Dati.
Noong bago pa lang tayo
Ang katahimikan ay pakikinig sa iyong paghinga
Siyang hangin na dumadaloy sa aking pisngi
Hanggang sa aking kaluluwa
Binubulong ang iyong pangalan
At mga salitang, “Mahal kita.”
Parang walang katapusan
Puro magaganda kasi ang umpisaPero ngayon na nangyari na ang lahat
Wala na ang bakas ng pabango mo sa tuyot ko nang balat
Ang katahimikan mo ngayon, nakakalagot na ng hininga
Pagtapos mong sinabi…Dati. Mahal kita.
YOU ARE READING
Spoken word poetry's
PoetryAko ang buwan. Ikaw ang araw. Nagnanakaw ako ng liwanag. Habang ikaw, nakakasilaw. Kung magtatago ka riyan sa likod ng iyong planeta Hinding-hindi mo malalaman kung gaano ako kadilim kapag wala ka. ||Date started||: February 11 2018 ||Date Finished|...