na siya kay Louie pero hindi talaga siya nito tinigilan. Kinuha rin nito ang mga gamit nito at sumabay sa paglalakad niya.

     “Napansin ko lang, palagi kang maagang umuuwi nitong mga nagdaang araw ah,”

     “May inaasikaso lang,”

     “Chick na naman iyan ano? Matindi ka talaga. Tumatahi-tahimik ka lang, iyon pala ay mayroon ka nang kababalaghan na ginagawa,” Napailing na lang siya. Kung minsan ay naiisip niyang tinalo pa ng kaibigan ang mga babae pagdating sa pagsagap ng tsismis.

     “Saan mo nakita iyang chick na pinagkakaabalahan mo pare? Baka puwede mo naming ipakilala at ibalato nalang sa kin iyan,” inakbayan siya nito.

     “Wala. Hindi pa tumitibok ang ito.” inilagay niya ang kanyang kamay sa dibdib na para bang umaawit ng lupang hinirang. Naiwan ito sa paglalakad. Ilang sandal pa ay nakaagapay naman ito sa kanya.

     “Si Rica ba?” pangungulit pa rin nito. Nanatili siyang walang imik. Marami itong binanggit na pangalan pero hindi talaga siya nagkomento o nareact man lang dahil wala sa pangalan na binanggit nito ang pinagkakaabalahan niya.

    

     “Saan ba talaga tayo pupunta?” Naiinip na tanong ni Nico kay Heart. Kanina pa sila paikut-ikot sa eskinita na iyon. Inutusan ng dalaga si Nico na lumiko sa isa pang eskinita. Ilang sandali pa ay puro talahiban nalang ang nadadaanan nila. Hanggang sa nasa harapan na sila ng malaking gate.

Munting Tahanan, iyon ang nabasa niya na nakasulat sa malaking arko sa itaas ng gate. Inabot ni Heart ang busina para bumusina. Ilang sandali pa ay bumukas na ang gate. Isang matandang babae na sa tingin niya ay nasa mga 40s nito ang nagbukas at nagsara ng gate. Isang malawak na hardin at malaking bahay ang nasilayan ng binata. Eksaktong naipark ni Nico ang sasakyan ay excited na bumaba kaagad si Heart mula doon. Sinalubong sila ni Heart ng mga bata na sa tingin niya ay nasa tatlo hanggang sampung taong gulang ang edad.

Narinig ng binata kung paano kinulit ng mga bata si Heart. Nakangiting sinagot naman ng dalaga ang mga tanong ng mga bata. Ibang Heart ang nakikita ng binata. Lahat ng nakikita niya sa dalaga ay maganda. Maging nang gawin nitong katawa-tawa ang mukha nito para lang mapangiti ang batang umiiyak ay maganda. Naman! Bakit nagawa niyang humanga dito? Kung iisipin ay marami pang babae ang mas maganda at mas sopistikada dito pero bakit habang tinitingnan niya kung paano makitungo si Heart sa mga bata ay nagkaroon na siya ng bagong depinisyon ng maganda.

Inalis niya ang mga matang nakatutok kay Heart nang makitang papalapit na ito at ang mga bata sa kinatatayuan niya.

“Siya si Kuya Nico, magpakilala kayo sa kanya. Ikaw muna liit,” itinuro ni Heart ang cute na bata na kamukha ni Charlene sa going bulilit. Nagpakilala ito at sumunod sa pagpapakilala ang iba pa. Napansin niya na may kanya-kanyang palayaw ang mga ito. Matapos ang maikling pagpapakilala ay iniwan muna sila ni Heart. Sumama ito sa pagpasok sa malaking bahay sa babaeng nagbukas ng gate. Nakipaglaro ang binata sa mga bata. Nang mapagod ay humiling na magkuwentuhan nalang sila. At hindi kuwentuhan ang nangyari dahil panay sagot sa mga tanong ng binata ang maririnig mula sa mga bata.

Nico's Heart(TO BE PUBLISHED UNDER My Special Valentine)Where stories live. Discover now