68

2.1K 146 3
                                    

Jay's

When I opened my eyes, nakita ko na wala na si Meng. Maybe she is cooking breakfast. Nag-inat ako at saka tumayo para makapaghilamos at toothbrush.

Bigla kong naalala ang kagabi. Then it hit me. I forgot na my gift. Naunahan ng sexy time. Naalala ko na lang ngayon. Napagod din kase kami ng sobra. Nagmadali akong bumaba at binitbit ang sorpresa ko para sa asawa ko.

Inabutan ko siyang nakaupo sa dining at nagcocoffee. Nagbabasa siya ng peryodiko.

"Good Morning babe." Bati ko. Nag-angat siya ng tingin at nakita ko ang maganda niyang ngiti.

"Good morning babe. Sit down na. Ipaghain kita. What do you want? Coffee or milk?"

"Ikaw."Napailing siya habang nakangiti.

"Pahingahin mo muna ako. Nakarami ka kagabi."

"Siyempre. Gusto ko ng magkaroon ng baby."

"Hay naku. Mag-almusal ka na muna." Sabi niya pag-upo ko. Ipinaghain na niya ako at sinandukan ng niluto niya.

"What do we have here? Wow! Nagluto ka ng pasta?" Tanong ko.

"Yep! Naisip ko kase na gusto ko ng Tuna pasta."Tinikman ko. Masarap siyang magluto. Swerte ko nga naman.

"Babe, ang sarap. Buti na lang asawa na kita. Kahit di na tayo kumain sa labas. Dito pa lang para na akong nasa Italian Resto."

"Echoz! Inuuto mo pa ako."

"Hindi. Masarap talaga. Tinikman mo na ba?"

"Oo naman. Pero iba pa rin yung nabibili sa mga resto."

"Babe, ang sarap. Promise. walang biro."

"Salamat. Sige kumain ka na. Teka mabalik tayo.  Nalimutan ko na kagabi tanungin. Ano yun gift mo para sa akin?"

"Ay oo nga. Naalala ko. Sandali. Wait ka lang diyan. Kukunin ko lang." Tumayo ako. Inilapag ko muna kase ang regalo ko sa kanya sa may mesa sa sala.

Pagbalik ko, nakaabang na siya.

"Ano yan?" Tanong niya.

"Buksan mo babe." Iniabot ko ang regalo ko sa kanya.

Binuksan niya agad. Napabuka ang bibig niya. Tumayo at lumapit sa akin oara yakapin ako.

"Babe! Thank you! Thank you!" Paulit-ulit na sabi niya.

"I hope you like it."

"I don't just like it babe. I love it!"

"I love you!"

"Babe, paano mo nagawa ito?"

"Kinausap ko si Genesis kung may kilala siya na pwede magtransfer ng title ng lot na ito sa pangalan natin.Buti meron siyang kilala. Pinatransfer ko na sa pangalan nating mag-asawa. Ayoko rin kase na di ka bigyan ng full right sa bahay at lupa na ito. Kaya ayan, it's in our name, babe." Nakita ko ang saya sa mukha niya.

"Babe, you know how much this means to me. I love you! You're God's gift to me." Sabi niya na mas ikinataba ng puso ko.

"And I love you, too babe! Lahat ng gagawin ko ay para sayo." Deklara ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Nalimutan ko na kumakain pa pala ako.

"Thank you!" Sabi pa niyang muli.

Matagal bago kami naghiwalay sa pagkakayakap.

"Sige na babe, kumain ka na. Mamaya mapapagod ka na naman.." Sabi niya na nagpatawa sa akin.

"Promise?"

"Sa gym kase."

"Mas gusto ko sa bed. Lahat ng muscles, gumagalaw doon."

"Grabe ka! Wala kang kapaguran!"

"Sayo lang, babe.."







A/N No proofread.

Say You Won't Let Go(Completed)Where stories live. Discover now