Halos sumuko na si Sakong sa pagpupumiglas upang makaalis sa pagkagapos sa kanya ni Thess, ubos na ang kanyang lakas. Anong dapat niyang gawin? Susuko at ipasa Diyos ang lahat? Pero paano ang kanyang anak? Ang kanyang asawa? Parang gripong nakabukas ang kanyang mga mata dahil sa sobrang pag-agos ng kanyang mga luha. Nilalamig na ang kanyang buong katawan, sinisipsip na ng ginaw ang kanyang kalamnan. "TUHHHLLLOOOOONNNNGGGGG!" he tried to shout for a help pero nawala na ang kanyang boses. "DIYOS KOHHH!!!" his cry in agony...
Habang ang kaawa-awang batang si Nick ay walang mapuntahan dahil sa sobrang takot na kanyang naramdaman. Napasuong siya sa isang butas sa ilalim ng isang napakalaking puno at doon niya ipinagkasya ang sarili. Nagtago siya ng maayos at halos mapugto na ang kanyang hininga sa pigil-hikbing kanyang ginagawa. Nanginginig ang kanyang katawan na nakabaluktot sa sulok na iyon...
At si Thess ay maingat na inaamoy ang maaaring dinaanan ng bata. Sinundan ang kakaibang amoy na iyon..
"Nickolas! Nickolas!"
Napataas ng kanyang ulo si Nick sa isang familiar na boses na kanyang naririnig. He missed her. Umagos muli ang kanyang mga luha ng maalala ang dinanas ng ina.
"Nickolas! Nandito na ako anak ko! Nasaan ka?" sumikdo ang napakalakas na kaba sa dibdib ni Nickolas ng marinig ang boses ng kanyang mahal na ina. Kinakabahan man ay nabuhayan siya ng pag-asang ligtas ang ina. "Lord, Salamat po." ang pasasalamat niya sa panginoon. Ngunit bigla siyang nag-alala, nasa delikadong sitwasyon ang kanyang ama at alam niyang pinaghahanap siya ng Aswang. Paano kung makita nito ang kanyang ina at ito ay kanyang malapa?
Nick was too worried... Lalabas ba siya at salubungin ang ina?
He chose to stay at nakiramdam muna, hindi na niya narinig na tumawag ulit ang ina. "Nay... Magtago ka please..." ang kanyang piping wika...
"Nickolas, anak! Nandito na si Mama may dalang pagkain para sa'yo at sa iyong ama. NICKOLAS!!!" narinig niyang muli ito ngunit nagtataka siya. Nanay ang tawag niya sa kanyang ina pero bakit Mama ang sinasambit nito? There's no doubt in her voice, hinding-hindi siya nagkakamali boses iyon ng kanyang ina...
"Nanay ko... Nay..." hindi umalis si Nick sa kanyang kinaroroonan. Oo tuwang-tuwa siyang marinig ang boses ng ina ngunit may pagdududang sumagi sa kanyang batang isipan, he's too clever to know what's wrong and right. Inisip niya ang mga pangyayari, binanggit ng babae ang salitang Mama na ang katotohana'y Nanay ang tawag niya sa kanyang ina at ang isa'y bakit magdadala ito ng pagkain sa kalagitnaan ng gabi't sa gitna ng kagubatan. Nanatili siyang nakapikit at hawak-hawak ng mahigpit ang kwintas niya, ang kwintas na ibinalik sa kanya ng kanyang ama kani-kanina lamang. Nanalangin siya ng taimtim na sana'y malabanan niya ang takot at bigyan siya ng ibayong lakas upang mailigtas ang kanyang ama.
SAMANTALA:
Mahina man ang katawan ni Sakong ngunit di siya sumuko sa pagpupumiglas sa pagkagapos sa kanya. Isang napakalamig na hangin ang biglang humampas sa kanya at kasabay ng hanging iyon ay ang isang tinig, "Hanggang diyan ka na lang ba? Talagang papatunayan mo sa akin na puti ang itlog mo?" he was totally shocked sa kanyang narinig. Iisang tao lang tumawag sa kanya ng ganun, ang nagpababa sa kanyang pagkalalaki. He cried as he remembers her. Guni-guni nga lang ba niya iyon? O talagang nandiyan ang kanyang kapatid nagpaparamdam at binibigyan siya ng lakas upang di sumuko...
"Ate naman eh! Ngayon ka pa talaga magpaparamdam at mang-iinsulto?" ang kunwaring sagot niya.
"Pasalamat ka't nagparamdam pa ako!" ang kay himig pagtatampongtinig na muling narinig ni Sakong...
"Mamamatay na ba ako Diyos ko kaya ko naririnig ang boses ng kapatid ko? Huwag naman po! Hayaan mo ng siya lang muna ang nandiyan sa piling mo, Lord! Hindi ko pa kayang mawalay sa aking mahal sa buhay. Hindi ko makakayang makitang nasasaktan ang aking asawa, Diyos ko! At ang pinakamamahal kong anak, ilayo mo siya sa kapahamakan, Lord!" ang mahaba-haba niyang pakikipag-usap sa Diyos. Buong akala niya'y guni-guni lamang niya ang pagpaparamdam ni Queenie sa kanya kaya nababagabag ng husto ang kanyang puso't-isipan sa maaaring kahahantungan ng gabing iyon..