VIII

10.3K 254 3
                                    

Alex's POV

"Are you ready?" Tanong sakin ni Jackie.

"Uhhm. I guess." Hoooh! Di ko alam kung nene-nerbyos ba ko dahil sa isiping nag aantay na sa labas ang date ko o dahil sa pag mamake up sakin kanina ni Jackie. Nag volunteer kasi syang sya na mismo ang mag ayos sakin, para mas lalo raw akong gumanda. Ang lapit-lapit ba naman kasi ng mukha nya sakin. Jusko!

"So... Tara na? Nag aantay na si Mike sa sala." She said smiling.

Nauna na syang mag lakad papunta sa sala, kung san naroroon si Mike. Sumunod lang ako sa kanya.

Nang makita kami ni Mike, ay agad naman itong napatayo. Kitang kita sa mga mata nito ang amazement, syempre kaya ang ganda ko ngayon lalo na't ang nag ayos sakin ay si Jackie.

"Good evening Alex..." Nakangiting bati ni Mike. Ang gwapo nya rin sa suot nya ngayon, skyblue long sleeve at khaki pants.

Nginitian ko lang sya, medyo naiilang kasi ako sa pag kakatitig nya sakin.

"Mike, ikaw na bahala sa kaibigan ko ahh. Makakatikim ka talaga sakin." Saad ni Jackie.

"Yes Maam." Nakangiti namang sagot ni Mike.

"Shall we?" Mike asked.

Tumango lang ako bilang sagot, ngunit bago kami tuluyang makalabas ng pinto sinulyapan ko muna si Jackie, she smiled at me and winked.

Di ko maintindihan ang sarili ko, pakiramdam ko ang sakit-sakit ng nararamdaman ko. Dahil ba wala talagang nararamdaman para sakin si Jackie, bat ba ko nag aassume ng ganito eh umpisa palang sinabi nya na sakin na magkagusto man ako sa kanya ee wala ring patutunguhan.

"Uhhhm. Alex? Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Mike.

Naku! Kanina paba ako tulala?

"Ahh oo Mike, ayos lang ako... Bat mo natanong?" Nakangiti kong sagot.

"Kanina pa kasi kita kinakausap, kaso mukhang di mo ko naririnig." Sagot ni Mike sabay kamot sa batok.

Hala! Baka mamaya isipin nyang, ayoko syang kasama. Tsk! Stop thinking about Jackie kasi.

"Sorry Mike, hihi may bigla lang kasi akong naisip. Sorry." Sabay peace sign.

*****

Naging maayos naman ang date namin, andami kong napansin kay Mike. Napaka gentleman nya, halatang hindi pilit. For me, his a perfect boyfriend. Kaso di ko pa naman sya ganun ka kilala. Kaya hindi ko muna sya sasagutin agad, mamaya sabihin nya easy to get ako. Hindi rin naman ako basta-basta pumapasok sa isang relasyon.

Matapos akong ihatid ni Mike sa bahay, nadatnan ko namang nasa sala si Jackie nanonood ng movie. Di ko lang alam kong anong Title ang pinapanood nya.

"Hi Jackie..." Bati ko dito.

Bahagya pa syang nagulat ng makita ako, mukhang di nya ata napansin ang pag dating ko.

"Oh Hi..." Nakangiti nyang sagot.

"Nag dinner kana?" Tanong ko dito.

"Oo tapos na, ikaw ba? Nabusog kaba sa dinner date nyo?" Nakangiti nitong tanong.

"Oo..." Tipid kong sagot. Naupo ako sa tabi nya.

"Nag enjoy kaba? Mag kwento ka naman." She asked.

"Oo naman. Napaka gentleman nya pa." Sagot ko. Tsaka dumampot ng fries sa mesa sabay subo.

"Tsk!" Saad nya.

Nagtaka naman ako sa naging reaction nya.

"Ganito kaba kumain sa harap nya?" Tanong nito.

Lumapit pa sya lalo sa kinauupuan ko, bahagyang inilapit ang mukha nya
Pakiramdam ko naman biglang nag slow mo ang paligid, yung kabog ng dibdib ko ang lakas. Iitinataas ang kanyang kamay papunta sa pisnge ko, Gosh! Hahalikan nya ba ko?!! Napalunok ako, tsaka napapikit.

"Hoooy!" Tawag pansin sakin ni Jackie.
Napamulat naman ako,

"Ano nanaman ba iniisip mong babae ka?!" Saad ni Jackie.

"Aa-ahh.." Shoot! Wala akong maisip na isagot.

"Kung ano man yang iniisip mo, burahin mo na. Aalisin ko lang tong ketchup sa gilid ng lips mo." Sabay pahid ng ketchup gamit ang thumb finger nya. Saka ito dinilaan.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya, feeling ko tuloy hinalikan nya narin ako.

Napayuko nalang ako ng dahil sa hiya, kung anu-ano kasi mga iniisip ko ehh. Haaaaay.

"Kung ganyan ka kumain sa harap nya, baka maturn off yun sabihin pang wala kang ka poise-poise." Natatawa nitong saad. Paraan nya marahil para mawala ang hiya na nararamdaman ko.

"Jackie...."

"Yes?"

"Hmmm... Jackie..." Ulit ko. Dapat ko bang itanong o wag na.

"Ano nga? Ang kulit naman." Natatawa nitong tanong.

"May itatanong ako..."

"Go on."

"B-Bakit di possible sayo na mag ka gusto sa isang babae?" Lakas loob kong tanong.

Tinignan nya muna ako, bago sumagot.

"Ibabalik ko ang tanong sayo." Saad nito.

"Bakit possible bang magka gusto ka sa isang babae?" Seryoso nyang tanong.

"Tingin ko, Oo." Sagot ko.

"Hindi mo ba naisip na mali?" Tanong nya uli.

"Alam kong Mali, pero kung ito naman ang makakapag paligaya sayo bakit hindi." Sagot ko ng diretsyong nakatingin sa kanya. Umiwas naman sya ng tingin sakin.

Awkward.

"Hooy. Andaya mo! Ako diba ang nag tatanong." Nakapout kong sabi. Para naman mawala yung awkward atmosphere.

"Nasagot ko na naman ahh..."

"Di mo nga sinagot eh..."

"Ano bang itinanong ko sayo?"

Nag isip ako...  Saka ko na realize.

"Ahh... Dahil Mali?"

"Tompak!" Sagot nito. "Bakit? May nagugustuhan ka bang babae?" Biglang tanong nito.

"Naku! Wala no... Yung kaibigan ko kasi, ganun yung sitwasyon." Pag papalusot ko.

"Ahhh. Kung ako nasa posisyon ng kaibigan mo. At mag kakagusto ako sa isang babae, di ko papansinin. Pipigilan ko."

"Madaling sabihin. Mahirap gawin." Sagot ko. "Mauna muna ako sa kwarto huh? Mag bibihis lang ako."

"Yeah sure."

Gusto ko na agad putulin kung ano man ang pinag uusapan namin. Aminado akong nasasaktan ako sa mga isinasagot nya. Pati sa sarili ko, di ko na talaga maipag kakailang. Gusto ko si Jackie.

My Customer (GXG COMPLETED)Where stories live. Discover now