Duwag ka
Dahil hindi mo kayang sabihin sa akin nang harapan
Pero mas duwag ako
Sa pagtikom ng aking bibig dahil takot ako na bigla mong talikuranDuwag ka
Dahil dinadaan mo pa sa bahagyang pagiwas ng iyong mga kamay kapag inilalapit ko na ang mga palad ko sayo
Pero mas duwag talaga ako
Dahil hindi kita kayang bitawan at naniniwala pa rin akong mapalad ako sayoHindi ako nangangatog sa dilim
Pero takot ako na multuhin ng ating pagtatakipsilim
Kahindik-hindik ang ginagawa mong paglilihimNakakatakot ka
Pero mas takot ako na ikaw yung magmukhang nagkamali sa ating dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/138365029-288-k225422.jpg)
YOU ARE READING
Spoken word poetry's
PoetryAko ang buwan. Ikaw ang araw. Nagnanakaw ako ng liwanag. Habang ikaw, nakakasilaw. Kung magtatago ka riyan sa likod ng iyong planeta Hinding-hindi mo malalaman kung gaano ako kadilim kapag wala ka. ||Date started||: February 11 2018 ||Date Finished|...