Chapter 22

497 24 0
                                    

Elise POV

Masaya ang mga nagdaang buwan ko dito sa bago kong school. Mahirap sa akin ang mga lessons ng teacher. Pero naging swerte naman ako sa mga taong naging kaibigan ko at naka paligid sa akin.

Naalala ko yung unang bese kaming nag kausap ni Yudward. Mga masasamang alala at kahihiyan ang pumapsok sa utak ko. Noong naging OK naman kami ay pinag drawing niya ako ng portrait ko pero hindi ko iyon kinuha sa kanya. Nag panggap lang ako naparang nakalimutan ko pero ang totoo ay planado ko na talaga yun.

Hindi ko kinuha yun para naman nasa kanya yuon, mukhang magulo pero hindi. Ginawa ko yun para maalala niya ako sa tuwing hahawakan niya yung sketch pad. Tutal nasa pinaka harap yung akin, sa tuwing mag dra drawing siya ay mukha ko agad ang bubungad sa kanya. Hindi niya naman yuon pupunitin kas may drawing din yun sa likod. Paminsan minsan ay sinisilip ko yung sketch pad at nakikita kong naduduon pa din iyon. Hindi ko mapigilang mamangha dahil ang ganda talaga nito noong ito ay matapos niya na. Mukhang totoong totoo talaga.

At sumapit na nga ang araw na pinaka ayoko. Ang first periodical examination, pinaghadaan ko talaga ito. Nag basa ako gabi gabi. 10PM na ako halos matulog, madalas magising si Eliah at inaabutan akong nag rereview. Hindi kasi siya makatulog ng dire diretso kalag may bukas na ilaw. Pagka gising niya ay tinatawan nya lang ako.

"Himala Ate, akala ko allergic ka sa notebook." Sabay taklob ng kumot at bumalik na ulit sa pag kakatulog.

Ang effort mang-asar ha', gumising pa.

Pagdating ng examination ay halos gumuho ang mundo ko. Bakit ganon? Feeling ko ay hindi pa namin napapag aralan ito sa sobrang hirap ng tanong.

Humanga naman ako sa sarili ko dahil nairaos ko ang Math, Science, English, Filipino, Araling Panlipunan, TLE, MAPEH at oo, ang Values Education. Lahat yan mahirap sa akin. Mismong test paper ay kinakausap ko ng mga panahong iyan. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Mini mini mi ni mo, ano ang tama senyo?" Sabay turo sa letter B.

B na naman? Dalwang sunod na yan ah'. Letter D na lang. Kanina pang wala noon eh. Baka sakaling tumama.

Distribution of card

"Ma, baka ma late na tayo. Kunahan na ng card mamaya eh' hindi pa ikaw nakaka ligo." Reklamo ko.

"Oo na, tinapos ko lang itong mga hugasin."

Pagkatapos ng 30 minutes ay naka bihis na din kami. Dali dali kaming maglakad ni Mama.

Andaming tao ngayon sa Campus.

"Lumawak na pala ito, ano?" Sabi ni Mama.

"Bakit Mama?"

"Wala, naalala ko ay hindi pa ito ganito dati kadami ang building. Napaka rami na ngayon at halos pare pareho na. Samantalang dati, ilan ilan lang ang nga buildings dito."

"Bakit Ma? Dito din po kayo nag high school?"

"Oo naman. Kita mo yun" sabay turo ni Mama duon sa isang building sa may kalayuan ngunit kitang kita sa pwesto namin dahil ito ay malaki. "Lumang luma na yan. Dyan kami dati nag classroom noong 2nd year ako."

Kwento ng kwento si Mama tungkol sa mga naging experience niya dito hanggang naka rating na din kami sa building namin at dali daling umakyat.

Pagka dating namin sa floor namin ay hindi magkanda mayaw ang kaingayan. Pumasok na kami sa classroom at late na nga kami. Nakapag bigay na si Ma'am Vivian ng top namin.

Wow, Top 1 pala si Yudward. Ang galing naman ni Francine at ni Andrei.

Papalapit kami kay Ma'am Vivian. Pero hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko.

Reasons Why I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon