Chapter 35

442 19 1
                                    

Author's Note

I'm so sorry guys, halos isang buwan akong walang update. Sorry, ang hirap i manage ng pagiging student and being a author-wanna-be, hehehehe. So dapat noong isang linggo pa ako mag u update kaso nawala yung nasa draft ko, hindi ko ata na save sa sobrang antok. Sayang, on the other hand, Thank you guys sa mga masugid na nag abang at hindi nawalan ng tiwala sa akin. Thank you so much, I love you guys. You're all so amazing. 💕

-Lou

- - - - - - - - - -


Maureen POV

Padabog kong isinara ang pintuan sa sala upang mag sanhi ito ng napaka lakas na ingay. "Ma? Ano yun?"

"Ha? Anong ano?" Sinabi niya sa akin ng may matamis na ngiti sa labi.

"Ma wag ka nang mag maang maangan."

"Bakit meron bang namamagitan sa inyo kaya ka nagkaka ganyan?" Arg, nang aasar pa siya.

"Wala Ma, Andrei is just a friend!" Pag depensa ko. Tss, sabi na nga ba at yun ang gustong malaman ni Mama.

"Eh wala naman akong binanggit na pangalan ah. Yie, bakit si Andrei agad ang pumasok sa isip mo?" At binugyan niya ako ng nakaka pang asar na tingin.

"Ma, wag mo naman akong asarin ngayon. Please, I'm not in the mood."

"Weeeeeee?"

"Ma!"

"Oo na. 'Di mabiro?"

At hindi ko na pinakinggan pa ang iba pang sinabi ni Mama pagkat gusto ko ng mahiga at nakakapagod ang nangyari buong mag hapon.

Pagka pasok na pasok ko sa aking kwarto ay dumeretso ako sa banyo upang mag linis ng katawan, nag hilamos, toothbrush, palit ng damit at nag lagay ng cream sa mukha. Yan, nalaman niyo na ang sekreto ko. Hahaha.

May kung anong masakit sa braso ko. Naalala kong may sugat nga pala ito--- wait... yung jacket?!

Nasan na yun?

Agad akong napabangon sa pagkaka upo sa aking kama upang tingnan kung saan ko ito huling inilapag.

"Imposible, nandito lang iyon kanina. Paano namang mawawala yun." Napakamot ako sa ulo ko sa sobrang pag tataka.

Umupo ako at sinilip ang ilalim ng aking kama, nag babaka sakaling duon lamang iyon nahulog ngunit bigo ako.

Pumunta ako sa panyo kahit na alam kung imposibleng mapunta iyon duon, pwede pala kung naglalakad ang Jacket. Pfft, pathetic.

"Geez, where the heck is that jacket?" Kinakabahan na ako. Ano na lang iisipin noong tao kapag 'di ko iyon naibalik? Na gusto ko yung jacket? No way! Kaya kong bumili ng mas maganda at mas mahal pa duon.

Lumabas ako ng kwarto dahil nakaramdam ako ng pagka uhaw ng makita ko sa hallway namin ang isa sa mga kasambahay na may dala dalang mga damit.

Agad ko itong nilapitan at kinompronta. "Ahm... May nakita po ba kayong itim na jacket sa kwarto ko?"

"Ahm... Yung malaking jacket po ba?"

"Oo yun na nga."

"Opo. Kinuha ko po iyon at dinala sa baba. Nag imis po kasi ako sa kwaryo niyo at nakita kong mayroong naka---"

"Ok na. Sige, salamat."

Sa mga narinig ko, parang nawala ang pagka uhaw ko. Para bang nakampante na ako sa lahat ng aking nalaman. Kaya naman bumalik na lang ulit ako sa kwarto.

Reasons Why I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon