12

2.2K 150 16
                                    

Bumalik si Jay bandang three pm. Bago siya pumasok sa office niya ay dumaan siya sa cubicle ko.

"Be ready ng four. Alis na tayo. Naipalam ko na mag-undertime tayo."

"Ha?"

"I said, aalis tayo ng maaga para makarami. I hope you don't mind."

"Ah okay. Sige." Di ko na inelaborate pa. Basta 4 pm aalis na daw kami. I am excited pero poker face. Di pinapahalata. That's what I do best.

Mabuti na rin na maaga kami aalis kase baka bigla na lang lumitaw si Denise. Panira ng araw ang babaeng iyon. Kahit kaibigan ko siya, hindi na rin nakakatuwa mga ginagawa niya.

By four pm, I was already arranging my things.

"Mukhang aalis ka na ah?" Sabi ni Pia.

"Sabi ni Boss mag-undertime na daw kami."

"Wow! Coming from the boss, wala na kong angal. Enjoy ka doon. And remember yun payo ko. Grab mo na."

"Hehehe. Ikaw talaga. Friendly date nga lang."

"Sinabi mo e. Pero I hope more than that pa."

Maya-maya ay lumabas na siya.

"Ready?"

"Yes."

Narinig pala nila Jerald. Kaya bago kami nakaalis, may mga panunukso pang naganap.

"Wow! May date kayo?" Tanong ni Jerald.

"Magdinner lang sa labas." sagot ko.

"Magtrabaho ka, Engineer Napoles!" Sabi ni Jay.

"Nagtatanong lang." Sagot ni Jerald.

"Hayaan mo sila. Lumigaya naman ang kaibigan natin." Si Isaac.

"We will. Basta pagbigyan na muna ninyo kami. Ahahaha!" Sagot niya.

Namumula ako sa hiya. Si Pia naman ay nangingiti.

Paglabas namin ng lobby, kinakabahan ako. Di dahil sa kasama ko siya at nahihiya ako sa kanya. Kinakabahan ako dahil baka nag-aabang na pala si Denise sa lobby.

"Your friend texted me. Saan daw kami pwede magmeet?" Sabi niya habang naglalakad kami papunta sa open space parking.

"About what daw?"

"Imeet daw niya ako about doon sa magpapa-quote ng project na townhouses."

"Ah okay. So anong sabi mo?"

"I said may lakad ako."

"Bakit kailan ba daw makikipagkita?"

"Di ba sinabi sayo kanina?"

"Hindi naman."

"Gusto sana nila ngayon. Kung ako tatanungin, huwag muna today. Wala ako sa mood makipagtransact. Uwian na pati. Beyond work period ko na iyon."

"And so? Sinabi mo bukas na lang."

"She was persistent. Di ko pa sinasagot."

"Well, it's up to you. Nangungulit ba? Pasensiya ka na Boss ha. Minsan wala rin sa hulog si Denise."

"Ayos lang. Pero ayoko talaga."

"Then tell her. Bukas na lang kamo."

"I guess tama ka." Hay buti na lang siya na umayaw. Di talaga papatalo si Denise. Nakakainis na siya.

Inalalayan na niya akong sumakay sa kotse.

"Saan tayo?" Tanong niya

"Di ko alam. Isinama mo lang ako."

"I'm sorry. Sa Glorietta na lang tayo. Para malapit."

"Okay."

He drove to Glorietta. Pagdating doon, we looked into the schedule ng movie na naisip naming panoorin. Fifty Shades  Freed. Mga 8:45 pa ang last full show kaya naisipan naming kumain na muna ng early dinner.

"What do you want to eat?"

"Kahit ano. Ikaw?"

"Gusto kong magpizza and pasta. Don Henricos na lang."

"Sige."

Kumain muna kami. Nagkwentuhan hanggang sa malapit na yung start ng last full show kaya tumulak na kami sa cinemas.

"Nakakatuwa. Bakit ito papanoorin natin? Nakaka-awkward naman." Sabi ko.

"Ayos lang. Maganda kaya siya."

"Oo. I've read the book."

"Wow. All three?"

"Oo. Maganda siya sa book. I don't know sa movie."

"Let us be the judge. Gusto mo ba magbaon ng snacks? Mya oras pa tayong bumili."

"Di ka pa ba busog?"

"Ayos lang. Chips na lang and Juice. Okay lang."

"Pwede ba ako na magbayad?"

"No! This is a date. Ako magbayad." Tinitigan ko siya. I was lost for words.

Tumango na lang ako. Pagkabili namin ng mga snacks, pumasok na kami sa movie house. Kinakabahan ako at the same time nag-anticipate ng mga nangyayari. Eto na ba ang chance ko para mabago ang buhay ko. I mean magkaroon ng lovelife at happy inspirations? I hope so. I just hope so...

A/N Di pa rin po nagbabago ang istorya. Same pa rin sa overview. Pero di na kasing sakit na tulad ng iniisip at inaakala ninyo. Ayoko na rin naman ng masyadong madrama.

No proofread.

Say You Won't Let Go(Completed)Where stories live. Discover now