Chapter 02

9.5K 330 28
                                    

Aubrey's POV

"Ano Victor! Mangbababae ka naman?" Nabalot ang buong mansyon ng sigaw ni Tita Sabelle.

Hindi ko na lang pinansin ang papalapit na si Tito Vic at Tita Sabelle sa kusina. Abala ako sa pag-aayos ng lamesa para makakain na sila.

Mas okay na sila na lang ang nag-aaway kaysa naman sa ako ang pagbuntunan ng galit ni Tita Sabelle. Umupo na si Tito at tumingin sa 'kin.

"Ipagtimpla mo 'ko ng kape," malumanay n'yang utos kasalungat ni Tita na sigaw ng sigaw at kung anu-anong paratang ang binabato kay Tito.

Nariyang nakita n'ya raw itong may kasamang babae. Isa pa ay may something daw sila ng secretary ni Tito. Ewan ko ba kay Tita. Mas'yadong paranoid. Ang dami niya laging conspiracy theories sa mga nagiging kabit kuno ni Tito.

Nagtimpla ako ng black coffee at saka ito nilagyan ng kaunting almond milk.

Tinuro sa'kin ni Tito ang wastong pagtitimpla ng kape n'ya. Ayaw n'ya raw ng asukal. Ang gusto n'yang pampatamis ay milk at hindi lang kahit anong gatas. Kailangan pa talaga almond milk.

Nang matapos ako ay agad ko itong inabot kay Tito. Ako lang ang mag isang katulong sa three story house na 'to. May tanim kasing galit sa 'kin si Tita. Psh!

Dating best friends sina Tito at parents ko. Highschool pa lang magkakaibigan na sila. Maganda ang Mommy ko kaya maraming lalaking pumila para ligawan siya. Pati nga si Tito at Daddy nagkagusto sa kanya eh.

Si Tita naman may lihim na gusto kay Tito pero hindi niya sinasabi kay Tito dahil alam niyang si Mommy ang gusto ni Tito. Mabuti na lang si Daddy and Mommy ang nagkatuluyan.

Siyempre nasaktan si Tito and si Tita ang nasa tabi niya para damayan siya. Long story short, naging sila rin and nagkaanak sila ng dalawang ulupong. Pero hanggang ngayon pinagseselosan pa rin ni Tita si Mommy ko na nasa langit na.

"Ano Victor? Sumagot ka!" Hindi nagtagal ang pag-inom ni Tito ng kape niya.

Nakita ko pa ang pagtangis ng bagang niya bago lisanin ang kusina. Napatingin naman ako nang nakangangang tinitigan ni Tita si Tito na umalis.

Parang hindi s'ya makapaniwalang wala s'yang napala sa kasisigaw n'ya. Nanlaki ang mata ko nang galit itong tumingin sa 'kin.

"Ano'ng tinitingin-tingin mo d'yan, ha!" Agad siyang lumapit sa'kin at mahigpit na sinabunutan ang buhok ko.

Napahawak ako sa kamay ni Tita dahil sa sobrang higpit ng kapit n'ya sa buhok ko. Parang matatanggal na ang anit ko!

"Kasalanan mo 'to eh! Kung hindi malandi 'yang nanay mo at hindi nang-aakit ng mga lalaki, masaya sana kami ni Victor!" Naiiyak akong napaluhod nang itulak ako ni Tita sa sahig.

Namumula sa galit ang babae bago niya ako iwan sa kusina. Agad akong napatingin sa braso ko at malalim na napabuntong-hininga.

"Nice. New bruises again," I sarcastically laughed. I was about to head upstairs to get ready for school when Xander entered the kitchen.

Tinitigan ko s'yang umupo at kumain. Baka kasi may i-utos siya sa'kin pero nang mapansin kong mukhang wala naman ay tumalikod na ako para umakyat ng k'warto.

"Sumabay ka na sakin mamaya." I raised my eyebrows. Ano'ng meron? Balak niya rin akong pagtripan?

"Maglalakad na lang ako," tanggi ko. Tumaas ang balahibo ko nang samaan n'ya ko ng tingin.

Pero ayaw ko siyang makasama sa kotse. Psh.

"I want you in my fucking car Aubrey," madiin niyang sabi na parang galit na ang tono. Napakagat ako ng labi at dahan-dahang tumango.

"Okay I'll get ready j-just wait for me," nabubulol na sagot ko. Hindi na ako nag-aksya ng oras at nagmamadali akong umakyat ng k'warto para maligo.

You know what he does when he's mad? Pinagbubuhatan n'ya ko ng kamay. I can still recall the first time he laid his iron fist on my cheeks. That hurt.

Inutusan n'ya kasi akong linisin ang k'warto n'ya and being the obedient maid I am, lahat ng kalat tinapon ko.

I didn't know na mahalaga pala 'yung isang papel na natapon ko. I don't know what's written inside. It was crumpled though. Akala ko tuloy basura. Anyway, he beat me up real hard that day.

He should have at least kept it on a nice place nang hindi ko napagkamalang basura.

It was his first time hurting me physically and I'm not looking forward for the next time.

I took a quick shower and wear something really comfy. I'm just wearing my usual outfit. My hoodie, skinny jeans and shoes. Nothing special. Sinuot ko ang salamin ko at bahagyang inayos ang buhok ko. Mas kamukha ko si Mommy kaysa kay Dad.

Kaya nga 'ata ako nasasabihan ng bakla dahil sa itsura ko. Malamya ako gumalaw alam ko 'yun. Pero hindi ko masasabing bakla ako dahil nagkakagusto ako sa babae. May mga lalaki lang sigurong malamya gaya ko.

Siguro

I'm wearing another T-shirt inside my sweater. It's kind of cold inside our room. I'm a scholar in a very luxurious school. Independent school ang Montefalco University and they don't have uniforms.

I locked my room and headed downstairs nang may biglang humapit sa bewang ko.

"You smell nice baby." Agad kong tinanggal ang pagkakahawak n'ya sa'kin at saka nauna kay Drake, but being tall gives you longer legs to walk bigger steps kaya naabutan n'ya 'ko.

"I can still see your ass from here darling!"

I tried my best to ignore him and sighed deeply. I continued walking like nothing happened. I opened the door and sat at the back seat. Sunod na pumasok si Drake sa loob ng kotse beside me.

"You're so cute with your eyeglasses.''

Damn it.

Drake's acting weird again. I hate it!

I ignored him and looked at the window when I caught Xander looking at me. I raised my eyebrows asking if he needs something but he looked away.

Another weirdo.

———

"OMG."

"Xander's here."

"My oppa Drake."

"I really love Xander."

"You is pogi talaga Drake."

Napuno ng bulungan ang entrance ng school nang lumabas kami ng sasakyan. Kahit na bulong ay maririnig mo ang mga sinasabi nila. Medyo sikat kasi sila. Medyo sobrang sikat.

Humiwalay na 'ko sa kanila at naglakad ng sarili ko. Wala sa new year's resolution ko ang maisyu dahil sa kadahilanang kasama nila ako sa loob ng kotse.

Malapit na sana ako sa building ng room ko nang may humarang sa'king tatlong babae.

Splash!

Not again..

The Androgynous Nerd (BxB)Where stories live. Discover now