#3 Panyo

182 13 0
                                    


Isa akong panyo. Panyong ginamit mo. Panyong pinaglumaan mo. Panyong pinagsawaan mo. Panyong itinapon mo dahil may nakita ka nang mas bago.

Ako yung panyong minsan mong hinawakan ng napakahigpit na tila ayaw mong mawala at pinakaiingatan. Ako yun.
Ako yung panyong nakikihati sa pawis at hirap na nararanasan mo. Ako yun.
Ako yung panyong sumalo sa lahat ng luhang lumabas sa iyong mga mata.
Ako yung panyong tinanggap ka sa kung sino ka.

Mahal ko-- ako yun.

Yung panyong handang saluhin lahat ng hirap, guminhawa ka lamang. Ako yun.
Yung panyong handang madungisan mapanatili lamang ang iyong kalinisan. Ako yun.
Yung panyong minsang pinahalagahan mo, minsang kapit kapit mo.

Mahal ko-- ako yun.

Ngunit tulad ng ibang bagay lahat ay kumukupas,
Di ko din inaasahang pati tayo ay magwawakas,
At dumating na nga ang oras,
Ako na ang panyong parte na lamang ng iyong ala alang lumipas.

Spoken word poetry'sМесто, где живут истории. Откройте их для себя