3. My Happy Heart

5.6K 95 89
                                    



"ERISHA? Ikaw na ba iyan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jheng nang sumilip siya sa opisina nito. Kaibigan niya ito at administrator din ito ng Knights of Venus orphanage kung saan siya dating nagtatrabaho.

"Hi, Jheng! Kumusta?" bati niya at tumuloy na sa loob. Naupo sa sa silya malapit sa mesa nito.

"Are you staying for good?" tanong nito.

"I think so," nakangiting sagot niya.

"At ano? Kumusta na kayo ng bestfriend mo? Same story? Hanggang ngayon martyr ka pa rin?" sagot nito. Alam niyang nagbibiro lang ito. Kaklase niya ito noong college kaya alam nito ang lihim niyang pag-ibig para kay Ruben. At alam din nito na nasasaktan siya sa tuwing may kasama itong bagong girlfriend.

"Next question please?"

Jheng only rolled her eyes. "Hay naku. Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa bestfriend drama na iyan eh. Ang unang nahuhulog ay siya ring madalas na nasasaktan," sabi pa nito.

"As if I didn't know. But enough about me and Ruben. Ano na ang balita dito? Mukhang marami nang improvements," pag-iiba niya sa usapan.

"Now that you mentioned it, I need to ask you you something. Will you work for me again? I badly need an assistant, Rish. Someone to handle the new cottage," sabi nito.

Alam niya kung ano ang ibig nitong sabihin. May bago na namang salta sa orphanage. Pinagsasama-sama nito ang mga iyon base sa gender at edad ng mga batang ulila na sa magulang sa iisang cottage.

"Ilang taon na ba ang mga iyon?" tanong niya.

"Teenage women. Between thirteen to fifteen. Victims of abuse," malungkot nitong sabi.

Nahugot niya ang hininga. Now she knew why Jheng is worried. Hindi nga naman kasi madali ang proyekto nito. If ever, those teens would need a strong big sister with a big heart.

"I don't think I can handle them, Jheng. I never had siblings. I'm not so sure if I'm the right person for the job."

"Subukan mo lang muna, Rish. You handled kids before. Kahit for a few months lang," pakiusap nito.

"Pwede ko ba silang makita before I make a decision?"

Nagliwanag ang mukha nito at ngumiti. "Sure. Come, I'm sure you'll love them as I do."

Nang makita niya ang mga ito ay hindi na siya nagdalawang-isip. Tinanggap niya ang alok ni Jheng at nagpaiwan pa siya sa cottage ng mga babaeng magiging alaga niya mula sa araw na iyon. At hindi lang basta leksiyon sa libro ang ituturo niya sa mga ito. But she will show them what love is all about. And help them regain their lost hope.

Sa mga mata ng mga kababaihang iyon ay nakita niya ang isang bagay na hindi niya kailanman dinanas. Lifelessness. Na tila ba sa naging karanasan ng mga ito ay nabura lahat ng kulay sa pagkatao ng mga ito. Even their souls were shattered. And her heart instantly cried out to them.

Natapos ang unang araw niya na hapong-hapo siya. Tila nakalimutan niyang i-detach nang kaunti ang sarili sa suliranin ng mga kabataang iyon. Nang mailabas na niya ang sasakyan sa compound ng orphanage ay itinabi niya iyon sa highway.

Doon niya pinakawalan ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Hindi pala siya dapat ma-insecure kung wala man siyang lovelife. Dahil kahit paano lumaki siyang may mga magulang. Nawala man ang mga ito sa kanya after she graduated in college ngunit alam niyang mahal na mahal siya ng mga ito. Samantalang ang mga teenagers na iyon ay hindi man lang nakadama ng kalinga ng magulang, ng pagmamahal ng isang ina.

Love Was Made for Us [PHR]Where stories live. Discover now