CHAPTER 3

8.1K 39 6
                                    

CHAPTER 3

_____________________

“Your place or mine?”He whispered to her ears.

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Yula. Naitulak niya si Cyrus. Hindi ito ang unang beses na nahalikan siya pero ang epekto ng mga pangyayari kanina ay estranghero sa kanya.

“Why a sudden change, baby? Gusto mo ba dito na lang tayo?” He smiles playfully.

“Shut up!” Tinalikuran na niya ang binata. She felt so hypocrite.

Lihim na napangiti si Cyrus. She doesn’t change sa isip niya.

+++

“Uy, Girl nakita ko kayo kanina ni Fafa Cyrus. Grabe kayo ha?!” Namula si Yula sa tinuran ni Grace.

“Wala ‘yon. Pinagbigyan ko lang.”

“Pinagbigyan?”

Napabuntung-hininga siya. “Okay, aaminin ko nagustuhan ko ang halik niya.”

“Sabi ko na nga ba malandi ka din.” Sabat ng isa sa kanilang kasamahan sa Club, si Melody,

“Hoy, babae hindi ikaw ang kausap. Tsismosa!”

Inawat ko si Grace.”Hayaan mo na.”

“Ano ka ba? Umandar na naman ang insecurity sa katawan yan kaya ka napapansin. Inggetera yan si Melody.”

“Hais! Hayaan mo na lang siya. Magsasawa din si Melody”

+++

“Hoy! Nakita ko ang ginawa mo kanina? Do you like her too?”

He grinned.

“Oh men! Is this a start of war?!”

“Baliw ka talaga, Lyndon.” Napailing si Cyrus.

“Anong pinag-uusapan niyo?” Bumalik na si Hans sa loob ng club.

“Wala pare…kasi ‘tong kaibigan natin naka-score na naman.” Si Lyndon.

“Gago!” Si Cyrus.

“Talaga?! Sino naman?” Na-curious si Hans. Mabilis talaga ang kaibigan pagdating sa babae.

“Wag kang maniwala diyan, Hans.” Sagot ni Cyrus. Natural na sa kanilang magkakaibigan ang away-bati. Oo, para pa rin silang mga bata. Mag-aaway pero maya-maya lang ay okay na ang lahat.

“Nasaan na kaya si Candy?” Nilibot ni Hans ang tingin. Hindi niya makita ang babae.

“Sino si candy? Si Max ba yan? XO?” Biro ni Lyndon.

“Ulul. Yung babae na gusto ko.”

“Ah..ok. si Ms. Hot.” Lyndon as he looks Cyrus.

“Tama. Pare, ang ganda niya talaga at sobrang sexy.”Sa tuwing maalala niya si Candy ay nag-iiba ang pakiramdam niya.

“Hey! Si Ms. Hot may katable na gurang.”

Napalingon sina Cyrus at Hans sa sinabi ni Lyndon.

“Shet! Bakit sa matandang gurang na ‘yon? Pumapayag siya.” Pikon na sabi ni Hans.

“Baka mas mayaman sayo, Hans o baka naman amoy lupa ang type niya.” Pang-aalaska ni Lyndon.

Ang Destiny Club ay hindi masasabing pipitsugin na club. Karamihan sa mga customer ay mga bigatin sa kanilang mga larangan. The club is privately established for rich and famous. Most of the time, politicians, actors, and businessmen are the guest. The guest relations officers or G.R.O. must be beautiful, sexy and witty. Many women wants to be in that club to find some rich man.

+++

“Ang ganda mo talaga, Candy. Ang bango-bango mo pa.”

“Salamat, Henry…ahmm.. gusto mo pa ba ng beer?” Alok niya dito para maka-kalas siya sa pagkakaakbay nito sa kanya.

“Ayoko na. Ang gusto ko ikaw…”

Nilapit pa nito ang mukha sa kanya. Gusto niyang masuka sabaho ng hininga nito.

“Excuse me. Mr. Go. She’s not available.” Napalingon siya sa nagsalita. Si Hans.

“Ikaw pala, Mr. Fuentes. Anong pinagsasabi mo?!”

“Nauna na ko sa kanya. I asked her earlier. Right?” He looked at Yula.

She meets the WILD GuestWhere stories live. Discover now