CHAPTER 7

6.2K 47 5
                                    

CHAPTER 7

______________

''Siya.''

Parehong nagulat si Lyndon at lalo na si Hans.

''Ano yon?'' Nagtatakang tanong ni Yula. Nagulat na lang siya ng bigla siyang hilahin ni Cyrus sa tabi nito.

''Cyrus! Don't mess up with me. Bawiin mo ang sinabi mo.'' Nagagalit na si Hans. Pakiramdam niya ay trinaydor siya ng kaibigan. 

''Sorry, Hans pero matagal na kaming magkakilala. Hindi ba, babe?!'' Sabay lingon kay Yula na naguguluhan pa rin hanggang ngayon.

''Nagsisinungaling siya di ba Yula?'' Si Hans name ayaw maniwala sa kaibigan.

''Ewan ko sa inyo. May customer pa ko kaya pwede ba tigilan niyo kong dalawa.'' Tinanggal nine Yula ang kamay nine Cyrus na nakahawak sa kanyang bewang.

+++

Iniwan na ni Yula ang dalawa. Kailangan niyang makausap ang tinutukoy na manager ng EAC ni Trixie.

''Bakit ang tagal mo?'' Nasa table na siya ni Trixie katabi ang isang gwapong lalaki.

''May kumausap kasi sa akin.''

'Napatango lang si Trixie at pinakilala na siya nito sa kasama, ''Larry, si Candy nga pala.  Candy, si Larry.''

The two greet each other.

''Sige, maiwan ko na kayo.'' Paalam ni Trixie.

''Maganda ka nga pala.'' Lumipat ng silya si Larry para makatabi si Yula.

''Salamat.'' Ngumiti siya ng ubod ng tamis. Kahit papano ay nasanay na siya na pakitunguhan ang mga customer.

She is a Guest Relation Officer and it's her duty to entertain the guest.

''What do you want to drink?'' Tanong ni Larry na ubod ng lapit ang mukha kay Yula.

''Tequila na lang.'' Nilayo niya ng kaunti ang sarili kay Larry.

''Excuse me, waiter!'' Tinawag nito ang waiter para umorder ng tequila.

''Larry, kwento sa akin ni Trisha nagtatrabaho ka daw sa EAC?'' Ang pangalan ni Trixie aye Trisha kapag nasa club sila.

''Oo. Manager ako. But I do have my own business. Do you know, Larry's restaurant? That's my business.'' Pagyayabang nito.

''Wow! Bakit nagtatrabaho ka pa sa EAC?''

''It's personal.''

''Ok... ahmm... kamusta naman ang work mo? Si Don Luis Fortaleza ang may-ari ng EAC di ba? One of the richest man in the country.''

''Mabuti naman. Sa totoo lang ang EAC ay isa lang sa mga company ni Don Fortaleza... Mga anak lang niya ang namamalakad sa mga business niya.''

Narealaize ni Yula na madami pa siyang di alam sa Don.

''Ganun ba? Eh di ba may bata pa siyang asawa? May posisyon din ba siya sa mga kumpanya? '' She's referring to her mother.

''Si Donya Yvette? Walang interes 'yon sa negosyo, madalang lang kung pumunta sa EAC. Hindi rin kasi sila magkasundo ng mga anak ng Don.''

Napaisip si Yula. Paano siya makakalapit kay Yvette? Nakausap niya rin ang iba niyang kasamahan sa club at wala ding alam tungkol dito.

“Bakit masyado ka atang interesado sa mga Fortaleza?” Biglang tanong ni Larry.

“Ha? Hindi naman…” Nahahalata na ata nito ang motibo niya.

“Candy… alas-diyes na.” Nilapit na naman ni Larry ang mukha kay Yula.

“Oo nga.. ang bilis ng oras.” Kunwari ay tiningnan niya ang kanyang relo.

“Candy… bakit di pa tayo lumabas ditto. You know, somewhere private.” Bulong nito sa kanya. Hinawakan din nito ang kanyang legs.

“Ano ka ba? Dito na lang tayo. Please… nakakapagod kasing magbiyahe.” Pinalambing niya ang boses. Kinuha niya ang kamay ni Larry na kanina ay nakahawak sa kanya.

Napatingin si Larry sa kamay ni Yula, “Pero Candy…”

“Ehem… Mr. Gonzales, nandito ka pala.”

Sabay silang napalingon sa nagsalita.

“Sir…” Lahat ba ng nakakausap niya si Cyrus ang amo?

“Alam ba ng fiancee mo na pumupunta ka pa rin dito?!” Kay Yula nakatingin si Cyrus.

“Candy, mauna na ko ha? Nice meeting you.” Nagmamadaling nagpaalam si Larry.

“So kamusta na ang girlfriend ko?” Tumabi sa kanya si Cyrus sabay akbay.

“Girlfriend? Nagpapatawa ka ba?” Pinaalis niya ang kamay nito.

“I’m just stating a fact, baby.”

“Ano bang kailangan mo sa akin?” Naiirita na siya sa presensya nito.

“Ako wala. Ikaw meron.”

“Ano naman ang kailangan ko sayo, aber?” Tumaas ang isang kilay.

“You need me because of Yvette.” Tinitigan niya lang ang binata.

On the other side, Cyrus will try everything to convince Yula to be his girl. He had made a lot of research after a night with her, three years ago. He wants Yula so badly.

“Hindi ba sinabi ko sayong hindi ako ang babaeng tinutukoy mo.” Iniwas niya ang tingin.

She remembered everything. Every detail of that night is memorable.

She meets the WILD GuestWhere stories live. Discover now