VI

11.5K 292 16
                                    

Lumipas ang mga araw na mag kasama kami ni Miss Jackie, I felt different it's not the usual me. Ginugulo ni Miss Jackie ang pagkababae ko, minsan itinatanong ko nalang sa sarili ko kung talagang straight ba ako? Cause everytime she's near, lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko nga alam kong nararamdaman nya yun sa t'wing magkatabi kaming matulog. Sobrang saya ng nararamdaman ko sa t'wing magkalapit kami, kapag yakap-yakap nya ko I feel safe in her arms. Hindi ko na alam kung talagang naattract na ko sa kanya. Alam ko hindi magiging tama yun. kasi parehas kaming babae, and hindi ako bagay sa kanya. Ni hindi man lang ako graduate ng college, at the most important thing ee yung sinabi nyang if mag kakagusto man ako sa kanya wala rin kaming patutunguhan.

Ang gulo ng isip ko, buti nalang at nasa school sya ngayon. Lumabas ako ng bahay ni Jackie para mag pahangin, umupo ako sa labas ng bahay ng gate sa gilid ng kalsada. Wala naman kasi masyadong dumaraan na mga sasakyan.

Maya-maya pa ay may mga grupo ng lalaki ang dumaan, palagay ko ay galing sa paglalaro ng basketball.

"Hi..." Bati sakin ng isang lalaki na akala ko ay dumaan lang. Tinignan ko kung nasan yung mga kasama nya kani-kanina, pero wala na sila.

"Yung mga kasama ko ba? Umalis na sila idinaan lang nila ako dito." Nakangiti nyang saad.

Aba para namang nababasa nya ang iniisip ko, ganun ba talaga ako ka obvious. In fairness cute si kuya, parang may pagka Alden Richard lang may dimples kasi sya sa right side ng pisnge nya.

"D'yan kaba nakatira?" Tanong nya sakin.

"Uhhm. D'yan ako nag tatrabaho." Nakangiti kong sagot.

"Trabaho???" Nagtatakang tanong nito.

"Oo."

"Anong trabaho naman?" Nakakunot noo nyang tanong.

"More or less parang katulong." Sagot ko.
Di ko rin kasi alam kong anong tawag sa trabahong yun. Alangan naman sabihin kong nagpapatulog ng isang babae?? Magiging weird naman ang tingin sakin ni kuya nun.

"Ahh... Ang ganda mo naman para maging isang katulong." Sincere nyang pag kakasabi. I don't know if sincere o talagang nambobola lang sya. Pero base sa pansarili kong opinion, maganda naman talaga ako. Di sa pag mamayabang, kulang lang talaga ako ng height at education.

"By the way I'm Mike, and you are?"

"I'm Alex..."

"Nice to meet you..." Sabay lahad ng kanang kamay nya.

Ayoko naman maging bastos kaya tinanggap ko ito.

"Nice to meet you din." Nakangiti kong sagot.

"Kung kailangan mo ng makakausap o tulong jan lang ako sa kabila..."

Naks! Ang bait naman ni kuya.

"Sige ba... Salamat in advance."

"Nga pala, pwede ko bang hingiin ang number mo? If ok lang sayo."

Since were neighbors why not diba?

"Sige. Pero kukunin ko rin ang number mo mamaya gawin mo pa kong textmate eh." Sagot ko.

"Aaheeem!"

"Ayy Jackie!!!" Nagulat ako sa taong tumikhim mula sa likod ko. Kaya yun ang nasabi ko, pero di naman ako nag kamali dahil si Jackie talaga ang dumating.

"So dito talaga sa harap ng bahay ko kayo mag papalitan ng number?" Cold na sabi nya.

"Hi Miss Ragde, nakikipag kaibigan lang ako sa kasambahay mo." Saad ni Mike.

"Kasambahay?" Nakakunot noong tanong ni Jackie.

"She's not my maid mister. She's my.... Friend." She said.

Wow! Itinuturing nya ko bilang isang kaibigan? Nakakatouch naman.

"Papasok na ko. And kung pwede dun kayo magligawan sa park." Saad nito.

Pumasok na sya di man lang pinakinggan ang sinabi ko. Baka naman bad mood kaya kami ang napag buntungan. Haaay.

"Papasok na rin ako Mike." Pag papaalam ko dito.

"Sige Alex, text mo ko kapag may kailangan ka."

"Sige. Bye."

Nagmadali na kong pumasok sa loob.
Wala sya sa sala, malamang nasa kwarto nya. Kinatok ko muna bago ako pumasok sa loob. Nakahiga lang sya at hinihilot ang kanyang sintido.

"Miss Jackie?"

"Yes?"

"Masakit ba ang ulo mo?"

"Yeah."

Lumapit ako sa kanya, para i massage ang ulo nya habang naka higa. Ito nanaman yung kabog ng dibdib ko, nag uumpisa nanamang bumilis.

Hinahayaan nya lang akong akong imasahe ang ulo nya. Nakapikit lang sya kaya malaya kung napag mamasdan ang maganda nyang mukha.

Bigla akong napaiwas ng tingin ng iminulat nya ang mga mata nya.
Tinignan ko sya uli kaso maling desisyon, nakatingin pa rin sya sakin. Di ko kayang labanan ang titig nya, para akong natutunaw... Yung puso ko parang sasabog na sa sobrang kaba.

"Alex...." Parang bulong lang ang pag kakasabi nya sa pangalan ko.

"Yes?" I answered.

"Ganung tipo ba ng lalaki ang gusto mo?" She asked.

Gosh! Bat nya tinatanong? Nag seselos ba sya? Or talagang assuming lang ako?
Sabihin mo lang na nag seselos ka iiwasan ko sya para sayo.
Halaaah! Bat sinabi ko yun?

"Uhm. Pwede rin." Tanging naisagot ko.

"Ahh so not totally?" Tanong nya uli.

"Yeah..."

"Anong tipo ba ng lalaki ang gusto mo?"

"Hindi naman kasi ako sa itsura nag bbase, sa ugali mismo." I answered.

"Ohh... I see. Mabait yung si Mike, and I think bagay kayo." Nakangiti nyang sabi.

Bat parang ang sakit? Ang sakit kasi pakiramdam ko ibinibigay nya ko sa iba. Pinamumukha nya sakin, na ayaw nya sakin para sa sarili nya.

Tama. Hanggat di pa lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya, aalisin ko na. Titigilan ko na.

My Customer (GXG COMPLETED)Where stories live. Discover now