Chapter 01

13.3K 386 23
                                    

Yes, Aubrey is a male. Yes, this is a BL story. 🙂

Aubrey's POV

"Ano saan ka na naman pupunta!"

Agad akong nagising nang marinig ko na naman si Tita na sumisigaw. Nang tignan ko ang orasan sa k'warto ko ay 4:00 a.m. pa lang.

Ang aga para sa sigaw n'ya.

Naisip kong bumangon na dahil magluluto pa ako ng agahan nila. Sinuot ko ang salamin ko at saka pumunta ng banyo upang maghilamos ng mukha. May sariling banyo ang k'warto ko. Nakakita na ba kayo ng utusang malaki ang k'warto at may sariling banyo pa?

May kaya kasi ako dati. Actually hanggang ngayon naman dapat eh. Pero isang aksidente ang nagpabago sa buhay ko.

I'm Aubrey Flores. Seventeen years old and nagta-trabaho na. When I was ten both of my parents died. We had an accident. A car accident and it was my fault.

FLASHBACK

"Mom pumayag ka na please!" pangungulit ko kay Mommy. Gusto ko kasing pumunta ng amusement park together with Daddy. I want a family bonding!

"Darling, your father is busy hindi natin s'ya p'wedeng kulitin, okay?" nakangiting saad ni Mommy. Agad akong nagpuppy eyes at paulit-ulit na nag 'please' kay Mommy.

"Please! Please! Please!" Walang nagawa si Mommy kung hindi pumayag at sinamahan ako sa office ni Dad.

"Hon? May isang bata ditong may sasabihin daw sa'yo," natatawang sabi ni Mommy at saka ako mahinang tinulak papasok ng silid. Nanakbo naman akong lumapit kay Daddy.

"Dad let's go to amusement park, please?" nakanguso kong hiling at saka s'ya niyakap. Nakangiti naman niyang sinarado ang ginagamit niyang laptop at saka ginulo ang buhok ko.

"Hon ang anak natin naglalambing? Hahaha!" agad ko namang inalis ang kamay ni Daddy sa buhok ko at saka s'ya hinalikan sa pisngi.

"Dad please!"

"Sure baby mag-ayos ka na aalis tayo," agad pumalakpak ang tainga ko at saka pinaulanan ng halik ang mukha ni Daddy.

"Thank you po!"

———

"Did you have fun dear?" Masaya naman akong tumango at saka ngumiti ng malawak kay Mommy at Daddy. Pauwi na kami at nakasakay kami sa family car namin.

Ang daming naming sinakyang rides! Favorite ko 'yung mababasa ka! Tsaka 'yung horro—

"HON STOP THE CAR!" Nawala ang ngiti sa labi ko at agad akong nagtatakang napatingin kay Mommy at Daddy. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang pagaywang gaywang na truck na papalapit sa amin.

"D-Dad?" Hindi ko mapigilang mapaiyak at saka inabot si Mommy sa passenger seat habang ako naman ay nasa backseat.

"M-Mom a-are we gonna die?" umiiyak kong tanong nang mahawakan ko ang kamay ni Mommy. Pinunasan ni Mommy ang basa kong mukha at saka ngumiti.

"No son. Don't say that." Nawala ang takot sa puso ko nang haplosin ni Mommy ang mukha ko. Pakiramdam ko ay nawalis lahat ng takot at kaba na nararamdaman ko sa isang haplos at ngiti lang ni Mommy.

"FUCK AMANDA I CAN'T STOP THE CAR!" Nabalik ang takot ko nang marinig ko ang naghihisterikal na sigaw ni Daddy.

"D-Daddy please make it stop." Hinawakan ko ang damit ni Daddy habang walang tigil sa pag-agos ng luha sa aking mga mata.

"Put on your seat belt," mahina ngunit may awtoridad na utos ni Daddy.

No Hindi! hindi ko sila mahahawakan kung magsusuot ako ng seat belt.

"B-But Da—"

"PUT ON YOUR SEAT BELT NOW AUBREY!" Umiiyak akong napabitaw at sinuot ang seat belt ko

Huli kong naalala ang pagtilapon namin sa bangin at ang huling salitang sinabi ni mommy.

"I-I love you a-anak."

END OF FLASHBACK

It still hurts. It's been seven years but It still damn hurts. It was my fault. It was all my fault. I should have died too. I still can't believe na wala na sila. Pero ano pa bang magagawa ng kagaya ko? I'm broke.

"HEY FAG WATCH OUT!" Huli na upang umiwas dahil paglingon ko ay saktong tumama sa mukha ko ang bag ni Agatha.

"Hahaha! Stupid mo talaga. I told you to watch out and yet you stood still and waited for my bag to land on your fucking ugly face!"

Maarte siyang tumawa at tinulak pa ako. Siya ang babaeng anak ni Tito. We used to be close. Pero ewan ko ba. Dala siguro ng barkada niya.

I forced myself to ignore her at minabuti na lang na pumunta ng kusina para magluto. Aga n'ya naman magising ngayon? I opened the fridge and smelled liquor.

Si Xander talaga.

Bumabalik na naman addiction niya sa alak. Hindi 'yun maganda sa health niya.

I decided to cook eggs and bacons para madali lang. Wala rin kasi ako mas'yado sa mood. Heavy breakfast lahat ang kinakain nila excluding Tita and Agatha while Tito and Xander eat rice on breakfast.

"Hey Aubrey."

Not again.

Blanko akong lumingon sa lalaking walang ibang ginawa kung hindi asarin ako. Siya si Drake. Friend ni Xander na madalas tumambay dito.

May pagkamanyak siya kaya naiinis ako sa kanya. Pinagpipilitan niya sa'kin ang sarili niya akala mo papatulan ko siya. May itsura naman siya pero kahit na magpagulong-gulong pa siya sa sahig, never ako papatol sa lalaki.

"Nice butt honey." Agad nag init ang pisngi ko at saka binaba ang suot kong pinaglumaang T-shirt ni Xander. Agad ko s'yang tiningnan ng masama pero hindi siya nagpatinag at saka ako akmang hahawakan kaya napaatras ako.

"Ano ba!" sigaw ko. Dahil siguro kakagising ko lang ay sumabog ako. Natatawa naman nitong tinaas ang dalawang kamay n'ya at saka may kinuha sa likod ko.

"H'wag kang assumero dahil 'di ka naman maganda. Tubig ang kailangan ko hindi katawan mo. Wala ka namang boobs eh," panunuya n'ya habang tumatawa. Pinakita pa niya sa'kin ang water bottle na hawak n'ya at saka ako dinilaan.

Paano ako magkakaboobs eh lalaki ako. Bolang ba siya?

Siya si Drake. Isa sa mga kaibigan ni Xander. Lagi siyang nandito kaya madalas ding uminit ang ulo ko dahil sa kanya. Lagi niya kasi akong inaasar na bakla kahit alam naman niyang hindi ako bakla. Palibhasa kasi ay payat ako kaya ako ang trip na trip niyang asarin.

Lumabas na siya kaya pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Bakit ba kasi siya laging nandito? Inaaning na naman niya si Xander.

The Androgynous Nerd (BxB)Where stories live. Discover now