6. Wish Upon a Cloud

5.3K 100 50
                                    


"RISH, were very sorry. Hindi daw makakarating si Ruben. May emergency daw siya eh," hinging paumanhin ni Jigs nang salubungin ni Erisha ang pagdating ng Southern Fever sa lobby ng Knights of Venus orphanage.

Tila piniga ang puso niya sa narinig. "H-hindi siya makakarating? B-but he promised," dismayado niyang sambit. Wala naman itong binanggit sa kanya sa rehearsal nila kahapon. They rehearsed three songs. Siya lang ba mag-isa ang kakanta ng mga iyon?

"Don't worry, pwede naman daw si Marco. Nagpaalam na daw siya kay Jannah na makikipagduet siya sa'yo sa program," seryosong sabi ni Kristoff.

Nanlulumong tumango na lang siya. Huli na para magbackout siya. Tutal sasabayan naman daw siya ni Marco. Ngunit alam niyang hindi na ganoon kataas ang energy level niya sa pagkanta. Dahil si Ruben ang gusto niyang makaduet at hindi si Marco.

Baka babae ang dahilan ng emergency niya? Tanong ng kanyang utak.

Ouch.

Kung ganoon, mas mahalaga pa pala dito ang babae nito kaysa kaligayahan ng mga kabataan sa orphanage?

Kaligayahan ng mga bata o kaligayahan mo? Panunudyo pa ng kanyang utak.

Lihim siyang napaismid habang naglalakad tungo sa backstage. Hindi niya mapigilan ang magtampo. Labis pa naman ang paghahandang ginawa niya para lang sa araw na iyon. Umasa siyang kahit man lang sa isang saglit ay mapansin na rin siya nito nang higit pa sa isang kaibigan. But now all her hopes were lost.

"Napa'no ka Rish? Para kang namatayan. Ayaw mo ba akong ka-duet?" si Marco iyon. Halatang nag-aalala ito sa kanya. Pilit siyang ngumiti. "S-sorry, may...may iniisip lang ako," sagot niya.

"Guys, let's go," boses iyon ni Bryan. Ito ngayon ang may hawak ng gitara dahil nga kakanta sana sila ni Ruben. But now...

Bumuntunghininga na lang siya at sumabay sa mga ito palabas ng entablado. Kasunod niya sina Jigs at Kristoff.

Pinilit niya ang sariling ngumiti alang-alang man lang sa mga bata. Nais niyang pasayahin ang mga ito kahit pa malayo sa pagiging masaya ang kanyang puso.

Nag-intro si Bryan sa gitara. Ilang sandali pa ay sumunod na ang drums, bass guitar at keyboard.

"You're on the phone with your girlfriend, she's upset. She's going off about something that you said. 'Cause she doesn't get your humor like I do," panimula niya. Isa iyon sa mga kantang ipinilit ni Ruben na kantahin nila sa araw na iyon. Ngunit hindi rin pala ito makakarating.

Inaasahan niyang boses ni Marco ang maririnig niya para sa male part. Laking gulat na lang niya nang ang pamilyar na boses ni Ruben ang narinig niya.

"I'm in the room it's a typical Tuesday night. I'm listening to the kind of music he doesn't like and he'll never know your story like I do."

Mabilis siyang lumingon sa kinatatayuan ni Marco. Walang mikropono doon at kumindat pa ito sa kanya.

Nag-unahan ang tibok ng kanyang puso. Mas mabilis pa iyon kesa tambol ni Jigs. Mula sa isang sulok ay lumabas ang nakangiting mukha ng bestfriend niya. Wala sa sariling sumabay siya rito habang dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya ng may ngiti sa labi.

"But she wears short skirts, I wear tshirts. She's cheer captain and I'm on the bleachers. Dreaming bout the day when you wake up and find that what you're looking for has been here the whole time." Hindi niya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha.

Luha iyon ng kaligayahan, gratitude and love. Kasama na ang inis dahil naisahan siya nito. At may gana pa itong ngumiti sa kanya ng pagkatamis-tamis pagkatapos siya nitong pahirapan! Sinikap niyang huwag mawala ang konsentrasyon sa kantang inaawit nila. Ngunit nang tuluyan itong nakalapit ay pinahid ng isang daliri nito ang kanyang luha. Dahilan upang mahinto siya sa pagkanta. Ito na lang ang nagpatuloy.

Love Was Made for Us [PHR]Where stories live. Discover now