I

30.1K 435 37
                                    

Alex POV

Maaga akong pumasok sa trabaho ngayon, puyat man pero todo kayod pa rin para sa pangtustos ko sa pang araw-araw na pangangailangan ko.

Mag isa na lamang ako sa buhay ngayon, maagang naulila. Nung nasa tamang edad na ko ay naglayas ako sa poder ng aking tita. Simula nung namatay ang mga magulang ko ay sa kanya na ko lumaki, nag tiis ako ng apat na taon sa pagmamaltrato sakin ng tita ko. At nangako ako sa sarili ko na hinding hindi na ko babalik pa kahit kailan sa lugar na iyon.

Mag aalas dyes na ng umaga at nag sisimula ng dumami ang mga studyanteng kumakain dito sa canteen. Dito ako nag tatrabaho part time at sa gabi naman ay sa isang bar.

Abala ako sa pag aasikaso ng iilang mga studyante na kumakain, ng may mapansin akong isang babae na pumasok sa canteen. She has a beautiful eyes, pero may nakikita akong kalungkutan sa mga mata nya. I can't help not to stare with those eyes. Lumapit sya sa kinaroroonan ko at nag order ng makakain.

"Yes Ma'am?" Tanong ko sa kanya.

"2 cups of rice and 1 adobong pusit." Cold nyang sagot sakin.

"Iseserve ko nalang po, sang table po ba kayo?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

Napatingin sya sakin, napansin kong pinipigilan nyang wag ngumiti. What makes her do that? Nag tataka tuloy ako, bat nya ba kailangan pigilang ngumiti. She can act natural naman dapat diba?

"Okay. Thank you Miss." Cold nya paring tugon.

Mas lalo akong nagiging interesado sa taong to. Baka naman may pinag dadaanan sa buhay, well mas may malala pa ba sa mga pinag dadaanan ko.

Inihanda ko na ang order nya. Sinamahan ko na rin ng orange juice kahit pa wala naman sa order nya.
Inilapag ko na sa mesa ang order nya,

"Enjoy your meal..." Nakangiti kong sabi.

Bigla nya akong hinawakan sa kamay, pero agad nya rin namang binitawan.

"Miss, wala akong inorder na Orange juice." Sabi nya.

"Alam ko.." Nakangiti kong sagot.

Tinignan nya lang ako na nag tataka.

"Libre ko na yan..." Pag papaliwanag ko sabay kindat. Gosh! Why did i do that?! Bahagya syang napakurap ng mata dahil na rin siguro sa ginawa ko. Nagulat nga ako sa ginawa ko sya pa kaya.

Nagmadali na akong bumalik sa loob. Sa pag kakaalala ko straight naman ako, eh bat ba parang nilalandi ko yung babaeng yun?

"Alex ha? Ano yun?" Panunukso sakin ng kasama ko na si Sabelle, bakla sya actually.

"Ano?" Pag mamang mangan ko.

"Suuus! Kaya siguro wala kang boylet dahil, babae ang gusto mo." Pang aasar nito.

"Hooy! Bakla di mo ko kalahi no, straight kaya ako. Binigyan ko lang sya ng juice parang pang comfort ko lang din sa kanya. Mukhang mas mabigat pa sa problema ko ang problema nya ehh." Pag papaliwanag ko.

"Asuus! Sabi mo ee..." Sabay talikod ni bakla.

Himala at di na nakipag bangayan pa si bakla.

"Oh! Look who's here! My ugly Step Sister, mukhang nag eenjoy ka sa breakfast mo ahh." Narinig kong saad nung isang studyante na malapit sa table ni Miss di ko alam ang pangalan.
Base sa narinig ko, mag step sisters silang dalawa. Di nya man lang pinansin ang pinuputak nung step sister nya. Nagulat nalang ako sa mga sumunod na nangyari, yung juice na ibinigay ko dun sa babae ay ibunuhos mismo sa ulo nya. Shit! Napaka salbahe naman ng kapatid nya. Pupuntahan ko na sana sya kaso pinigilan ako ni bakla.

"Girl, wag ka ng makialam. Baka matanggal ka pa dito. Demonyita yang babaeng yan."

Bigla akong nag alala, na baka mawalan ako ng trabaho. Pero nakita kong wala man lang action ang babaeng nabuhusan ng juice. Di ko kayang panoorin to.

Pinuntahan ko ang kinaroroonan nila.

"Miss, itigil mo na yan. Di ka naman nya inaano ahh." Pumagitna ako sa dalawa.

"And who the hell are you?! Ang lakas naman ng loob mo para mangialam?!" Sigaw ng babaeng nasa harap ko.

"Ang lakas din naman ng loob mo na ganyanin sya?! Sino ka rin ba? Anak kaba ng presidente?" Palaban ko ring sagot.

Napamaang lang ang bruha. At walang maisagot sa tanong ko sa kanya.

"Miss... Wag ka ng mangialam." Saad ng taong nasa likuran ko. Tinignan ko sya, ngayon ay puno ng galit ang mga mata nya hindi gaya ng nakita ko kanina.

"May bago ka na palang kaibigan na mag tatanggol sayo, Jackie.Gusto atang makisali sa away natin, hayaan mo pag bibigyan ko." Saad ng bruha.
Pwes di ako natatakot sa kanya.

Mabilis nyang kinuha ang isang baso ng tubig na may yelo at isinaboy sa mukha ko.

Shit! Ang lamig...

Biglang hinila nung nag ngangalang Jackie ang braso ko, papalapit sa kanya. At tinignan ako ng may pag aalala. Ibinaling ang atensyon sa kapatid nya. Hinawakan nya ito sa braso ng buong higpit dahil napapa aray sa sakin ng bruha.

"Wag na wag mo kong papakialaman, o ang mga taong nasa paligid ko. dahil pag di ako nakapag timpi baka mas malala pa dito ang abutin mo. Maliwanag?!" Saad nito.

Sabay hila nito sakin papalabas ng canteen.

"San mo ba ko dadalhin?" Tanong ko dito.

"Ayaw mong magbihis?" Balik tanong nya sakin.

Tss. Tatanungin mo tanong din ang sagot. Haaay

Pumasok kami sa locker room, inabutan nya ko ng towel and t-shirt.

"Mauna ka ng magbihis, after mo ako." Saad nito.

"Ok..." Tanging sagot ko.

Sakanya marahil ang PE T-shirt na to, ang bait nya naman at pinahiram pa ko nito.

Pinunasan ko lang ang buhok kong medyo nabasa ng tubig, at pinalitan ang tshirt na suot ko.

Lumabas na ko.

Iniabot ko sa kanya ang towel at tinanggap nya naman ito.

"Miss, sa susunod kung pwede hayaan mo nalang ako okay? Kaya ko naman yung step sister ko. Nag titimpi lang ako." Saad nito in a cold voice.

"Ayoko lang din kasi makitang may ginaganun. Pasensya na kung nangialam ako." Sagot ko. Nalungkot ako kasi ayaw nya rin pala yung ginawa ko.

"Anyways. Salamat." Bahagya syang ngumiti.

Maganda naman pala ang babaeng to kapag nakangiti ee.  

My Customer (GXG COMPLETED)Where stories live. Discover now