CHAPTER 6

6.7K 46 5
                                    

CHAPTER 6

 ________________

''Oh, kamusta ang benta Yula?!'' Tanong sa kanya ni Aling Ibyang. Dito niya kinukuha ang mga ulam na tinitinda.

''Pasensya na Aling Ibyang, nahuli ako. Alam niyo naman na bawal magtinda sa mga empleyado.'' Naalala na naman niya si Cyrus.

''Ganun ba? Mabuti pa diyan ka na lang sa may Call Center, mas malapit pa. Ewan ko ba sayo kung bakit gusto mo diyan sa may Explicit?!''

Hindi siya kumibo. Walang alam si Aling Ibyang sa tunay niyang motibo. Gusto niyang makalapit sa ina, kay Yvette. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit naroon si Cyrus.

Sa pagkakatanda niya Cyrus Silvestre ang pakilala nito at VP ng Silvestre Corporation. Samantalang ang Explicit ay pagmamay-ari ni Don Luis Fortaleza, ang dahilan kung bakit nasira ang kanilang pamilya.

Galit siya kay Yvette, ang kanyang ina. Pinagpalit nito ang sarili nitong pamilya para sa pera. Dating GRO ang kanyang ina sa Destiny Club pero tinanggap pa rin nito ng kanyang ama na si Romualdo. Subalit ng magkita ulit sina Yvette at Don Luis ay pinili nito ang masaganang buhay.

 Ang kanyang ama ay nagpakamatay dahil hindi matanggap ang pag-alis ni Yvette. Samantalang ang kanyang Ate Ynna ay namasukan din sa Destiny Club. Mula ng iwan siya ng kanyang ate sa probinsya ay di na ito nagpakita.

''Heto na porsyento mo.'' Inabot ni Aling Ibyang sa kanya ang isandaang piso.

''Salamat po. Bukas ho ulit.'' Hindi naman mahalaga sa kanya ang kinikita niya sa pagtitinda, ang importante ay makakuha siya ng impormasyon tungkol kay Yvette.

Bumalik na ulit si Yula sa club. Dumiretso siya sa dorm nila.

Naabutan niya si Jessica o Grace (kapag gabi) na nagla-Laptop. Magkasama sina Yula, Jessica at Trixie sa kwarto.

''May bago kang laptop?'' Pansin niya na iba ang gamit nito.

''Yap! Bigay ni Zander.'' Isa sa mga customer nito.

''Uy, Yula nandiyan ka na pala. Madami ka bang nabenta?'' Dumating si Trixie na bagong ligo.

''Okay naman.''Wala siyang balak ikwento ang tungkol kay Cyrus.

She meets the WILD GuestWhere stories live. Discover now