#7 Pagibigti

95 9 0
                                    

Sige, kakain na ako ng malapot na binatog
Pipilitin ko na ring kumain ng papaya
Kakain na rin ako ng maasim na manggang hilaw
Basta huwag na huwag ka lang kaagad na bibitaw

Sige, isosoot ko na yung mga damit na sa tingin mo ay bagay sa akin
Basta wala ka nang iba pa na hahanapin
Papalitan ko na yung mga paborito kong polo na komportable lang
Para sa mga mata mo ay maging kaaya-aya at presentable lang

Sige, gagawin ko nang katanggap-tanggap para sa akin ang mga taong makasarili kagaya mo
Dadamayan ka sa lahat-lahat
Sige, kahit wala nang pumunas ng luha ko
Bawing-bawi ka naman kasi kapag ngumiti ka na
Isang tingin mo lang kasi
Yung impyernong tayo, agad-agad, nagiging langit na

Magpapatiwakal muna siguro yung totoong ako
Para tuluyan nang mabuhay yung ako na hinubog ng isip mo
Gagawin ko yon makapiling ka lang sa bawat sandali

Ganun talaga

Pag-ibigti.

Spoken word poetry'sOnde histórias criam vida. Descubra agora