CHAPTER 1

10.1K 53 3
                                    

CHAPTER 1

_______________

''Mamayang gabi ka na mag-uumpisa. Tandaan mo dapat maging mabait ka sa mga customer. Dapat lagi kang nakangiti, hindi yang lagi kang nakabusangot.''

Pilit na ngumiti si Yula.

''Sige, magpahinga ka muna.'' Iniwan na siya ni Trixie.

Siya si Yula Perez, walang pamilya at ang kanyang sarili lang ang kanyang inaasahan. Siya ay pumasok bilang guest relation officer o sa mas madaling salita GRO ng Destiny Club.

[Yula at the right side-------------------------->]

Humiga muna siya sa papag. Matutulog muna siya ng ilang oras dahil mamayang gabi ay siguradong puyatan.

+++

''Hey, pare...punta tayo sa Destiny club. Sabi ni Lyndon may bago daw mga chicks.'' Tinap ni Hans  ang kaibigan na abala sa pagbabasa ng mga papeles.

''I'm busy. Next time na lang.'' Pagtataboy ni Cyrus.

''Pare, dapat magrelax ka naman minsan. Alam kong tigang na tigang ka na. Two weeks na kayong hiwalay ni Gale.''

''Shut up! Leave the room.'' He was right and that makes him mad.

''Pikon ka talaga! Sige, mauna na ko.'' Hans left the room.

+++

Sa Destiny Club.

Kasalukuyang nagsasayaw sina Yula at Trixie sa gitna ng stage nang dumating si Hans na mag-isa. Ang isa pa niyang kaibigan na si Lyndon ay nagkaroon ng important meeting sa isang client. They are businessmen.

Pagkaupo niya ay isang babae ang agad na lumapit sa kanyang table.

''Hi! Hans. Bakit wala sina Cyrus at Lyn?'' Kumandong sa kanya si Grace at agad na nangunyapit sa kanyang leeg.

''Busy sila. Sino pala yung naka-red?'' Bago sa kanyang paningin ang babae.

''Hmm.. Bakit? Type mo ba siya? Ayaw mo na ba sa akin?'' She's licking his earlobes, definitely seducing him.

''Kinda...pwede mo ba kong ipakilala sa kanya?'' Hindi mawala ang tingin niya sa seksing babae na napakagaling sumayaw.

''Hmpf! Kainis ka pero sige since madami pa kong customer ibibigay na lang kita sa kanya.'' Umalis sa pagkakakandong ang babae.

Natapos na ang sayaw. Bumaba na din sa stage ang dalawang babae. Maraming lumapit sa nakapulang sa mga ito.

++++

''May gusto palang itable ka.'' Hinarang ni Grace si Yula na balak bumalik sa likod ng club.

''Magbibihis muna ko, Grace. '' Naasiwa si Yula sa kanyang suot. Pakiramdam niya ay hubad siya sa suot na bikini.

''Ano ka ba? Masanay ka na. Bilisan mo baka mainip na si Hans.'''

Wala na siyang nagawa dahil hinila na siya ni Grace. Malayo pa lang sila ay tanaw niya ang isang lalaki na kanina ay napansin niyang nakatitig sa kanya.

''Hans. Ito nga pala si Candy.'' Iba ang pakilala ni Grace kay Yula dahil bawal sa kanila na sabihin ang tunay na pangalan.

''Hi!'' Kiming ngumiti si Yula. Medyo naasiwa siya sa tingin nito.

''Salamat, Grace. Pwede mo na kaming iwan.'' Baling nito kay Grace na agad naman nitong sinunod.

''Halika dito. Mukhang nilalamig ka na sa suot mo.'' Hinawakan ni Hans ang kamay ni Yula para paupuin sa tabi nito.

''Bakit? Parang takot ka sa akin, Candy?'' 

''Ha? Hindi naman.'' Ang totoo ay naiirita na siya sa binata. Nakahawak ito sa tagiliran niya.

''Mabuti naman. Gusto ko sanang umalis na dito. Nag-iinit na kasi ako.'' Kinabig ni Hans si Yula at bumulong dito. Gusto na niyang masolo ang talaga.

''Sorry... pero nagkakamali ka. Hindi ako nagpapalabas.''

Ngumisi lang si Hans. Pakipot pa.

''Magkano ba gusto mo? Alam mo kasi madali lang akong kausap...'' Bumaba sa legs ni Yula ang kamay ni Hans na kanina ay nakayakap dito.

''Sorry po pero iba na lang ang yayain niyo.'' Pinipigilan ni Yula na mag-eskandalo. Unang gabi niya ngayon at ayaw niyang mawalan ng trabaho.

''Ikaw ang gusto ko eh...'' Umakyat ang kamay nito sa kanyang dibdib.

Hindi na napigilan ni Yula ang sarili. Sinampal niya si Hans at agad na tumayo para iwan ito.

She meets the WILD GuestOnde histórias criam vida. Descubra agora