46

3.1K 157 4
                                    

Jay's

I feel unsatiated. Gusto ko pa kaya lang napapagod na rin ang katawan ko. And I know si Meng din. Kaya we need to stop muna.

This is how it feels pala kapag mahal mo ang babaeng katalik mo. Hindi yata ako mauubusan ng libog sa katawan. But at the same time, I feel so complete. Complete kase nakuha ko na ang tiwala at tunay na pagmamahal ng babaeng iniibig ko. Wala talagang pagsisidlan ang saya.

*****

Nakatulog kami after three rounds of sex. Di naman wild pero I think she deserves to be respected. As in yun hindi rough sex especially na first time ni Meng.

Nauna pa siyang makatulog kaysa sa akin. Di ko na siya inistorbo pero tinititigan ko siya habang mahimbing na natutulog. Napakaganda niya. Hindi ko maialis na halikan siya sa ulo at yakapin para maramdaman ko ang paghinga niya. Ang pagtibok ng puso niya. Kaya naman isiniksik ko ang sarili ko sa leeg niya. Kuntento na ako sa kinalalagyan ko ngayon. Sa piling ng babaeng mahal ko.

***

Nagising ako ng mga bandang alas otso. Nakapa ko na wala na akong katabi kaya pagmulat ko ng mata ko ay hinanap ko kaagad si Meng. Bumangon ako at kinusot pa ang mga mata ko. Saan kaya nagpunta iyon? Dumiretso ako sa banyo para silipin kung naroon siya, pero wala siya. Bumalik ako sa bedroom, bigla kong nakita ang bakad ng aming pagniniig kagabi. May ilang bakas ng patak ng dugo sa kama. Napangiti ako. Iyon ang senyales na ako ang unang lalaki sa buhay niya. Nakakaproud lang.

Lumabas ako sa bedroom at tumuloy sa mini recieving area pero wala rin siya doon. Saan kaya siya nagpunta? Bumalik ako sa kwarto para magbihis at sundan kung saan nagpunta ang babe ko pero bigla na lang bumukas ang pintuan. Si Meng. Nakapantulog pa siya pero nakita ko na may mga bitbit siyang pagkain mula sa isang fastfood.

"Good Morning babe!" Bati niya.

"Good Morning. Bakit di mo ko ginising para ako na ang bumili?"

"Ang sarap ng tulog mo e. Kaya di na kita inistorbo. Nagugutom na rin ako kase pinagod mo ako kagabi kaya naman naisipan kong magtake out na ng food."

"Wala bang masakit sayo? I mean yung ano.."

"Masakit umuhi. Mahapdi pero keri ko naman."

"Amina yan! Maupo ka lang, ako na bahala diyan." Inagaw ko ang dala niya at inalalayan ko siyang umupo sa couch. Inihain ko ang dala niyang food. Mayroong pancakes, hash browns, Longganisa meal at Big Breakfast with matching pineapple juice.

"Ang dami naman nito babe." Sabi ko.

"Dami kong gutom babe."

"Okay. So mabubusog ka na ba diyan?"

"Di ko yan maubos. Sa ating dalawa yan."

"You want coffee?"

"Later na babe. Gusto ko magpineapple juice. Grabe nakain natin kagabi. Daming cholesterol."

"Okay." Kumain kami. Good thing di siya nahihiya sa akin kahit naman nakita at nahawakan ko na ang mga itinatago niya. Siguro nga ay handa na talaga siya para doon.

"Babe, magshower na tayo after tapos punta tayo sa pool area." Sabi niya.

"Sabay tayo?"

"Saan tayo sabay?"

"Magshower."

"Hala! Ang aga ha! Teka muna masakit pa."

"E di magshower lang. Walang hanky panky."

"Promise?"

"Promise."

"Okay. Bilisan mo na diyan. Gusto ko ng magswimming."

Pagkakain, nagshower na kami. True to my words, shower lang. Pero siya nagsasabon sa akin. At ako naman ang nagsasabon sa kanya. Ang lakas lang talaga ng pagpipigil namin. Mahapdi pa daw kase. Naaawa naman ako sa kanya kung gagawin namin ulit iyon samantalang nasasaktan pa siya. Kaya magtiis muna. Baka mamayang gabi pwede na ulit. Ramdam ko kapag nadadampian ng sabon ang maselan niyang bahagi ay napapaliyad siya. Kaya naman  iniingatan kong huwag na muna galawin ang parte na iyon. Kahit naman si Junjun ay tigas na tigas. Lalo na nung sabunan niya. Hinawakan ko kaagad ang kamay niya kase baka di ko na mapigil. Natawa pa ang loka. Pero di na rin niya itinuloy. Batid na siguro niya na nahihirapan ako sa sitwasyon namin.

Pagkashower ay gumayak na kami. Magswimming naman sa pool ng hotel.

"Anong isusuot mo?" Tanong ko.

"Huwag kang mag-alala. One piece lang. Baka di ka naman kase mapakali." Nang-aasar pa ang loka. Alam naman niya na seloso ako.

"Magshorts ka ha!" Bilin ko.

"Grabe ka! Pero oo. Kase nakakahiya sasakay tayo sa elevator."

"Pati sa pagpaligo."

"E baka naman di ako payagan magswimming."

"Hay.. Bahala na."

"Drama mo! Nakuha mo na nga yung ano ko e.."

"E kahit na. Akin pa rin yan.."

"Babe, let's enjoy. Iyo lang ako. Promise."

"Ayaw ko lang kase na may tumitingin na iba sayo."

"Kahit naman titigan nila, di nila mahahawakan. Kase sayo lang ito."

"Talaga?"

"Oo naman!"

"Pero ayoko pa rin na may tumitingin na iba!"

"Hay! Kulit! Tara na."

Natatawa ako. Ewan ko ba kung bakit napakaconservative ko at the same time selfish pagdating sa mahal ko. Gusto ko, ako lang. Sana lang matutuhan kong bawasan ang pagseselos. Baka kase iyon ang maging dahilan ng pag-aaway namin. At ayoko na mag-away kami. Di ko kaya.




A/N No proofread.

Say You Won't Let Go(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon