Elise POV
Napagod ako sa pag lalakad kaya dire diretso ako sa kwarto pagka uwi ko. Tinanggal ko ang aking sapatos, medyas, ID at necktie. Humiga agad ako at nag pahinga.
"Bumangon ka nga dyan!" Sigaw sa aking tenga ng nakaka irita kong kapatid. "Pawis na pawis ka tapos hihiga ka agad sa kama natin. Mahiya ka nga sa akin Ate. Dalawa tayong hihiga dyan."
Kasama ko nga pala itong asungot na ito sa kwartong ito.
Bumangon ako ng naka simangot sa kapatid ko at salubong na salubong ang kilay. Nakita ko siyang kakapalit lang din ng damit dahil hawak hawak niya ag uniform niyang ginamit.
"Ano ba Eliah? Kaylangan sa tenga ko talaga sumigaw?"
"Bakit? Kaylangan din bang unan ko ang gamitin mo? Pawis na pawis ka dyan eh! Kadiri ka! Kapag ako lumaki hindi kita gagayanin nu'!"
"Aba at ang bata bata mo pa ay ganyan ka na?" Sinabi ko habang tinatarayan niya ako ng tingin.
"Ikaw nga ang tanda tanda mo na ganyan ka pa din."
Nakaka inis! Bakit ako yung mas matanda sa amin pero mas magaling siya mang asar. Huhuhuhu.
"Ehhh. Naman eh... Oo na." Asar kong tugon sa kanya.
Tumalikod ako sa kanya para ayusin ang bag ko pero pag ka harap ko bigla na lang...
"Blagggg!"
May tumama sa mukha ko. Tiningnan ko yung binato niya sa akin. Nakita kong damit ko ito at shorts.
"Ano ito?" Pagalit na tanong ko sa kanya.
"Malamang Ate damit mo. Yan ang suotin mo. Ikinuha na kita para mapadali ka."
"Ano nam..." Tinakpan niya ang bibig ko. Pinipigilan niya akong mag salita.
"Alam ko ang sasabihin mo. Wag ka na mag pasalamat Ate. Maliit na bagay." Sinabi niya yun sa akin sabay tinanggal niya ang kamay niya sa aking bibig. Nginitian niya ako na halatang nang aasar. Sabay kumaway siya papalabas at saka isinara ang pinto.
"Arghhhhhh!" Napasigaw na lang ako sa pang aasar ng kapatid ko sa akin. Sa sobrang inis ko ay sinipa ko ang kantuhan ng aming kama.
"Aray!!!" Napa higa ako sa sakit at nag pagulong gulong. Hinilot hilot ko ang napuruhan kong daliri sa paa.
Ayoko na. Ang malas malas ko sa araw na ito. Bakit ba ganito!? Bakit? Bakitttttttt?
Eliah POV
Lumabas na ako sa kwarto namin ni Ate. At binigay ko ang best ko para lang maasar siya. Nakaka tuwa kasi siyang asarin. Mas isip bata pa siya sa akin eh.
Nakita ko si Mama sa kusina na kumakain kaya naman lumapit ako.
"May juice diyan at tinapay Eliah. Mag meryenda ka na." Alok sa akin ni Mama.
Pagka alok sa akin ni Mama ay kumuha na agad ko ng baso at kumuha ng tinapay. Habang nag sasalin ako ng juice ay narinig ko si Ateng sumisigaw.
Ano na naman kaya ang ginawa noon at may pasigaw sigaw pa siya sa sakit?
"Anong nang yayari sa Ate mo?"
Nag kibit balikat lang ako sabay kagat ulit ng tinapay. Sumigaw si Mama "Elise, anong nangyayari sa iyo dyan?"
"Wala Ma', ok lang ako." Sigaw ni Ate na bahagya ko ng marinig.
Maya maya pa ay lumabas na rin siya sa kwarto at paika ika kung siya ay mag lakad.
"Anong nangyari sayo Ate?" Inosente kong tanong sa kanya habang kumakain ng tinapay.
"Wala." Pag tatanggi niya sa akin.
Nakita kong hinahawak hawakan niya yung daliri niya sa paa kaya naman pinindot ko iyon.
"ARAYYYYY! ANO BA?" Siga niya sa akin.
"Elise, ano ba? Wag mo ngang sinisigawan ang kapatid mo at inaaway. Laki laki mo na para patulan mo pa yan." Sermon ni Mama.
Mamamatay na ako kakakatawa pero pinipigilan ko. HAHAHAHAHAHA!
"Naman eh...!" Sabi ni Ate habang nag kakamot ng ulo. Tiningnan niya ng masama. Kaya naman iniwasan ko ang tumingin sa kanya.
"Mag meryenda ka na diyan, Elise"
Kumuha si Ate ng Juice at tinapay saka kumain sa sala. Ayaw niya ata akong makita muna. Asar na asar siguro siya sa akin.
Elise POV
May araw ka rin sa aking bata ka! Hahahahaha! Gagantihan kita mamaya.
Hindi ko mapigilang mapa ngiti sa aking binabalak sa aking kapatid ng bigla aiyang dumating.
"Anong tinatawa tawa mo diyan Ate?"
"Ngumingiti kaya ako hindi tumatawa." Sarkastiko kong pagka kasabi sa kanya.
Close talaga kami ni Eliah. Pero hindi talaga namin maiwasangmag away at mag simula ng WWIII. Laging ako ang talo kapag kami ang mag kaaway dahil bukod sa bunso siya ay likas talaga sa kanya ang pagiging mapang asar.
"Nababaliw ka na siguro!" Sabi niya sa akin.
"Bakit ka ba naririto? Hindi ba sa kusina ka kumakain? 'Bat sumunod ka pa rito?"
"Bakit iyo ba itong bahay? May pangalan mo sa sala? Wala naman diba?"
"Ewan ko sayo."
Umalis ako at pumunta sa kusina. Wala na duon si Mama. Baka nasa banyo siya o kaya naman ay nasa kwarto nila ni Papa. Maayos na sana ang pagkain ko ng biglang dumating ang kapatid ko.
"Naman eh... Bat ka ba narito?" Tanong ko sa kanya.
"Naman eh. Bat ka ba narito?" Tugon niya saakin.
"Ginagaya mo ba ako?"
"Ginagaya mo ba ako?"
"Isa pa, tama na!"
"Isa pa, tama na!"
"Baliw ako!"
"Baliw ka!"
Arghhhhh... Talo na naman ako sa pang aasar niya sa akin. Huhuhuhu.
Huminga ako ng malalim. Sinubo ko na lahat ng tinapay kahit di masyadong kasya sa bibig ko.
"Huuuwaggg ka hahanud ha akin ha!" Sinabi ko yun habang nginunguya ko yung tinapay. Dali dali ko na ding inubos ang aking juice.
Pumasok ako ng kwarto at duon ay inayos ang aking gamit. Humiga ako at tinitigan ang aking kwarto.
Mas malaki ang kwarto ko dati dito.
Hindi ko mapigilang mag muni muni. Tahimik sa kwarto. Sumilip ako sa bintana at nakita kong maraming bata ang nag lalaro sa labas. Masasaya sila, ang iingay at ang liliksi. Sabay sinarado ko ang kurtina ng bintana at nahiga. Hindi ko namalayang naka tulog na pala ako.
Nagising ako ng marinig kong tumatawa ang kapatid ko. Dali dali akong bumangon at nakita kong may hawak siyang pentelpen. Dali dali naman akong lumabas ng kwarto. Nakita ko sa orasan namin na 7:30 PM na pala. Kaya naman lumabas muna ako para mag inat inat.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Reasons Why I Love You
Teen FictionDo people have their reasons with everything? Do they love someone for a reason? Elise Arevallo, a kind hearted girl who's enthusiastic about everything. She's completely inlove with a boy who dedicated himself in studying. Yudward Villamarzo, the i...