Changes were made! Ang isang napakabatang Nickolas ay naging isang napakakisig na bata... Punong-puno ng muscles ang kanyang katawan, napaka-cute. Siya ang pinaka-kakaibang Superhero! Batang makisig na may taglay na kakaibang kapangyarihan at nagkaroon ng kakaibang tapang dahil sa nangyayari sa kanyang pamilya. Di man maipaliwanag sa kanya ngayon but he's willing to protect everyone from harm because he already knew what is wrong versus right, 'yan ang tangi niyang panghahawakan. ANG KABUTIHAN.
Thess also transformed into her most villain form. Ang dating simpleng aswang ay naging mas katakot-takot na aswang na. Dahil sa kakaibang kulay ng kanyang nagngingitngit na mga mata at ang mga pangil nito'y dumoble ang haba. She opened up her wings and ready to attacked them.
"Tita! Doon ka kay Tatay!" ang utos ni Nick sa tiyahin.
"Mamaya! Mas kailangan mo ako ngayon."
"Tita! Ano ang gagawin ko?"
"May taglay ka ng kakaibang lakas. Maging alerto ka lang sa kanyang bawat galaw, anak."
"Opo!"
"Hindi siya likas na masama, Nickolas. Nararamdaman ko."
"Siya ang pumatay sa'yo, Tita. Kaya ko ba siyang hayaang mamuhay sa mundo?"
"Anak, narito ako para sa kabutihan. Itama ang mali sa nakaraan upang tuluyan ng mamahinga ang aking kaluluwang balisa sa ibang dimensiyon."
"Paano ko gagawin, Tita?"
"Taglay mo ang kakaibang kapangyarihan. Kaya mong baguhin ang iyong katawan at ang iba't-ibang parte nito. Ang iyong kamay, paliitin mo 'yong kasya sa bunganga niya tapos buong tapang mong ipasok sa bunganga niya, pahabain at halungkayin ang kanyang kaloob-looban hanggang sa sumuka siya."
"Tita naman eh! Nakita mo ang mga pangil niya? Paano ko ipapasok ang kamay ko?"
"Diskarte, anak. Diskarte. May kakaiba ka ng kapangyarihang mag-isip. You have the wisdom and power, hindi ibibigay sa'yo ang kapangyarihang iyang kung walang kaakibat na katalinuhan."
"Tita, hindi ba't ikaw ang nagbigay nito?"
"Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat sa Book 2 dahil wala na tayong panahon ngayon, Nickolas!" nangunot ang noo ni Nickolas sa nabanggit ng tiyahin ngunit di na siya nangulit pa.
"TAPOS NA ANG PAGHIHIRAP NG PUSO KO!!!!!!!!! TATAPUSIN KO NA KAYO, PARA SA AKING AMA AT SA AKING INA!!!!"
Nagsimula na ang labanan. Lakas laban sa lakas. Hindi makapaniwala si Thess sa kanyang nasasaksihan. Napakaliksi ng batang kanyang kalaban. Para itong ahas kung gumalaw. Paikot-ikot, gumagapang at sumusuot sa kanya. Hindi niya matiyempuhan si Nickolas dahil mas mabilis ang pag-iwas nito sa kanya.
Humihingal na si Thess sa ginagawa ni Nickolas. Oo, makapangyarihan na siya ngunit napapagod na ang katawan niya sa mabilis na paghabol kay Nickolas, nahihirapan pa siyang lumipad dahil nasa kagubatan pa rin siya. She don't know what's with the kid but she knows he's an extraordinary kid. Kagaya na lang sa di mapapaniwalaang pagbabalik ng kaluluwa ng Albularya. Paano niya mahuhuli ang bata? She exerted too much effort just to stop when she remembers Sakong. Magagamit niya itong muli para mahuli ang bata. "Double Time, Thess!!!!" pinagalitan niya ang kanyang sarili. Nalalapit na ang pagsikat ng araw at 'yan ang kanyang kinakatakutan. Wala siyang laban sa sikat ng araw.
"AKO ANG HARAPIN MO!!!!!!!!!!!!!" Naalimpungatan siya sa napakalakas na suntok na dumapo sa kanyang sikmura. NAPASUKA SIYA!
Pati si Nick ay di makapaniwala sa taglay niyang lakas at kapangyarihan. Pati na rin ang kakaibang talas ng kanyang isipan. Nakita niyang tumigil sa paghabol sa kanya ang aswang at mabilis niyang nalaman ang plano nitong babalikan ang kanyang ama at gawing pain ulit sa kanya. Ang biglang pagtigil nito ang naging hudyat upang maisakatuparan ang kanina pa niyang hinahanapan ng pagkakataon. Ang maipasok ang kanyang kamay sa kaloob-looban ng aswang upang maisuka nito ang bertud na nasa kanyang katauhan.
Binago ni Nick ang hugis ng kanyang kamay sa isang mahabang parang humabang patotoy... He's ready! "1,2,3!!!!!!!!" tuloy-tuloy na pumasok sa bunganga ni Thess ang mala-gomang kamay ni Nickolas. Humaba pa ng humaba! Napaungol si Thess! Kinagat niya ang kamay ni Nickolas ngunit di umobra ang mga pangil niya dito.
Habang nagtitiis sa sakit si Nick ay pinagtrabaho niya ang kanyang kamay sa loob ng tiyan ni Thess. He tried to pinch every parts of Thess stomach... Lahat ng kanyang laman-loob upang matagpuan kung saan naroon ang bertud. Oo, he tried to find it kahit alam nilang imposibleng matagpuan iyon but he tried. Malawak ang bahagi ng katawang iyon at napakasilan ngunit hindi sumuko si Nick. Ginawa niyang maging steady ang kamay niya sa loob ng katawan ni Thess at ang kalahating parte ay ang nakikipaglaban sa labas sa bawat pagpupumiglas ni Thess. He made it faster.
"AGGGGGHHHHHHHHHH" ang nasasaktang pagsigaw ni Thess. Halos magkandarapa si Nick sa pagharang sa bawat galaw ng kamay at pakpak ni Thess ngunit ang pagiging elastic ng kanyang katawan ang nagpaligtas sa kanya sa bawat pag-atake ni Thess.
"TAPOS NA!!!!!!!!!" ang sigaw ni Nick nang matapos niyang suriin ang kaloob-looban ni Thess.
Nang tanggalin ni Nick ang kanyang kamay sa bunganga ni Thess ay parang isang napakalakas na baha ang dumagundong na tumama kay Nickolas dahilan upang siya ay pumailanlang at humampas ang kanyang katawan sa malaking puno at unti-unting nawalan ng malay-tao.
Halos inilabas ni Thess lahat ng laman ng kanyang katawan... After that, para siyang nasa isang Isolation Booth, she stop breathing, her world stop from spinning... May iba-ibang scenario ang nagbabalik sa kanyang balintataw...
"Mohhhh-----mmmyyy... Daaahhhhh-----ddyyyy.." ang mahina niyang sambit sa kalagitnaan ng mga tanawing iyon. Bumabalik sa kanyang alaala ang kaniyang nakaraan kasama ang kanyang mga magulang. The never fading happy memories of her family...
"Thess, anak!" lumapit sa kanya ang inang si Ella. "Moh-mmyhh." she held her hand.
"Thess, anak. Patawad! Patawad kung nasadlak ka sa ganitong kapalaran." ang sambit ng umiiyak na si Ella.
"Patawarin mo kami ng Mommy mo, Thess. Patawad kung naiwan kang nag-isa't hinarap ang iyong kapalaran." umagos ang kanyang mga luha sa kanyang naririnig sa mga magulang.
"Gih-nah-gah-wa koh toh pah-ra sah hin-yoh, Mohm, Dahd..." she replied in her very low and harsh voice.
"Anak, magpahinga ka na. Tama na." lumapit sa kanya ang kanyang mga magulang at muling pinaramdam sa kanya ang init ng kanilang mga yakap. "Darating ang araw Thess na makakamit din natin ang katarungang nararapat sa atin but for now just take a rest, anak." si Koko.
She's ready to give-up! Tama ang kanyang mga magulang, pagod na siya. Pagod na pagod. Pabagsak na siya sa lupa when she heard a baby's cry. Hindi niya mawari kung saan iyon nanggaling at wala na rin siyang lakas upang ilibot ang kanyang paningin sa paligid. When she closes her eyes she saw a picture of a man. Ang nag-iisang lalaking pinag-alayan niya ng kanyang pagkababae, si Mark. "Pah-tah-wad, Mahhhrk." to her surprise, ngumiti si Mark at ang lalo niyang ipinagtaka ay may hawak itong baby.
"Bah--by?" she asked sabay hawak sa kanyang tiyan at bigla siyang natumba ng tuluyan sa lupa.
~WAKAS~
A/N: Maraming Salamat sa mga sumubaybay sa estoryang ito... Noon, kaadikan lang ang pagsulat ko nito kaya nabuo pero kinausap ako ni Miss_J na ipost sa http://tagalogromanceetc.com/ kaya ang planong 10 Chapters ay umabot ng 20 hanggang naging 33 na nga... Alam ko, BITIN pa rin ang story kaya magkakaroon ito ng Book 2 pero story iyon ni Nickolas at ang kanyang pakikipagsapalaran laban sa kasamaan... AGAIN, My heartfelt thanks sa mga avid readers ng HIWAGA at sa pagtitiwala sa aking kaadikan... ~Love lots Mariang Tuba este Cory_Khong pala... Hahaha!