"HIWAGA" by Cory_Khong
CHAPTER 4:
Hindi niya maintindihan ang lahat ng naituran ng kanyang mga magulang. She's too young para alamin ang mga bagay-bagay.
"Eh ano ngayon kung Aswang tayo?" ang walang kamuwang-muwang niyang tanong sa mga ito.
"Anak, napakabata mo pa para intindihin ang lahat. Darating ang araw magiging malinaw sa'yo ang lahat pero sa ngayon dapat na itago natin iyan sa kung sino man." ang pagpapaliwanag ni Ella.
"Ang alin ang itatago, Mommy?" ang sunod na tanong nito.
"Ang pagiging aswang natin, Thess. Dahil manganganib ang buhay natin." si Koko.
"Pero bakit, Daddy?"
"Thess! Matulog ka na! Huwag ka ng makulit, pagod na kami ng Mommy mo." ang galit na turan ng ama nitong si Koko. Galing sila sa malayong pook at doon naghanap ng ikabubuhay nila. Dumaan sila sa isang kubo sa kanilang Barangay ngunit wala naman silang nahanap doon kaya nangibang bayan na lamang sila. At mas mabuti na iyon kung sa ibang bayan sila mamimiktima upang di sila paghinalaan ng kanilang kabaranggay.
"Pero Daddy!" ang pangungulit ulit ni Thess...
"Thess! Matulog ka na sabi ng Daddy mo! Good night na anak. Maiintindihan mo din ang lahat pagdating ng araw..." iniwan ng mag-asawa si Thess sa silid nito na naguguluhan.
Ella and Koko were worried about their daughter.
"Magsisimula na ba ang kalbaryo natin, Ella." ang pabuntonghiningang sambit ni Koko habang nakayakap sa asawa. Malakas na buntonghininga din ang iginanti ni Ella dito.
"We should be very careful this time."
"Yes, mahal. Lalo na ngayong alam na ng anak natin ang katotohanan..."
SA BAHAY NG MAG-ASAWANG MANG SAKONG AT JANE:
Pakikinig sa radyo ang pampalipas oras ng mag-asawa. Sabay silang nakikinig ng paborito nilang drama pangradyo lalo na ang Toyang Ermitanya at ang Handumanan sa usa ka awit. Dalawa lang sila pero kapag Toyang Ermitanya na ang umiering drama ay napupuno ng halakhakan ang kanilang tahanan. Sabay din nilang pinapakinggan ang Handumanan sa Usa ka Awit kung saan ang bawat kwentong ipinapadala sa programang iyon ay mga kwentong pag-ibig na nakaka-inspire at may aral na makukuha.
"FLASH REPORT! Isang bangkay ang natagpuang patay sa Baranggang San Vicente...." naputol ang kanilang pakikinig ng drama nang biglang mag-flash report. Napabangon si Manong Sakong na sa mga panahong yaon ay nakahiga sa mga hita ng asawa habang tinanggalan ito ng balakubak ni Jane sa ulo at tahimik nilang pinakinggan ang balita...
"...wakwak ang dibdin ng isang magsasaka at pinaniniwalaang biktima ng isang karumal-dumal na pagpatay. Hindi pa matuloy ng mga alagad ng batas ang mga suspek sa nasabing pagpatay..." nagkatinginan ang mag-asawa na kinilabutan sa mga narinig.
"Wakwak ang dibdib? Pa! Bakit ganun?" biglang yumakap si Jane kay Manong Sakong.
"Baka miyembro ng isang fraternity o di kaya ng Gang ang gumawa noon." si Manong Sakong.
"Di kaya Aswang, Pa? Baka 'yon 'yong dumapo sa bubong natin. Pa, dapat maghanda tayo ng panangga laban sa aswang." inalo naman ito ni Manong Sakong.
"Walang aswang na makakalapit sa atin, sa'yo... Di ko hahayaang magalusan ka kahit isa." ang buong pusong pahayag ni Manong Sakong na siya namang dahilan upang yakapin ito ni Jane ng mahigpit at humantong sa mainit na pagtatalik.