41

2.2K 149 6
                                    

Maine's

Hindi ako nahirapan magpaalam na doon ako matutulog sa bahay nila Jay. Si Nanay pa nga ang makulit at si Tatay Raul naman ay hindi na rin tumutol. Sa totoo lang nahihiya ako kay Jay pero kahit papaano ay nakahinga ako ng maayos dahil ayos lang pala kala Nanay. Pero nagbilin sila na mag-ingat daw kami.  Lalo na ko namula. Nakakahiya dahil parang anticipated na nila ang balak namin gawin. Pero ako, matatag pa rin sa paninindigan kong ayokong isuko ang Bataan. Huwag muna. Mahirap na. Alam ko naman na iginagalang ni Jay ang gusto ko.

***

"Anong gusto mong panoorin?" Sabi ni Jay na bagong paligo. Naiwan kase ako kanina sa kusina pagdating namin para ayusin ang mga pagkaing itinake out namin. Nakapaligo na ako sa bahay at nakapagpalit na kase ako ng pambahay.

"Kahit ano na lang. Ano ba meron diyan?" Sagot ko. Ayoko rin kaseng magmahadera.

"Siyempre bisita kita, dapat ikaw ang masunod."

"Okay."

"So ano nga?"

"Pwede ba yung Pretty Woman? Gusto ko yun luma e. Meron ba kayo nun?"

"Sobra naman luma pero your wish is my command. Download natin tapos saka natin panoorin. Ayos ba yun?"

"Sige. Tama!"

Nagdownload na kami. Kwentuhan habang hinihintay ang palabas. Actually, gusto ko lang ang palabas kase from rug to riches ang bidang si Julia Roberts. At nagustuhan siya ni Edward, played by Richard Gere.

Nang maidownload, nagsimula na kaming manood.  Nung una magkalayo pa kami, pero as time goes by, ayun nakadikit na ang loko. Nakaakbay na.

"Okay lang ba na akbayan kita?"Tanong niya. Tinignan ko lang at natawa ako. Para kaseng bata ang loko.

Masaya akong nanonood ng maramdaman kong may mahinang hilik sa tabi ko. Di ko kase namalayan na nakatulog na pala ang kasama ko. Buti na lang ay tapos na ang palabas.

"Babe, tapos na. Tara na tulog na tayo sa taas." Yaya ko sa kanya. Nag-inat pa siya bago tumayo at patayin ang player.

"Tara na sa taas." Yaya niya.

"Teka ilagay muna natin sa kusina yun mga ginamit natin. Baka langgamin." Sabi ko.

"Okay."

Pagkaligpit ay umakyat na kami sa kwarto niya. First time akong makakapasok dito. Actually, first time akong nakapunta sa bahay nila. Malaki ito at halatang pang mayaman.

"O saan ka?" Tanong niya.

"Kahit saan. Makakatulog ako." Sagot ko kahit alam ko na mamamahay ako. Di ako kase sanay na matulog sa ibang bahay.

Nahiga na siya na una tapos ako naman.

"Teka magtiothbrush muna tayo. Kumain tayo ng junk food at chocolates." Yaya ko.

"Oo nga pala. Tara na."

"Una ka na. Sunod na lang ako sayo." Sagot ko. Nahihiya kase ako na sabay kami.

"Ayos lang. Huwag kang mahiya sa akin. Kapag nagpakasal tayo, sabay na nating gagawin ang mga ganitong bagay." Natawa ako.

"Oo na. Nahihiya kase ako sayo."

"Babe naman. Mahal kita. Wala kang dapat ikahiya."

"Babe, oo na. Sige tara na. Inaantok ka na o." Sabay kaming nagtoothbrush. Pagkatapos ay nahiga na kami.
Pinatay na niya ang ilaw. Natira na lang ang dim light.

"Ayos lang ba yun dim light? Baka gusto mo patayin yun ilaw?"

"Okay na yan. Di naman maliwanag e. Tulog na tayo?"

"Okay." Yumakap siya sa akin. Nakatalikod ako sa kanya samantalang siya ay nakadikit sa likod ko. Marami akong nararamdamang di ko maipaliwanag pero ayokong ientertain.

"Babe, can I kiss you?" Bulong niya sa akin. Halos tumayo ang balahibo ko dahil sa bulong na iyon sa likod ng tenga ko.

"Hmmm." Naramdaman ko na lang na hinahalikan niya ako sa leeg at sa likod ng tenga. Grabe ang pakiramdam.

Humarap ako sa kanya. Tapos ayun hinalikan niya ako. Halik lang naman. Wala ng iba. Maayos naman ang at di malikot ang kamay niya. At least alam ko na iginagalang niya ako.

Matapos ang halikan ay nagyakap kami.

"Salamat babe ha." Sabi niya.

"Para saan?"

"Dito. Magkasama tayo ngayon. Di na tayo magkaaway. Sorry sa walang kwentang pagseselos ko ha."

"Stop na. Wala na yun. Ikaw lang ang mahal ko. Di kita kayang ipagpalit kahit kanino. Tatandaan mo yan." Pangako sa kanya.

"At ako din. Di kita kayang mawala kaya tatandaan mo rin na mahal na mahal kita. I love you!"

"I love you, too!" Hinalikan ko ulit siya pero smack na lang.

"Tulog na tayo? Maaga pa tayo bukas." Sabi ko.

"Okay. Good night. Payakap ha."

"Yakap lang."

"Yakap lang. Love you." Humalik pa siya sa pisngi ko. Tunay na masarap pala ang may nagmamahal at may minamahal. Sana lang panghabang buhay na ito. Siya na. Alam kong si Jay na ang para sa akin.

A/N No Proofread.

Say You Won't Let Go(Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin