Chapter 12

4.7K 340 40
                                    

Sam whistled as I went out of the room. Silang tatlo ay nakaayos na para sa labas namin ngayong gabi at ako na lang ang hinihintay.

"Maine, sexy!" hiyaw ni Sam. "May magbabakod mamaya!"

Agad akong lumingon kay RJ na ngayon ay madilim ang mga mata. Agad siyang lumapit sa akin at hinila pababa ang aking shorts.

Napansin kong bumulong si Sam kay Kris at tinignan kami ng maigi ni RJ. They both laughed and patted RJ at the back.

"Hindi pa tayo umaalis niyan ha."

Dinampot ko lang ang aking purse at inaya na silang bumaba. I don't know but I'm feeling good tonight!

Pagsakay namin sa elevator ay agad akong hinawakan ni RJ sa kamay. Tiningnan ko siya and he responded, as if he knew my question beforehand.

"Just trying to hold you tight. I don't want to start a fight tonight." 

What fight is he talking about?

Anyway, nang nasa bar na kami ay agad naming nakita ang grupo nina Brittany. They reserved a large couch na pakiramdam ko ay kasya para sa amin. Humalik si Sam at Kris sa pisngi ni Brittany at agad um-order ng iinumin.

The party is just starting kaya halos hindi pa basa ang dancefloor.

Paglapit ng isang waiter ay agad din akong um-order ng iinumin ko, earning a disapproved look from RJ.

"Don't drink." He warned me.

"RJ, bar to. Malamang iinom tayo?" I innocently replied. He pinched my cheek and grinned.

"Okay, no dance for you, then." 

"Bakod number 1 for tonight." Sabi ni Sam at lumagok sa beer na hawak niya.

Ang dalawang babaeng kasama ni Brittany ay si Liz at Joyce daw. Bakasyon lang din ang ipinunta pero nakatira sila sa Cebu. 

"You guys seemed very intimidating kanina," ani Liz. "If not for Kris na nginitian kami pabalik." she smiled.

"Yeah," Joyce immediately agreed. "Lalo na si RJ." 

"Richard." RJ corrected him. "Or I prefer Atty. Faulkerson, if you don't mind."  sagot ni RJ na ang buong katawan ay nakabaling sa akin.

"Yup, intimidating indeed." Sam laughed and I nodded. 

"So Maine, areyou their friend?" Tanong sa akin ni Brittany habang sina RJ, Sam at Kris ay nag-uusap sa tabi ko.

"Um..." tumango ako. "Since childhood." Nginitian ko sila kahit sa loob ko ay nagngi-ngitngit ako.

"Oh...." Liz smiled at me too. "One of the boys?"

Maco-consider ba akong one of the boys kung girly naman ako? Silang tatlo lang din kasi ng constant friends ko from the start. Hindi ko na nasagot ang tanong ni Liz dahil sumagot na si RJ.

"Maine Faulkerson," pagpapakilala niya sa akin. "My wife."

"Oh, Attorney, you are married pala?" Maarteng tanong ni Brittany.

Duh.

"Yes." he replied and showed them his left hand. "Happily married."

Ay ang haba ng hair ko sa part na 'yon.

"Oh.. since when?" Si Joyce naman ang nagtanong. Sa kanilang tatlo ay siya ang pinakamukhang mabait. Angel levels.

"More than two weeks, Newly weds here." ako na ang sumagot na ikinangiti ni Joyce sa akin.

"You look good together." sabi ni Joyce and she smiled sadly. I wonder why?

"Thank you, Jane." sagot ni RJ. Agad ko siyang siniko.

"Joyce. Hindi Jane." bulong ko sa kanya.

Nagkibit balikat siya at hindi na pinansin ang sinabi ko sa kanya. I rolled my eyes at uminom muli sa kopita ng alak sa harapan ko.

Finally, the program for tonight started already at inaya na nina Joyce si Kris at Sam para sumayaw sa dancefloor. Dahil ayaw naman akong pasayawin ng manong sa tabi ko ay naglabas ako ng camera para magbasa na lamang. Nasa likod ng upuan ko ang buong braso ni RJ at wala yatang balak magsaya ngayon. Napansin kong naghikab siya at kinumos ang mukha. Sumimangot ako

"Sana hindi ka na lang sumama. Inaantok ka na oh." I said.

"Someone needs to watch over you," aniya. "And since Sam and Kris are busy flirting around, I have to be responsible."

"I'm not a kid. Chaka hello, madalas kaming nagba-bar sa Manila. Hindi naman ito first time."

"I have to protect you from potential offenders, Nicomaine."

Ever since we got married, he's THIS territorial. Medyo humaba ulit ang buhok ko. I giggled and drank the remaining cocktail I have. 

"Walang magtatangka. I have this wedding ring that instantly repels fuckboys." Humagkgik ako at  sumiksik sa braso niya. He smelled really good.

"I told you not to drink so much." He warned me as he enveloped me in his arms.

"I'm not. Tipsy lang." sabi ko. "And hindi pa marami ang nainom ko. Isang Jack Coke lang 'yon!"

"Your alcohol tolerance is not good."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumahimik na. Napapikit ako ng mariin nang naramdaman kong umalon ang paligid ko.

"Nahihilo ako RJ." ungot ko. "Don't move."

"You want to go upstairs? I can tell Sam and Kris that we're leaving."

Agad akong um-oo at awtomatiko siyang tumayo para sabihan ang aming mga kaibigan na mauuna na kami. Halos humiga na ako sa sofa. Papapikit na ako nang akayin ako patayo ni RJ.

"Let's go to our room." he whispered.

---------

GUYS READY NA BA KAYO SA ANGST HAHAHAHA

Careless (MaiChard) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon