Napuno ng agam-agam ang isipan ni Manong Sakong, hindi niya alam kung bakit biglang sumagi sa kanyang isipan ang may kagagawan sa pagkawala ng kanyang kapatid na si Queenie. Oo, gustong-gusto niyang paghigantihan ang mga iyon ngunit dinaig ng panalangin na sana huwag nang bumalik o mangyari sa buhay nila ang mga nangyari noon... Hindi niya kakayaning maibsan ang pamilyang pinapahalagahan niya ng husto, ang pamilyang minamahal niyang higit pa sa kanyang buhay...
Simula ng maupo siya bilang Kapitan ay isa sa pinaka-prayoridad niya ang ang kaligtasan ng kanyang nasasakupan. Mas maigting na pagro-ronda ang ginagawa nila gabi-gabi kaya't napanatili niya ang kaayusan sa kanilang baranggay...
Humingi siya ng ayuda sa Provincial Government para sq karagdagang sandata ng kanyang mga tanod. Kung noon au batuta lamang ang bitbit ng mga iyon ngayon ay may piling tanod na inisyuhan ng baril upang magkaroon ng mas malakas na kapangyarihang supilin ang kung sino mang lumabag sa batas at magkaroon ng takot na gumawa ng kasamaan ang kung sinuman...
'Parang may kung anong nag-uutos sa akin na maghanda.' ang sa isip-isip ni Manong Sakong. At bigla-bigla niyang naiisip ang kapatid at ang mga salita nito, "Ingatan mo ang pamilya mo kagaya sa pag-iingat ko sa'yo". Parang isang sirang plaka ang mga salitang iyon na nag-i-echo sa kanyang balintataw.
He has to make a move. He has to follow his instinct. Susundin niya ang itinuturo ng kanyang konsensiya. Ipinatawag niya ang kanyang mga tanod. He gave them instructions na dapat magkaroon sila ng espesyal na sandata... Ang mga pinatulis na kawayan... At ipinag-utos din niyang ipalaganap ang balitang doblehin ang pag-iingat sa bawat tahanan at ganun ding gumawa ng sandata ang mga ito...
Marami ang nagtaka sa biglang paghahanda ng Kapitan.
"Bakit may parating bang laban?"
"Meron seguro, baka nag-text sa kanya ang mga aswang. Hahaha!" ginawang katatawanan ng iba ang naging utos ng Kapitan.
"Wala ng natirang aswang sa panahon ngayon. Kung meron man, ibang aswang na ang mga iyon." ang sambit ni Mark, isang binatilyo.
"Kagaya mo, Pare? Di ba aswang ka? Ilan bang chicks ang nalapa mo kagabi? Hahaha!" ginawang biro ng mga binata ang lahat. Palibhasa'y di nila nasaksihan ang mga nangyari walong taon na ang nakakaraan...
UNITED ARAB EMIRATES:
Ilang oras din ang ba-biyahiin ng mag-inang Thess at Ella mula sa Disyerto ng Hatta patungo sa Dubai International Airport. Everything was planned, ang biyahe at ang oras.
"Mommy. Di kaya datnan tayo ng hatinggabi sa Airport?" ang tanong ni Thess.
"Anak, wala ka bang tiwala sa Nanay mo?" si Ella. She set everything hindi alam ni Thess ang ibang plano ng ina, she just followed her dahil alam niyang iisa lang ang nais nilang gawin.
"1:00 A.M pa ang flight natin tamang-tama na bumalik na tayo sa ating anyong tao niyan. I've already a room in a hotel. Doon tayo gugulong." nagtawanan ang mag-ina. They have learned to face the realities of life. Gumugulong sila upang labanan ang katawan nilang lumabas ng bahay at mambiktima.
"That's good, Mommy."
"Are you excited?"
"Gusto ko ng wakasan ang poot na aking nararamdaman, Mommy. Pagod na ako, pagod na ang puso ko sa lahat-lahat." ang malungkot na turan ni Thess. At sumandal sa upuan at pumikit.
"Patawad, Anak. Hindi namin sinasadyang madamay ka sa sumpa ng aming lahi. Marami kaming pangarap ng ama mo, isa na doon ang magiging normal tayong nilalang ngunit napakaramot sa atin ang kapalaran..."
"Mommy, tama na. Wala na tayong magagawa. Wala rin akong nahanap na paraan upang ang pagiging aswang ay matakasan..."
Thess never stopped from searching kung may paraan bang makakatakas pa sila sa parang isang sumpa sa kanilang lahi ngunit wala siyang nahanap, nadismaya lamang siya...
"Where are staying in the Philippines?" ang matamlay na tanong ni Thess.
"Sa mismong Baranggay na iyon..." ang sagot ni Ella na ikinagulat ni Thess.
"Pero Mommy! They might know you, us?" napaupo ng tuwid si Thess.
"Oo, anak. Makikilala nila ako. Pero ikaw, hindi. I've already found a house there. Ikaw muna ang papasok doon, mauuna ka sa umaga at susunod na lang ako sa gabi upang di ako masyadong mahalata." Ella's plan.
*******
"Pa, bakit ganito ang naririnig kong bulong-bulungan?" bungad na tanong ni Jane sa asawa nang pumasok ito sa kanilang tahanan. Tinanggal nito ang kanyang sumbrero at tiningnan ang asawa na nakakunot ang noo.
"Bulong-bulungan? Paano mo narinig kung ito'y bulong-bulungan?" ang pamimilosopo ni Sakong. Nilapitan niya ito ng mapansing umiba ang mood ng asawa.
"Wala ka talagang kaseryosohang lalaki ka." irap ni Jane sa kanya.
"Ano na naman kasi 'yang naririnig mo? Kung tungkol 'yan sa pamba-babae eh, walang katotohanan dahil ikaw lang ang natatanging babaeng pinagkalooban ko ng aking puri."
"Sakong!!! Grrrr!!! Magpakatino ka nga! Hindi 'yon! Dahil alam ko namang wala ng magkaka-interes sa'yo!"
"Aba! Hinahamon mo ata ako, Jane? Malakas pa 'tong kargada ko. Isa pa, sa mukha ko pa lang seguradong laglag na ang kanilang mga panloob 'pag ako'y kanilang pinagmasdan."
"Puro ka kalokohan!"
"Eh, ako'y iyong sinimulan."
"Ang punto ko ay kung ano itong bali-balita na pinaghahanda mo ang buong Baranggay ng mga sandata panlaban sa Aswang! Pinagtatawanan ka tuloy, dahil daw nasisiraan ka na ng utak."
"Nasisiraan? Yon ba ang tingin nila sa akin? Puwes huwag silang sumunod kung ayaw nila! Ako na nga itong nagmamalasakit ako pa ang sira ulo ngayon? Jane naman! Alam mo kung ano ang pinagdaanan natin noon pa man."
"Yan nga Pa eh, Noon! Ibig sabihin tapos na! Iba na ngayon, iba na ang panahon ngayon. Sinunod na kitang ipasuot kay Nickolas ang kwintas pero di ko inisip na pati sa buong Baranggay ay ganun din ang ginagawa mo? Pa, wala ng Aswang!" giit ni Jane sa asawa.
"Meron, Ma! At nararamdaman kong nandiyan lang sila nagmamasid. Babalik sila, babalik sila, Ma."
"Napa-paranoid ka lang, Pa. O di kaya pagod lang 'yan. Ilang linggo ka ng walang pahinga. Mula lunes hanggang biyernes, nasa Brgy. Hall ka. Sabado at linggo nasa bukid ka. Ingatan mo naman ang kalusugan mo."
"Pakiramdam ko may mangyayari sa mga susunod na araw. Kaya mas nararapat lang na nakahanda ang lahat, Jane. Di ko kakayanin na maulit pa ang nakaraan." nanlumo si Manong Sakong, napaupo ito sa Sofa sa sobrang pag-aalala. "Nung nakaraan lang ikaw 'tong nag-aalala sa pagbabik nila ngayon naman ako iyong kinokontra..."
"Pa, hindi naman sa kinokontra kita ah. Ang akin lang bakit biglaan?"
"Dahil aking nararamdaman ang panganib..."