XXVIII

11.3K 194 35
                                    

After a year...

Alex's POV:

Sa mga araw na nag daan ay mas lalo naming nakilala at minahal ang isa't isa.

Siguro sa loob ng isang buwan isa o dalawang beses kaming mag away o mag katampuhan. Normal lang naman sa mag jowa yung mga ganung bagay diba? Sa pamamagitan din ng mga kunting tampuhan na yun dun pa namin mas lalong nauunawaan ang isa't isa.

Ang nakakatuwa pa dun di rin naman nag tatagal ang away namin... mahaba na yung isang oras na di kami mag imikan. Kapag kasi nag seselos ako o nagtatampo sya yung unang lalapit sakin at hihinge ng sorry kahit na di nya naman talaga kasalanan.

Mahal na mahal ko tong babaeng to. Sana lang hindi mag bago ang lahat... sana, ako na yung naisin nyang makasama habang buhay. Pero may mga pag kakataong naiisip ko, baka dumating yung araw na iwan nya rin ako dahil kailangan nya ng isang taong kayang bigyan sya ng anak. Di ko naman kayang ibigayn yun.

Thats the saddest thing about our love story. We cannot be together, forever. May katapusan din to. Pero naka depende pa rin yun kay Jackie, kung ako lang. Okay lang sakin kahit mag ampon kami. I don't care as long as kasama ko sya, I wish she felt the same way too.

Malungkot ko syang pinag mamasdan habang natutulog. Bigla naman itong napamulat.

"Kin...." malambing nyang sabi.

"Po?" sagot ko.

"Bat ang aga-aga ang lungkot mo?" bumangon na ito mula sa pag kakahiga saka lumapit sa kin.

"hmmm... may naisip lang kasi ako, pero wala to... wala to." sagot ko.

"Talaga? Alam mo namang ayokong nalilungkot ka diba?" malambing na sabi ni Jackie sakin.

Ang sweet lang talaga ng Jackie ko...

"Ang sweet mo talaga... pakiss nga." sabi ko. sabay halik sa pisnge nya.

"ayy bat sa pisnge lang?" nakapout nyang sabi.

"ayoko sa lips kakagising mo lang ee..." pang aasar ko dito.

"hoooy grabe ka... di naman ako bad breath ahh, halika nga subukan natin...." akmang lalapit sya sakin, mabilis naman akong tumakbo palabas ng kwarto.

"humanda ka sakin pag naabutan kita...." narinig ko pang sigaw ni Jackie habang patakbong sinundan ako.

napunta kami sa kusina at na corner nya nga ako sa dulo ng lababo.

"huli ka!" sabay akap sakin ni Jackie mula sa likod.

Tumawa nalang ako, dahil sa mga pinag gagawa namin para kaming mga bata.

Maya-maya lang ay may narinig akong tumunog na tiyan mula sa likod ko...

Tinignan ko si Jackie at ang cute ng mukha nya, pulang pula dahil sa hiya...

"bakit ba, ee gutom na ko ee... " naka pout nyang sabi.

hinarap ko naman sya...

"ang cute mo talaga, sige na... magluluto na ko para makakakain na ang mahal—" di ko natapos ang sinasabi ko dahil tumunog rin ang tiyan ko na labis namang ikinatawa ni Jackie...

My Customer (GXG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon