Ikaapat na Kabanata

4.8K 347 92
                                    

"Liza," tawag ko sa kasambahay nina Katja. "Can you fetch my children sa daycare mamayang three? I have somewhere to go."

Agad siyang tumalima at tumango. I sighed as I sat down on one of the couches, nag-iisip kung anong sasabihin ko sa pag-uusap namin ni RJ. One thing is for sure, hindi ako papaya na makita niya ang mga anak namin. Not now. Perhaps when the kids are older and they'd understand why I decided to raise them without a father.

Agad akong nagtipa ng mensahe para kay Katja. Malamang ay nasa biyahe pa iyon kaya hindi niya mababasa ang text ko. Sinipat ko rin ang relos sa aking kamay. Isang oras na lang ay mag-uusap na kami.

Honestly, I do not know what to say. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang dahilan ng pag-alis ko. I don't want him to know that my family killed a person. Ayaw ko ring malaman niya na nangyari ang lahat ng ito dahil kay Trisha. I just want him to know that I would understand if he chose to leave me. Kasalanan ko rin naman iyon.

Naghanda na ako sa aming pagkikita. Suot lang ang normal na dress, I partnered it with a long coat, to protect me from the cold. Ni hindi na ako nag-abalang maglagay ng make-up. Nang dumating ang kambal, hindi na ako masyadong nagaayos. Siguro dahil ay Mommy na ako, I would forget my needs and will attend to my children.

I arrived at the restaurant 15 minutes earlier. I froze when I saw him just around the corner. Agad ko siyang nakita dahil walang tao sa restaurant na napili niya. Nakita din naman niya ako at hindi na nag-abalang tumayo. My heart silently wept.

Noong mag-asawa pa kami ay sasalubungin niya ako at iginigiya pa sa aming mesa. The nostalgia slapped me into reality. Hindi na kami mag-asawa. I am not a part of his life anymore.

"Hi," I croaked as I sat in front of him.  "You chose a quiet restaurant." That was a statement.

He smiled wickedly. "I rented the whole place just to talk to you, Mendoza."

Oh... that explains why. Napalunok ako at pagak na napangiti.

"What do you want to talk about, Richard?" I formally asked. Alam kong ayaw niyang tinatawag siyang RJ. It was exclusively for his family and me. But not anymore, right?

"Let's talk about ending this, Maine." Aniya na parang kliyente lang ang kausap niya. "Why did you leave without saying anything, three years ago?"

Pinigilan kong pumikit sa talim ng kanyang mga tanong. Iniwas ko din ang aking mata sa kanya, takot na baka mabasa niya na hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya.

"Ayaw ko na sa'yo, Richard." I simply said. Ito lang ang alam kong idahilan para hindi na siya magtanong pa.

"Remember the night before you left, Maine. I don't think you got tired of me that easily. As far as I know, ikaw ang naghabol sa akin noon." I answered cockily.

I was taken aback by his confidence. Ganoon naman ito noon pa. Ngunit hindi ito naging ganito sa akin, ngayon lang.

"Nakaraan na iyon, Richard. Ano bang gusto mong pag-usapan? Siguro naman hindi na ito tungkol sa atin dahil pinirmahan mo na ang annulment paper. Natanggap ko na rin ang papeles nung nakaraan lang." I diverted the topic.

"Ang dali lang talagang kalimutan ang lahat," he whispered. "I just want to tell you that I'm engaged. Ikakasal na ako sa susunod na taon." Aniya.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko in-expect ito. Ang galling. Wala pang isang linggong na-finalize ang opisyal na hiwalayan namin, ikakasal na agad siya. Maybe he proposed to him nung na-approve na ang annulment?

"That's good to hear." Sagot ko. "At bakit mo sinasabi sa akin ito?"

"Of course, I want you to be there."

For the first time in my entire existence, I hated him. He's no longer my RJ.

"Okay." Lumunok ako. "Just send me the invitation letter and I'll try if I can go back to the Philippines." Gago! Hinding hindi ako pupunta, mamatay man ako!

"No worries. I'm planning to wed here. My fiancé likes it here." He leaned onto his seat and looked at me attentively. "Sana makapunta ka, Maine."

Ilang minuto pa ay dumating na ang in-order niya. Lalo akong nasaktan nang nakita ko ang mga putaheng nakalatag sa harapan namin. Lahat ng iyon ay mga paborito ko!

"Salamat," sagot ko na lang. "Sabihan mo na lang ako kung magkano ang bill. Hahatian kita."

"I can provide for us, Mendoza." Galit niyang tugon. "Just eat there why quietly, please."

Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain. Hirap na hirap akong lunukin ang mga iyon. Halos hindi ko na malasahan ang mga ito. Napansin kong hindi ito kumakain at nakatingin lang sa akin. Dahil nakapangalumbaba siya sa aking harapan, napansin kong suot pa din niya ang singsing namin.

"Your fiancé will get mad if she saw your wedding ring still on." Sige, Maine! Dig your own grave.

"My wife is a nice person. She'll understand."

Nakakatawang isipin na ako pa ang wife na tinatawag niya noon. Ngayon, hindi ko na alam kung sinong asawa na naman meron siya. Pinilig ko na lang ang ulo ko at nagpatuloy sa pagkain kahit nadidistract ako sa tingin ni RJ sa akin ngayon.

"Kumain ka na." I said. It felt uncomfortable when someone looks at you while eating.

And then he started eating. What the fuck, right?

"Kamusta ka, Maine?" tanong niya.

I sighed. "Okay lang naman. France is a very nice place. Peaceful."

Tumingin siya sa akin ng isang beses at bumalik sa pagkain. Pigil akong ngumiti nang nakita kong hinihiwalay niya ang olives sa pasta na kasalukuyan niyang kinakain. My son doesn't like olives, too. Pinigil ko na naman ang sarili kong umiyak dahil the resemblance between RJ and Thirdy is very visible. I bit my lower lip and continued eating.

Stop this, Maine! Ikakasal na yung tao.

Natapos din naman siya agad kumain. Nang iniligpit na ang mga plato sa harap namin ay nagtanong agad ako.

"Iyon lang ba ang pag-uusapan natin ngayon? I have to do something." Sinipat ko ang aking relo. Kung aalis ako ngayon, masusundo ko pa ang kambal.

"Go ahead, Maine. Thank you for coming here."

Ngumiti ako at agad nang tumayo. Pagkalabas ko ng restaurant ay agad kong tinawagan ang daycare para ipaalam na susunduin ko ang aking mga anak. Narinig kong inaagaw ni Thirdy ang telepono sa kanyang guro.

Napangiti ako. Basta kasama ko ang kambal, hinding hindi ako magluluksa.

"Hi, Mamu!" Sigaw niya. "Char and I both have five stars! The teacher gave it to us because we can wash our hands na!" he beamed. Narinig ko ring sinisigawan ni Charmaine si Thirdy para ibigay na ang telepono sa teacher.

"That's good, baby! Mama will fetch you there. Wait for me ha!" sagot ko at ibinaba ang telepono.

Halos mahimatay ako nang naaninag ko si RJ sa likod ko. Agad akong pumara ng taxi.

Shit! Narinig ba niya?

Sorry sa sunod sunod na angst! I promise succeeding chapters will be better. Sorry talaga! Huhu

Careless (MaiChard) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon