Chapter 3(part 2): Falling for the Wrong Guy

1K 19 1
                                    

Nauna nang umuwi si Zandra at Megs. Sinabi ng mga ito na isasabay nalang siya ng mga ito pero nagpasalamat lang siya sa mga ito at sinabi na okay lang siya. Hinihintay niya talaga si Nico dahil sinabi nitong isasabay siya nito pag-uwi nang maghiwalay sila kanina nang nanggaling siya sa canteen para daw madaanan daw nila sila liit. Mukhang napamahal na ang mga bata kay Nico at nakadagdag iyon ng takot sa kanya. Mahirap na hindi lang ang puso niya kundi pati na rin ang loob ng mga bata ay makuha ni Nico. Isang buwan lang ang kasunduan nila ng binata. Pagkatapos noon ay kay Stacey na matutuon ang atensiyon nito at siya naman ay kay…Whew! Mali man pero nagshift yata ng one hundred eighty degrees ang puso niya dahil sa puntong iyon ay hinihiling niya na hindi lang isang buwan mapalait sa binata. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang iwaksi ang masamang ideya na nasa isipan niya. Itinuon nalang muna niya ang pansin niya sa notes nila sa araw na iyon.

     “Uy! Nandito pa rin ang bagets,” nang mag-angat siya ng paningin ay tatlong lalaki na sa tingin niya ay kadepartamento ni Nico ang nakatayo sa kanyang harapan. Nang pasimple na ilibot niya ang paningin ay mabibilang nalang ang mga tao sa bahaging iyon ng Unibersidad. Nagmamadaling iniligpit niya ang mga gamit. Hindi mapagkakatiwalaan ang hilatsa ng mukha ng mga lalaki.

     Tatayo palang sana siya nang pigilan siya ng isang lalaki sa balikat kaya napaupo ulit siya.

     “Mukhang hiyang ka na sa kakabisita dito sa departamento namin ah.” Maangas ito.

     “May hinihintay lang ako,” sinubukan niyang lakipan ng pagtataray ang kanyang boses but she less succeeded. Kahit na maldita siya, hindi yata uubra ang pagmamaldita lang sa mga ito.

     “Sa susunod na makita ka pa namin dito ay kailangan na magbayad ka na ng visitor’s fee ha?”

     “Ano?”

     “Eh Mahina pala ang pick up mo! Sabi ko sa susunod na mapunta ka dito ay magbabayad ka na sa amin,”

     “May problema ba?” nang lumingon siya ay nakatayo di kalayuan si Brandon. Sa suot nitong pantalon at black na polo ay lalo itong gumuwapo. Kinapa niya sa sarili niya kung may kilig pa ba na dala ang lalaki pero wala na.

     “Wala naman. Napansin lang naming itong si Miss Navales dito sa tambayan namin,”

     “Ed lumayo ka sa girlfriend ko,” sabay-sabay sila na napalingon sa pinagmulan ng boses. Nakita nila na naglalakad palapit si Nico. Magkasalubong ang kilay nito habang papalapit sa kanila. Ang lalaking humawak sa balikat niya na sa tingin niya ay si Ed ay binitiwan siya. Sinenyasan nito ang dalawang kasamahan nito at naglakad na ang tatlo palayo.

     Agad na lumapit si Nico sa kanya. Nakita niyang naglakad palayo si Brandon.

     “Okay ka lang? Sinaktan ka ba nila?” nag-aalalang tanong ni Nico na hindi na naitago ang pag-aalala habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa.

     “Girlfriend mo ako?” balik tanong niya dito sa halip na sagutin ang katanungan nito.

     “Wala akong sinabi,” hindi tumitingin sa kanya na sagot nito. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Sigurado siya sa narinig niyang pagdeklara ni Nico na girlfriend siya nito pero bakit nagdedeny ito ngayon?

     “Ba’t hindi ka na umimik diyan? Nagdadalawang isip ka kung papagalitan mo ako o hindi sa ginawa kong pagsisinungaling na girlfriend kita maski nandoon si Brandon? Kahit na maulit pa ang nangyari, iyon pa rin ang sasabihin ko Hearty,” Nang hindi siya sumagot ay nagpatiuna na ito sa paglalakad. Nang hindi pa rin siya sumunod dito ay lumingon ito sa kinauupuan niya.

     “Hindi ka sasabay sa ‘kin?”

     Parang nagising sa maikling panaginip na isinukbit niya ang bag at humabol dito.

Nico's Heart(TO BE PUBLISHED UNDER My Special Valentine)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin