Dedicated to andrei_gorg
Maureen POV
Boring mag turo ang AP teacher namin. Hindi ko naintindihan ang diniscuss niya kaya mag se self study na lang ako mamaya.
Nang mag dismissal na ay nawala na naman ng bigla si Yudward. Sanay na ako sa pagiging introvert niya pero ang tanging bagay na hindi ko matutunan ay ang pagiging sanay na lagi niya akong iniiwan.
Mag isa akong pumunta sa locker room, as usual heto na naman tayo.
Kaway sa kanan, kaway sa kaliwa. Ngiti dito, ngiti duon. Oh diba? Feeling celebrity ang peg. Pag tingin ko sa locker ko ay may naka dikit na love letter. Natawa naman ako dahil uso pa pala ang mga secret admirer.
"Wow, how sweet naman nito. Naka handwriting pa." Bulong ko sa sarili ko.
Dear Maureen,
Sana ngitian mo ako araw-araw para lalo akong mainspired.
Love, your future boyfriend
Natuwa naman ako sa naka sulat. Sa dami dami ng nginingitian ko araw araw ay hindi ko maiisip kung sino ang posibleng mag lagay nito sa harap ng locker ko.
Kinuha ko na ang steadler ko, sa di kalayuan ay nakita ko si transferee girl na nag lalakad mag isa. Wala ngayon yung mga friends niya.
Nakakatawa siyang tingnan. Mahuhulog yung dala dala niya ruler, edi uupo siya para kunin. Tapos pag tayo niya nilipad ng hangin yung drawing paper niya.
Hahahaha. Grabe. Wala na bang mas lalala pa sayo?
Nakita kong tinukungan siya ni Nathan. Sayang naman nag eenjoy pa ako sa nakikita ko. Lumiko ako dahil ayokong mag cross ang landas namin ni Nathan at lalo na noong transferee girl na iyon.
Pag dating ko sa classroom ay naka upo na sila. May kanya kanya na silang upuan. Naka upo si Yudward sa dulo na malapit sa bintana at may katabi na siya. Yung mga classmate naming babaeng kasing kapal ng encyclopedia ang make up sa pag mumukha.
Hindi ko sila mapapakiusapan kasi tabi tabi na silang mag kakaibigan. Wala akong choice kung hindi umupo sa ibang upuan. Hindi ko din naman mapapakiusapan na huwag duon umupo si Yudward kasi mahilig siya sa pwestong malapit sa bintana.
Maagang nag klase ang teacher namin sa TLE. Tinuruan niya kami kung ano ang pinag kaiba ng gamit ng T-square at ruler. Ang T-square ay gagamitin namin para gumuhit ng mga horizontal lines samantalang ang ruler naman ay para sa vertical lines. Tinuruan din kaming gumawa ng title block.
Ang buong klase namin ay ginugol ko sa paguhit ng mga linya.
Guhit. Guhit. Bura. Guhit. Dismissal.
Third subject na namin. Karamihan sa kanila ay inaantok. Values education namin ngayon at aminin ko ako ay inaantok din. Ang hinhin mag salita ng teacher namin.
Lunch break
This time you won't get away from me Yudward.
Pagka tapos na tapos ng klase ay hinabol ko agad si Yudward. Nakita ko siya sa hallway nag lalakad ng naka tungo.
"Yudward!" Sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Reasons Why I Love You
Teen FictionDo people have their reasons with everything? Do they love someone for a reason? Elise Arevallo, a kind hearted girl who's enthusiastic about everything. She's completely inlove with a boy who dedicated himself in studying. Yudward Villamarzo, the i...