Five: Drunk Realizations

5.7K 95 75
                                    


ANG PAMILYAR na bango ng shampoo ang gumising kay Ruben. Kasabay ng pagmulat niya ay ang matinding pagkirot ng kanyang ulo. Lihim siyang napamura at muling pumikit.

Sinasabi na nga bang hindi siya dapat naglasing kagabi kasama si Monica. Ngunit habang pinapanood niya ang duet nina Rish at Blair ay ganoon na lang ang pagpigil niya sa sariling sugurin ang mga ito sa entablado at ilayo si Rish mula sa lalaking na iyon. Sa simula pa man ay mainit na ang dugo niya sa Blair na iyon. At tila nananadya pa ito dahil may pahalik-halik pa ito sa kamay at pisngi ni Rish sa harap ng maraming tao. Tila nag-enjoy din naman si Rish sa mga advances ni Blair na lalo pang nakadagdag sa pagdurusa niya.

Hindi niya kayang panoorin ang paglambingan ng mga ito na tila ba loveteam sa isang pelikula. Kaya pinili niyang lunurin ang sarili sa alak sa pagnanais na makalimutan ang eksenang iyon.

Mula nang umalis si Rish tungong Dubai ay tila may malaking bahagi ng pagkatao niya ang nawala rin. Ang dating sigla niya sa mga babae ay naglaho. Palaging ang magandang mukha ni Rish ang nakikita niya, haunting him. Labis siyang nasaktan nang umalis ito ng walang paalam.

Kaya niya itinayo ang home recording system sa bahay niya upang sa pagbalik nito ay magkaroon ito ng dahilan upang manatili na roon. He wanted to hear her voice sa bawat gabing nangungulila siya. Ang boses nito ang nagpapakalma sa kanya sa tuwing pinagdududahan niya ang sariling kakayahan na magtagumpay sa larangan ng musika. Tila may kung ano sa boses nito na nagpapayapa sa kanya tuwing nakakadama siya ng pagod. And now that she's back ay tila muli siyang nabuhay. It's easier to breathe again ngayong nakikita na uli niya ang ngiti nito.

Until that Blair came last night and ruined everything.

Ngunit malay ba niyang may kakilala si Rish sa lugar na iyon at lalaki pa? Sinadya niyang magpahila kay Monica para makita sana kung may reaksiyon si Rish ngunit siya ang na-sorpresa. Nagulat na lang siya nang makita itong nasa mesa kasama ang Blair na iyon at napaka-ikli pa ng suot na shorts.

Bumuntunghininga siya. Too late for regrets now. Mukhang may panibago siyang problemang dapat harapin ngayon. About the woman sleeping peacefully in his chest. Muli siyang nagmulat at niyuko ito. Nakasubsob sa kanyang dibdib ang mukha nito at ang ilang hibla ng buhok nito ay nakatakip sa mukha at sa ibang bahagi ng hubad niyang dibdib.

Wala pa siyang natatandaang babaeng niyakap niya sa buong magdamag. At nakayakap din ito sa kanya. She's wearing a thin nightdress. Kulay pink iyon at may spaghetti straps. Nararamdaman din niya ang isang binti nitong nakadantay sa binti niya. Ang buong katawan nito ay nakadikit sa tagiliran niya in a very intimate way. Napalunok siya as his body instantly responded upon the thought. Sinilip niya ang laylayan ng damit nito. True enough, nakalilis iyon, exposing her long, creamy legs.

Kasing kulay ito ni Rish. Iyon ba ang dahilan kung bakit naroon siya sa silid nito?

Nahinto ang pag-aanalisa niya sa katabi nang umungol ito at lalo pang humigpit ang pagkayakap sa kanya. Nakaangat din nang bahagya ang mukha nito sa kanya. Hindi niya mapigilan ang sariling hawiin ang ilang hibla ng buhok sa mukha nito. Agad nanigas ang kanyang kamay nang mamukhaan niya ang babae.

Dear God in heaven! It was Rish!

Maang siyang napatitig sa kisame. Habul-habol niya ang hininga kasabay ng pag-uunahan sa mga tanong sa kanyang isip.

Anong ginawa niya dito? Did he or did he not? Bakit wala siyang maalala? Paano niya makalimutan ang isaang ala-alang kasing-ganda ng bagay na iyon? But his naked chest and her sexy nightgown ay lalo lamang nagpadagdag sa kanyang kalituhan. Dahil kung siya ang tatanungin, it could only mean one thing. May ginawa siya rito. Ang tanong, bakit hindi ito tumutol? Did she even enjoy it?

Love Was Made for Us [PHR]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora