10. Forever Love

9.4K 162 55
                                    

A/N:

Pasensya na sobrang tagal ng update. Ang hirap kapag ang isang writer ay ma-brokenheart. Akala nila, kapag writer ka isusulat mo lang ang kabiguan mo at matatapos na lahat. Sometimes, it helps but most of the time it makes everything worse. Because writing allows me to access that part of my heart that I wanted to conceal. Ayoko kasing makita ng mga tao sa paligid ko na nasasaktan ako. I tend to give my brightest smile even when my heart is shattered to pieces. Only when I am all alone and only when I am confident no one can hear me will I allow myself to cry in anguish. 

It's been almost a month when I got my heart broken for the nth time. Hindi ko na kasi mabilang especially if its broken by the same person over and over. But God is still good to me and to my son. God remains faithful kahit na minsan nakakapagod ng manalangin kasi mukhang hindi naman Niya sinasagot. Minsan nakakapagod ng maniwala kasi parang imposible naman na talaga. But I choose to believe that the God who created all of us wants nothing else but our good and sometimes, we have to go through all forms of pain just to find the good in everything. Nothing else can fill the void of the human heart except the One who created it. 

"The Lord gave and the Lord hath taken away. Blessed be the name of the Lord." - Job 1:21


God is Love and as long as we do our part to love like how God loves us, the Lord will definitely make everything beautiful in His time and with the right person. Masarap pa rin magmahal. Kasama naman na talaga doon ang pain. But the pain is temporary compared to the joy of loving someone and the memory of that love is something we can cherish for the rest of our lives. 

------------

If a writer falls in love with you, you will never die. You will live in the pages of her book, you will live in every character she brings to life and no matter how many times you change, a writer's heart can still see all the best in you even when you can't find something good within yourself. Kulang lahat ng salita, lahat ng titik at wika sa buong mundo para iparating sa'yo kung gaano kita kamahal. 

---------------------------


"WHERE exactly are we going, Jheng? Bakit kailangang may blindfold pa ako?" tanong ni Erisha kay Jheng habang inaalalayan siya nito tungo sa lugar kuno na pupuntahan nila.

"Hush! Huwag ka nang magreklamo. You will meet your blind date soon," sagot nito. Halata ang excitement sa boses nito.

"Blind date! I never agreed to any blind date! B-baka magselos na naman si Ruben. At kailangan ba talagang naka-blindfold ako?" protesta niya. 

Ngunit nilamon ng maingay na kapaligiran ang mga reklamo niya. Wala siyang nagawa kundi sumunod dito. Sasabihin na lang niya sa date niya na may boyfriend na siya. Sana lang hindi makarating kay Ruben ang bagay na iyon. Ayaw niyang pagmulan na naman iyon ng away nila.

"Here, sit down ka na. Mamaya lang makikilala mo na ang ka-date mo," utos ni Jheng malapit sa kanyang tainga. 

Sinunod na lang niya ang utos nito. Ilang sandali pa ay natahimik ang pag-uusap sa paligid nang biglang tumunog ang isang gitara sa ere. Pagkuwan ay pumailanlang ang isang pamilyar na boses. 

"Good evening ladies and gentlemen. As you can see, wala ang vocalist namin ngayon at ang backup niya ay nagkataong may sorethroat. I'm not as good as them at sinabi ko sa kanilang kakanta lang ako kung makikinig ang babaeng mahal na mahal ko," sambit nito at muling nagstrum sa gitara.

Agad nag-unahan ang tibok ng kanyang puso. The man sure sounds like Ruben. Narinig niyang may nag-cheer sa paligid.

"Mukhang panalo nga ang mga kaibigan ko dahil nasa harap ko na ngayon ang babaeng siyang kahulugan ng buhay ko," dugtong nito. Muli ay nagstrum ito ng gitara. Like a minstrel telling a wonderful tale. "Please remove her blindfold. I want to look in her eyes when I sing this song. Sinulat ko ito para sa kanya."

Love Was Made for Us [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon