Prologue

14.1K 340 5
                                    


"T-Tito!" umiiyak na tawag ko. Agad akong umupo kahit nahihirapan ako.

"H'wag ka munang gumalaw," paalala niya sa'kin pero hindi ako nakinig. Pagkalapit niya sa'kin ay agad ko siyang sinalubong ng yakap.

Kanina pa ako dito sa hospital room at walang kumakausap sa'kin. Nasaan na ba sina Mommy. Magaling na ba sila?

"Ayos ka lang ba?" tanong niya.

Umiling ako. Si Mommy at Daddy... Gusto ko silang makita. Gusto kong malaman kung ayos na ba ang kalagayan nila.

"Nasaan po si Mommy at Daddy?" tanong ko. Nag-iwas ng tingin sa'kin si Tito.

"Nasa hospital room din po ba sila? P'wede ko po ba silang makita? Natatakot po ako dito. Baka may makita akong ghost," natatakot kong sabi.

Pinatong ni Tito ang kamay niya sa ulo ko. Bakit ang lungkot ni Tito? Nasaan na ba si Mommy?

"Tito?" tawag ko.

Napatingin ako sa pinto nang magbukas ito at niluwa si Tita Sabelle. Kasama niya ang masungit niyang anak na si Xander.

Nagtataka ako dahil pare-parehong nakasimangot ang mga mukha nila. Masama ba ang pakiramdam nilang lahat?

"Ah!" daing ko nang kumirot ang tagiliran ko.

"May masakit sa'yo?" tanong ni Tito.

"Hindi mo pa ba nasasabi sa kanya?" tanong ni Tita kay Tito. Nasabi ang alin?

"Hindi ko 'ata kaya," sagot ni Tito at hinaplos ang pisngi ko. Ano ba'ng nangyayari?

"Ano po'ng sasabihin?" naguguluhang tanong ko. Tumingin sa'kin si Tita.

"Patay na ang Mommy at Daddy mo."

"Sabelle!" suway ni Tito.

Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi ni Tita. Patay na si Mommy at Daddy? Paanong nangyaring patay sila?

"Isang linggo ka ng tulog simula nang mangyari ang car accident. Namatay ang magulang mo," prankang dagdag ni Tita. Tila nanlamig ako ako narinig ko. Hindi p'wedeng mawala si Mommy at Daddy...

Hindi nila ako p'wedeng iwan!

Walang mag-aalaga sa'kin. Ayaw ko mawala sila. Hindi! Hindi!

"Sabelle hindi gan'yan ang tamang pagsasabi sa kanya. Bata pa si Aubrey for Pete's sake," galit na sabi ni Tito.

"Kailangan niyang malaman ang totoo dahil malalaman din naman niya 'yon pagdating ng araw," sagot ni Tita.

Hindi p'wede.

___

Sina Tita na ang kumupkop sa'kin. Noong una ay mabait sila sa'kin. Pero nang magtagal ay lumabas ang tunay na kulay nila.

Ginawa nila akong utusan.

Kurot at palo ang katumbas ng bawat maling gawain ko.

Masasakit na salita ang kadalasang almusal ko.

Wala akong nagawa kung hindi tanggapin sa murang edad ang sitwasyon ko. Wala akong ibang matatakbuhan. Mas'yadong mabilis ang mga pangyayari.

Gusto kong ibalik ang lahat sa dati. Gusto kong itigil ang oras sa mga panahong buhay pa sina Mommy at Daddy. Pero imposible.

Ako si Aubrey Flores at ito ang kuwento ko.

The Androgynous Nerd (BxB)Where stories live. Discover now